Jorge POV
Isang linggo na ko sa kulungan.
Iyak ako ng iyak. Minsan ay tulala. Ni hindi ko alam kung anong nangyare sa labas.
Nabalita na siguro sa buong bansa ang nangyare sa heneral at sa mga anak nito.
Dinalaw ako ng tyahin ko at galit na galit sakin! Kinuha na nya si Georgia.
Binigay ko na ang kapatid ko sa tyahin ko dahil hindi magiging maayos ang buhay nya sakin matapos ang nangyare.
Pag naaalala ko si Allen di ko mapigilang umiyak.
Bakit ganun.. Akala ko ba kaya mo kami pagtanggol.
Bakit iniwan mo ko..
Nagdala ng pagkain yung pulis na nagbabantay sakin.
"oh pagkain mo" sabi nito. Lumabas din sya agad.
Kinuha ko yung pagkain kahit di ako gutom kailangan ko kumain para sa anak ko. Kinuha ko yung baso dahil nauuhaw ako. Nagulat ako dahil may note dun.
Miss me
-AllenKinabahan ako bigla.
Bang bang!!
Agad akong sumilip. May nagbabarilan. Naririnig kong parang nagkakagulo na sa labas.
May mga lalaking nakamask na sumugod at binuksan ang pinto ko!!
Binaril nung isa yung lock.
Pagbukas nun. Pumasok yung isa at nakamaskara. Alam kong nakatingin ito sakin hawak ang isang baril. Napaatras ako dahil baka patayin nila ako. Tinanggal nya ang kanyang maskara at..
Napahawak ako sa bibig ko nang makitang..
"Allen! 😭"
Si Allen to..
Nagtatakbo ako at niyakap sya. Nag-iiyak ako sa saya. Niyakap nya ko pagkatapos ay hinalikan.
"oh kala ko naman masaya ka, iiyakan mo lang pala ako" pinagsasabunutan ko sya sa inis!!
"hayop ka!! Kala ko wala ka na.." reklamo ko.
Nagtanggal ng maskara mga kasamahan nya at sila Jeremy pala yun.
"pwede ba yun.. Di nila ako kaya palos to!" tapos ay hinalikan nya ulit ako.
Hinatak nya na ko hanggang makalabas. Tumakas pala tong mokong na to. Sariwa pa ilan sa mga sugat nya.
Sumakay kami ni Allen sa isang kotse.
Bago pa man sya sumakay. May hinagis syang susi at yung baril nya kay Jeremy. Sinapo yun ni Jeremy at tinanguan lang sya nito. "magiingat ka boss" sabi nito. Sign siguro na aalis na.
Pinaandar na ni Allen sasakyan at nagtaka ako dahil naghiwalay sila ng daan.
"san sila pupunta?" tanong ko.
"babalik na sila sa hideout.. Si Jeremy na bahala dun simula ngayon.."
"at tayo?" Kinuha nya yung kamay ko at hinalikan ito.
"gaya ng hiling ng misis ko.. Mabubuhay na tayo ng tahimik.." sabi nya "ayokong lumaking kagaya ko magiging anak natin"
Tama ba ang narinig ko??
Grabe sobrang saya ko!!
Hinalik halikan ko pisngi nya kahit nagmamaneho sya.
"thank you Allen, thank you" **kiss*kiss*kiss*
"ohhh masyado mo naman ako namiss.. Mamaya yari ka sakin hahaha"
Binatukan ko sya.
"ayan ha sinunod na nga kita eh.. Kapalit neto dapat araw araw ah hahahaha" si Allen.
Hinalikan ko ulit sya..
"kahit mayat maya" sabi ko.
Niyakap ko ang braso ni Allen.
Ang sarap..
Ayoko na mahiwalay sa lalaking to kahit kelan. Pag kasama ko sya.
Pakiramdam ko ligtas ako kahit kanino.Simula ngayon..
Mabubuhay na kami ng tahimik..
Walang baril..
Walang gulo..
Kaming dalawa lang.Mahal na mahal kita Allen.
Ay!
Papikit na sana ako para matulog kaya lang bigla nya pinisil boobs ko!!
Langya talaga tong manyak na to!!
At tumawa sya ng tumawa!!
"Mamaya ah" nakangiti nyang sabi.
Hayyssss oo nga..
Kailangan ko na din pala masanay sa favorite word nyang mamaya ah.--------------END OF FALL IN LOVE WITH A CRIMINAL---------------------------
BINABASA MO ANG
Fall in Love with a Criminal (Complete)
RomanceSi Jorgina ay isang babaeng simple, maganda at masayahin ngunit nang masaksihan nya ang isang krimen nang hindi sinasadya sya ay binihag at inangkin ng isang leader ng sindikato at nadamay pa pati ang kanyang nakababatang kapatid paano nya ito matat...