"Ilove them, that's why," sagot ni Jennifer. "I love kids." Ulit pa nito.
Tinatanong siya ng kaibigang si Tessa kung bakit hindi siya makauwi nang walang pasalubong sa mga pamangkin niya. Nasa loob sila ng doughnut parlor. Bumili siya ng isang dosenang doughnut upang ipasalubong sa tatlong pamangkin na kasama niya sa bahay. Galing sila sa isang auditing firm doon kung saan nag-submit sila ng resume dito sa Makati. Pareho silang fresh graduates ng Accountancy at parehong wala pang trabaho.
"Napa-kadami naman nitong binili mo Fwend." Sabi ni Tess.
"Eh kasi... Fwend Pambaon ng mga pamangkin ko. Ayoko naman na bigyan ng pera kasi kung ano-ano lang binibili."
"Aba dinaig mo pa ang mga magulang ng mga yan ah. Eh Kung gumawa ka nalang ng sarili mong baby total palagasta ka naman sa mga pamangkin mo." sabi nito na nakataas ang kilay. "Ang swerte naman ng mga pamangkin mo" dagdag pa nito.
"Baliw.." sabi ni Jennifer.
"kung ampunin mo nalang kaya ako fwend. Atleast kung sayo ako nakatira malamang sa malamang mabilis ako makakaipon nun." sabay tawa ng nakakaasar.
"Aba kung kutusan kaya kita jan. Kids are Angels. ewan ko lang sayo." bulong nito. "And I'm referring to Ten years old below. Pag lumagpas doon, parang hindi na musmos iyon. Kung walang bata rito sa mundo, siguro ang lungkot-lungkot ng buhay. Nila-lighten up nila ang buhay ng mga tao sa paligid nila."
"Awtshoooo. Fwend dinig ko yon ah tsskkkk. Ang sama mo talaga pagdating sakin fwend." nakasimangot na sabi ni Tessa. "sige na panalo kana ikaw na ang reyna."
"Hehe peace Fwend" nakangiting sabi nito.
"Ilang taon na ba ang mga pamangkin mo?"
"Seven si Michelle, five si Claudette, at three si Nicky."
"Sino ang favorite mo sa kanila?"
"Lahat sila. Gusto mo?" alok niya ng doughnut. "Okay lang sa kanila kung bawas man ang laman ng kahon tatlong kahon naman binili ko."
"Alam mo namang hindi ako mahilig sa matamis." tanggi nito.
"Oo nga pala. Bakit nga ba? Hindi ka naman kamo diabetic."
"Wala lang. Basta hindi lang ako mahilig. Parang sumasama ang pakiramdam ko pag kumakain ako ng matamis."
"Nahihilo ka? Baka mataas ang blood sugar mo."
"Hindi naman daw. Wala lang, baka allergic lang ako sa matamis."
"What an irony," nakangiting sabi niya habang palabas sila ng tindahan. "Youre a very sweet person pero hindi ka mahilig sa sweets." pumalatak siya. "kawawa ka naman. Karamihan ng masasarap na pagkain ay matamis. Cakes, chocolate, candies, pastries, soft drinks."
Nakalabas na sila ng mall.
"Hindi bale, bumabawi naman ako sa sweetness ng boyfriend ko," taz nauna ng maglakad.
"Buti ka pa. Ako, walang boyfriend kaya sa Cakes at Chocolate na lang ako naghahanap ng sweetness."
"Saka hindi lahat ng masasarap na pagkain matatamis. Nandiyan ang hamburgers, sushi, lechon, tempura, kare-kare, crispy pata, chicharong bulaklak, fried chicken, pizza-----"
"Ligtas ka nga sa matatamis pero puro ma-cholesterol naman ang mga paborito mo. Nakapagtataka kung bakit slim-slim mo parin. Normal ba ang blood pressure mo?"
"lagi akong nagpapa-checkup, oy. At normal ang BP ko, pati na ang dugo ko." tumanaw ito sa kalsada. "Ayan na ang taxi."
Tumunog ang cellphone niya habang kinakawayan ni Tessa ang taxi.
Si Ellen ang nasa kabilang linya.
"Nasaan ka?" tanong nito ng sagutin niya.
"Makati."
"You're through applying?"
"Yes Ma'am."
"Punta ka rito sa opisina. You have a client here waiting."
"Ngaun ba, Ma'am?"
"Ngaun na. And I told you to stop calling me Ma'am. Nagtutunog elementary school principal ako. Just call me Tita."
"Yes, Tita."
"Pumunta ka na rito."
"Sino iyon?" tanong ni Tessa habang ibinabalik niya sa kanyang bag ang cellphone.
"Si Ma'am ---- si Tita Ellen."
"Sino iyon?" tanong uli nito. Nakahinto na sa harap nito ang taxi.
"Yong may-ari ng escort."
" Yong may-ari ng escort agency."
"Nag-apply ka rin pala don, nasa tono ang pagkadismaya.
"Malakas ang convincing power ni Sally," sabi niya. Si Sally ang kaibigan niya na nagtulak sa kanya na magtrabaho kay Ellen habang wala pa siyang nakukuhang permanenteng trabaho.
"Ano'ng sabi niya?"
"Ni sally?"
"Yong tumawag sa iyo."
"May client daw na naghihintay sa akin sa opisina niya. Pinapupunta niya ako ngaun din."
Tumingin ito sa relong suot niya. "Mag-aalas-siyete na ng gabi."
"kailangan na raw ngaun."
"Pupunta ka?"
Tumango siya. "Trabaho to."
"Baka matanggap na tayo rito sa in-apply-an natin."
"Matagal pa iyon."
"Baka rapist ang makuha mong kliyente."
"Hindi tumatanggap ng ganoong kliyente si Tita Ellen."
"Aamin ba sa kanya ang isang kliyente na rapist ito. Malalaman mo na lang iyon pag pinupwersa ka na nito. Sabi ni Tessa.
* * * * *
BINABASA MO ANG
Heart for rent
RomanceBeware, my heart is full of love. kinuha ni Yhanie ang serbisyo ni Jennifer para magpanggap na girlfriend niya nang maipakita niya sa kanyang anak na walang babae na nararapat mahalin. Na sapat na silang dalawa ang magkasama sa mundo. Nahirapan siya...