Chapter 22

2.6K 44 2
                                    

Jorge POV

"eto ba ang hinahanap mo?" paglingon ko. Andun ang heneral at hawak hawak nya yung kapatid ko.

"ate.. Tulungan mo ko.." umiiyak na sabi kapatid ko.

Tinapatan ko ng baril ang heneral pero may mga tauhan sya na tinutukan ako.

Andaming nakatutok sakin. Isang maling galaw. Patay ako.

Kung ako lang kaya ko sarili ko. Pero ang maisip ang kapatid ko.

"the beautiful lady in Red.. Bakit kada magkikita tayo lagi kang nakapula?" nakangiti nyang sabi.

Pagtingin ko sa damit ko. Napansin ko na lang din na nakapula nga ako.

"pakawalan mo na ang kapatid ko heneral.. Paalisin nyo na kami para wala nang gulo"

"matapos nyong patayin ang anak ko!!!!" galit na sabi nya.

Hindi ako nakapagsalita.

"buhay din ang kapalit.." tinutukan nya ng baril ang kapatid ko. Iyak to ng iyak.

"ANO BANG GUSTO NYO!!??? Bakit ako ang pinapahirapan nyo!!" sigaw ko!

Tumawa sya!

Parehas sila ng tawa ni Alejandro!
Mag ama nga sila.

"ganyan ang mga nagiging kapalaran ng nagmamahal kay Allen.." sabi nya. "ibibigay ko sayo ang kapatid mo kung yun ang nais mo"

Sakto naman ang pagdating ni Allen.
Nagulat sya ng makitang trap kami dun.

Tinignan ng heneral si Allen. At bumalik ang tingin sa akin.

"si Allen, kapalit ng kapatid mo.." gusto talaga nila patayin ko si Allen.

Tinignan ko si Allen. Agad ko sya tinutukan ng baril..

Pag ginawa ko ba to?
Matatapos na ang lahat.

Hindi! Alam ko tatraydurin na naman nila ako.

"h..hindi ko kaya" sabi ko sa heneral at nag iiyak na din ako.

Nakita kong nagalit ang mukha ng heneral.
"ganun ba!.. magpaalam ka na sa kapatid mo.." at tinutukan nya ulit ng baril si Georgia

"ate!! Ayoko pa mamatay ate!!" sigaw ni Georgia.

Nangangatog ako.
Anong gagawin ko???
Papatayin nya kapatid ko!!!!

Bang!

May bumaril na sniper sa heneral kaya nabitawan nya kapatid ko.
Nagmadali akong hinatak si Georgia.

Nagkagulo lahat!
Sabay din ang dating ng mga tauhan ni Allen.

Nagsisigaw kami sa takot magkapatid. Naubos na ng mga tauhan ni Allen ang mga kalaban.
Nakita ko si Allen na sinugod ang heneral na balak pa sana tumakas.

"ako ang dahilan bakit nandito ka sa mundong to! Stupido!" ang heneral.

"ang malaking pagkakamali mo ay binuhay mo ko!" matanda na ang heneral kaya hirap na to gumalaw.

Binaril sya ni Allen sa ari nito!!

"ahhhhhhhhh" sigaw ng heneral.

"para yan sa lahat ng nirape nyo!! At sa ginawa mo sa nanay ko!!"

Binaril din nya ito sa mata..

"para yan sa kaibigan ko!"

Bang bang bang bang bang bang

Hindi ko na nakita huling ginawa ni Allen . Napapikit kami ng kapatid ko dahil hindi ko kaya makita ginagawa niya.

Nakakatakot!!

Pagtingin ko sa heneral.

Patay na to!

"sunugin nyo yan" sabi ni Allen.





---------------------



Nilabas nila ang bangkay ng mag ama at sinunog yun.

Napansin ko na naubos nila mga tauhan ni Alejandro. Kaya pala kinatatakutan sya kasi kahit malaking sindikato kaya nyang pulbusin.

Nilapitan ko si Allen..

Habang tinitignan nyang nasusunog ang pamilya nya.

Niyakap ko sya.

Umiiyak sya sakin. Napakalaking tao ni Allen pero umiiyak sya.

"hindi ako masama.. Kung alam mo lang dinanas ko sa kanila.."







"psshhh ok na.. Wag ka nga umiyak.." hinarap ko sya at pinunasan ang luha nya at hinalikan sa labi nya. Ang mahalaga ay wala na ang nagpapasakit sa kanya. Nawala na ang tinik sa puso nya. "allen buntis ako" sabi ko.

"t..talaga?!!" napalitan ng saya ang mukha nyang galit na galit kanina.

Ilang araw ko na kasi nararamdaman na may kakaiba sakin at naconfirm kong buntis ako ng magsuka ako at nagspotting.

Hinalikan nya ang kamay ko.

"promise.. Bibigyan ko kayo ng maayos na buhay.. Lalayo na tayo" sabi nya.. Umoo naman ako. Gusto ko makasama si Allen habang buhay..

"mahal na mahal ko kayo" kiniss nya ko sunod ay lumuhod sya at kiniss ang tyan ko. Masaya ako at masaya sya sa binalita ko.

Nagpaalam ako saglit at bumalik saglit kapatid ko. Iuuwi ko muna sa tyahin ko si Georgia dahil sa trauma nya dito. Naglakad na ko palapit sa kanya.

Bang!

Anong nangyayare??

Paglingon ko. Andaming pulis nakatutok lahat kay Allen.

▶️Maging sino ka man

Hindeeeee

Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa't isa'y kailangan
Dati mong pag-ibig wala akong pakialam
Basta't mahal kita kailan pa man


Tumakbo ako pabalik kay Allen.

'Wag kang mag-isip ng ano pa man
Mga paliwanag mo'y di na kailangan
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man

Pinagbabaril nila si Allen!!


Mahal kita pagka't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man

Hindi pwedeeee. Nakita kong bumulagta na si Allen sa lupa.

"tama naaaaaa!! Plssssss 😭😭" isang pulis ang pumipigil sakin.

Mali man ang ikaw ay ibigin ko
Ako'y isang bulag na umiibig sa 'yo

Tinakbo ko sya at niyakap para di na nila barilin. Ayaw pa nila tumigil!

At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man

Andami nyang dugo.
"allen wag mo ko iwan plsss... Allen.." di na sya sumasagot. Hirap na sya magsalita kaya di ko na naintindihan sinasabi nya. Unti unti na ding nawawala diwa nya.

Mamamatay ako kakaiyak. Hindi nya ko pwede iwan.

Mahal kita pagka't mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man

Allen hindi mo ko pwedeng iwan
Allen plsss hindi ko kayaaaaa 😭😭

-------------------

Fall in Love with a Criminal (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon