Jorg POV
"boss may mga pulis" si Jeremy
P*tangina. Nadinig kong sabi ni Allen. Agad ko sinuot yung shorts ko. Pinaalis ako ni Allen sa sofa.
Sa ilalim pala nun andaming mga baril. Binigyan nya ko ng baril."gamitin mo pag kinakailangan!" tapos hinatak nya na ko palabas. Nadidinig ko na din na may mga nagpuputukan sa labas
"Paul, sumunod kayo sakin!"
Bang!
Ay! Napatili ako kasi may bumabaril samin. Nadadaanan namin yung mga patay na tauhan ni Allen
Hanggang sa kusina. May bumabaril samin. Nakita kong may tama si.. Allen
"ayos ka lang ba?" pag aalala ko.
"oo! Ayos lang ako! Bilisan mo!"
May mga secret way pala yung mga pinto dun at dun kami dumaan.
Kasama namin si paul at si jeremy.
"sabihin mo sa kanila magkita na lang lahat sa kabilang hideout!"
May isa pa palang hideout sila Allen.Bang bang bang!
Shocks. Muntik na ko!
"ano ba! Wag ka ngang lalayo sakin!" si Allen."Jeremy! Sumunod ka sakin ! Paul, dalhin mo si Jorg dun ng ligtas. "
"ano! Ayoko?!" sabi ko.
"sige na! Wag mo na ko pahirapan! Magkikita pa ulit tayo" tapos hinalikan nya ko. Hinatak naman ako ni Paul at walang nagawa kundi sumunod.
"Paul! Pano si Allen! Baka ano mangyare sa kanya?"
"wag mong problemahin si boss. Palos yun! Di nila kaya yun" Nagtiwala na lang ako sa sinabi nya. Pero sa totoo lang kabang kaba ako
Pano pag di ko na sya nakita??Nakarating kami sa kabilang hideout.
Antagal ko naghihintay. Kasunod lang namin sila Kat at iba pang mga tauhan nya! Pero bakit wala pa sya!
Nag aalala talaga ako!
Maya maya dumating si Jeremy na duguan.
"oh my god. Asan si Allen!?" sabi ko.
Nabunutan ako ng tinik ng biglang lumabas si Allen mula sa pintuan kasunod nya!
Jusko salamat!
Sinalubong ko sya ng yakap at halik!
"ayos ka lang ba?! Akala ko di na tayo magkikita" umiiyak kong sabi.
"pwede ba yun? Sabi ko sayo di ba magkikita pa tayo" sabi nya. "magpahinga ka na"
"hindi! ako maggagamot ng sugat mo"
Ako ang naggamot sa kanya sa kwarto. Grabe parang walang nangyare. Ang lalalim ng sugat nya pero walang daing na sakit.
"ayos ka lang ba talaga?" tanong ko.
"hindi nga eh" sabi nya.
"huh? May masakit pa ba sayo?"
"meron, puson ko nabitin ako kanina eh" pang aasar nya.
"bwisit ka!" binato ko sya ng mga bulak na may betadine
"aray ko! Totoo naman eh. Nabitin ako kanina!" niyakap ko sya ng mahigpit!
"allen.. Tama na to! Magbagong buhay ka na. Magsimula na tayo sa simple lang! Ayoko ng ganito! Hindi ako panatag sa pwedeng mangyare satin! Habangbuhay na lang tayo magtatago"
"ano? Magbago? Sa taong gaya ko walang lugar ang pagbabago? At wala din akong balak kaya itigil mo na yang sinasabi mo at kaya ko kayo ipagtanggol tandaan mo yan"
"pero allen"
"at kahit magbago ako. Tutuluyan ako patayin ng mga kalaban ko! At hindi nila ako bibigyan ng tsansa mabuhay yun ba gusto mo?
"hindi mo ko naiintindihan hangga't maaga lalayo tayo. Gusto mo bang pag nagkaanak tayo. Ganito ang kagisnan?"
"mahal mo ba ko?" biglang tanong nya.
"o..oo naman"
"kung mahal mo ko tanggapin mo na ang kakambal ng pagsasama natin ay ganitong buhay, ganitong mundo"
"gusto ko mabuhay kasama ka. Pwede naman tayong mabuhay ng tahimik magkasama ah"
"tama na! Hindi tayo nagkakaintindihan! Kahit anong gawin ko. Kahit san tayo magpunta. Susundan ako ng mga kaaway ko! Kaya dito lang tayo! Ayoko ng inuutusan ako" tumaas boses nya. Sa palagay ko'y naiinis na naman sya sa pangungulit ko. Masama bang humiling ng maayos na buhay.
Lumabas na sya at galit na iniwan ako.
----------------
Allen POV
Magbago?
Demonyo ang mga kalaban ko!
Kaya dapat mas demonyo ako!Hanggang ngayon palaisipan sakin pano nalaman ng mga pulis hideout namin! May espiya nga talaga dito at isa sa mga tauhan ko lang.
Kagabi pa ko di makatulog
Ni hindi ko makain ang almusal ko ngayon kakaisip.Nagulat ako ng biglang may humalik sakin. Akala ko ay si Jorg.
Hinahalikan nya ko Sa tenga pababa sa leeg ko. Pagtingin ko sabi na hindi si Jorg."Tanya?" (si Tanya po yung umaaway kay Jorg)
"masarap pa din ako di ba boss, mas masarap sa Jorg na yan!" hinahawakan nya yung alaga ko kahit nakapantalon ako.
Binuksan nya yung zipper ng pantalon ko at kinapa ang alaga ko para alam nyo na..
Iba talaga si Jorg sa kanila. Mas gusto ko pagkainosente nya. At hindi sya gaya ng mga to na lahat ng lalaki tinitikman
"tumigil ka nga! Ang aga aga binibwisit mo ko!" tapos tinulak ko sya.
"ouchhhh" hinabol nya ko.
"eh pano kung sabihin ko kung sino yung tumatraydor sayo? Tatanggihan mo pa ba ko??""k..kilala mo!?"
"oo.. Pero sasabihin ko pag pagbibigyan mo ko kahit round 1"
Boogsh!
Sinikmuraan ko sya. Oo sinaktan ko kahit babae sya! At kinuwelyuhan..
"at kelan ka pa natuto utusan ako! Sino?!"
"nasasaktan ako" -Tanya
"masasaktan ka talaga pag di mo sinabi!" ako.
"sasabihin ko na!" sabog bibig nya at hilo pa sya
"si.. Si.. "
"SINO NGA?!" Napipikon na ko sa tagal nya
"Si.. Jorg"
Ano! Sinapok ko ulit sya sa pikon ko!
"oo Allen si Jorg!" nilapag nya ang isang phone "nakuha ko yan sa jacket nya. Cellphone yan ng mga nbi , bat di mo sya tanungin kung kanya ba talaga yan!"
Agad kong kinuha yun at chineck! Tinignan ko may mga text and calls dun. Same dates nung niraid kami ng mga pulis. Inaupdate nya mga ginagawa namin sa mga pulis!
P*tangina! All of this time! Ginagago nya pala ako!!
Lahat na lang ba nang mamahalin ko lolokohin ako!
-----------
BINABASA MO ANG
Fall in Love with a Criminal (Complete)
RomanceSi Jorgina ay isang babaeng simple, maganda at masayahin ngunit nang masaksihan nya ang isang krimen nang hindi sinasadya sya ay binihag at inangkin ng isang leader ng sindikato at nadamay pa pati ang kanyang nakababatang kapatid paano nya ito matat...