Chapter 18

2.5K 46 0
                                    

Allen POV

Di ko alam bakit di sumasagot si Paul sa mga tawag ko! Tang*na! Hindi maganda kutob ko.

Malapit na kami sa bar kung san andun sila nang biglang may pasuray suray na lalaking humarang sa sasakyan ko!

P*ta muntik ko na mabangga!

Teka. Bumaba si ramil para makita yung taong yun na bumagsak na sa lupa.

"boss, si Paul!" sigaw nya.

Dali dali ako bumaba!!

Duguan si Paul.. Bugbog katawan at
P*ta.. Tinanggal nila isa nyang mata!

"P..Paul! Ano nangyari?!"

"b..oss k..inuha nila si Jorge .. at pi..natay lahat ng .. mga kasama ko.. Wala ako nagawa.. andami nila" -si Paul. Hindi sya makapagsalita ng maayos dahil na din sa sinapit nya.

"san nila dinala??!!!" ako!

"hi..ndi ko alam boss"

nakita ko nga yung ilan kong mga tauhan na nagkalat ang katawan sa labas ng bar! Nagkabarilan pala pero huli na ng dumating kami!

Hindi ako makalapit dahil madami na ding media sa labas.

P*TANGINA!! NANGINGINIG AKO SA GALIT!!

Di din nagtagal namatay din si Paul.

Sumasabog puso ko sa galit at lungkot!! Kasalanan ko ang lahat ng to! Pati si Jorg ay nasa kanila na.

"maghanda kayo ! May pupuntahan tayo!"

P*TANGINAMO ALEJANDRO! UUBUSIN KO KAYONG LAHAT!

------------------

Jorge POV

Nakakulong ako kasama ang napakadaming babaena tingin ko mga kinikidnap nila para ibenta.

Nasan na kaya ang kapatid ko?? 😭
Kamusta na kaya sya.

Mga nagmamakaawa sila pakawalan pero di sila pinapansin ng mga bantay! At kung trip nila!
Basta basta sila kumukuha ng babae sa loob at ginagahasa nila!!

Puro iyakan ang maririnig mo dito.
Karamihan sa kanila ay menor de edad.

"a..ate!! Ate jorg!!" dumako ang tingin ko sa tumawag sakin.

"Georgia..ikaw ba yan?!!." hinanap ko kung sino yun! Halos manghina ako ng makitang kapatid ko yun!!!!!
Sya nga! Nagtatakbo ako sa kanya!!niyakap ko sya ng mahigpit!! Nahahabag ako sa hitsura nya.
"andito na si ate wag ka na umiyak!!"

"ate umuwi na tayo plsssss.. Ayoko na dito 😭😭😭" iyak ng iyak kapatid ko!

"anong ginawa nila sayo!!" galit kong tanong!

"ate binebenta nila ako sa mga foreigner!!sa mga mayayaman!! Halos araw araw.. Ayoko na po dito ate.. Plsss.. Umuwi na tayo!!"

Napaiyak ako sa sinasabi ng kapatid ko! Jusko. Napakabata pa nya para maranasan to!!

Ang tagal ko syang iningatan tapos ganito lang kahihinatnan naming dalawa!

"w..wala man lang bang nagrescue sa inyo?? "

"wala ate.. Pero isang beses..
Niligtas kami ng isang lalaki..
Dinig ko Allen ang pangalan nya.."

"a..allen??"

"opo ate.. Binalak nya kami iligtas. Nung una hindi ko alam bakit ako lang ang gusto nya iligtas.. Tapos naawa siguro sila sa kalagayan naming lahat binalak nya iligtas kami lahat.. Pero sa dami nga namin.. Hindi nya na kami nahandle ng maayos dahil basta na lang nagtakbuhan at nagsigawan yung iba dito.. Hanggang sa nagdatingan na yung mga tauhan ni Alejandro!! Nasa 8 lang ang naligtas nung Allen.. Tapos sabi nya sakin babalikan nya ko pero nilipat kami ni Alejandro dito kaya hindi ko alam kung bumalik pa sya dun.. 😭"

Binalak ni Allen iligtas kapatid ko.. At ang mga babae dito.

Ginawa nya yun para sakin. Tama..
Hindi sya ganun kasama.

Ang problema ko ngayon
pano kami makakatakas ng kapatid ko!! Napakadami nyang tauhan sa labas.

Wala pa sa kalahati ng kay Allen.

Binuksan ng isang bantay ang pinto at isa isang kinukuha mga babae dun!

"ate ayan na naman sila 😭"

"wag ka na umiyak gagawa akong paraan!"

Tinutukan nila kami ng baril.

Hinablot ako nung isa!

"ano ba! Bitawan mo ko!" sabi ko.

"tapang mo ah!" tinutukan ako ng baril nung bantay.

"hindi yan kasama! Dalhin nyo ang babaeng yan sa taas!" nagulat ako andun pala si Alejandro.
Sya pala ang nagtuturo kung sino ang mga kukunin.

Kinaladkad ako ng tauhan nya hanggang sa taas!

"ate!" iyak ng iyak kapatid ko!!
Nasasaktan ako makita syang ganun..

"babalik ako.. Hintayin mo ko!"





---------------------

Fall in Love with a Criminal (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon