Seven

18 0 0
                                    

Niyaya na siya ni Yhanie na lumabas. "Doon tayo sa kuwarto ko."

"Sa kuwarto mo?" ulit niya.

"Mag-uusap lang tayo."

Hindi ba pwede sa sala? gusto sana niyang itanong pero minabuti niyang sumunod na lang dito nang magpunta ito sa kuwarto nito. Baka mainsulto ito kapag nahalatang natatakot siya.

Di-hamak na mas maluwang ang silid nito kaysa sa silid ni Phoebe. Kompleto iyon sa gamit. It had a personal refrigerator, a plasma T.V, a stereo, a computer, a huge bed, a sofa, and a bar. There were exercise equipment on one corner of the roon which explained Yhanie's good physique.

He went straight to the bar, grabbed a bottle of liquor and poured some into a glass. Naupo ito sa kalapit na silya. "You can sit anywhere," sabi nito nang makitang nakatayo pa rin siya malapit sa pinto. She sat on the swivel chair near the computer table.

"Do you drink?" nakangiting tanong nito sa kanya. "Wine lang."

Umiliing siya. "Ano ang pag-uusapan natin?"

"lilinawin lang natin ang bagay bagay." sagot nito. "You are here because you are my girlfriend, malinaw na iyon, diba?"

Tumangi siya.

"You came from US, you've migrated there, you live there. Habang nandirito ka sa Pilipinas ay dito ka sa amin tutuloy. After three weeks, babalik ka na sa states."

"Iiwan kita?"

"Oo."

"Kailan ako babalik dito sa Pilipinas?"

"Hindi ka na babalik."

"Hahanapin ako ni Phoebe."

"Well make sure she won't."

"Anong gagawin mo?"

"Ikaw ang gagawa."

"Nang alin?"

"You make her hate you."

"I will make her hate me? Why?"

"Yon ang dahilan kaya naririto ka, kaya kinuha ko ang serbisyo mo. Iinisin mo si Phoebe, gagalitin mo siya hanggang sa ni anino mo ay ayaw na niyang makita. Hanggang sa animo ng kahit sinong babae na nagtatangkang lumapit sa akin ay ayaw na niyang makita."

"Bakit?"

"Phoebe wants me to get Married. I don't."

"What do you mean?"

"Wala akong balak mag-asawa."

"Bakit?"

"Sa ngaun, wala. Hindi ko alam kung magbabago ang isip ko pagkaraan ng lima o sampung taon."

"Bakit?" Tanong na naman ni Jennifer.

"I'd rather not talk about it. Ang pag-usapan natin ay kung paano mamumuhi sayo si Phoebe."

"Parang hindi ko kaya."

"Alin ang hindi mo kaya?"

"Hindi ko kayang saktan si Phoebe."

"Hindi mo siya sasaktan."

"Paano siya magagalit sa akin kung hindi ko siya sasaktan?"

"I was thinking of you hurting her physically. I'm sorry, emotionally, pwede mo siyang saktan. Pero huwag iyong sobra."

"Kahit hindi sobra, hindi ko kaya."

"Because you love kids?"

"I do."

"You have a job to do."

Hindi na nakaimik si Jennifer.

Lumalaguk-lagok ng alak si Yhanie habang wala siyang kibo.

"You can't quit," mayamaya ay sabi nito. "Hindi kita pipigilan. Pero masisira ang plano ko."

"Pwede mo akong pigilan. May pinirmahan akong kontrata."

"Hindi ko sinabi sa kontrata kung ano talaga ang gagawin mo. I kiind lied there."

"Pwede ka uling kumuha ng ibang babaeng ipapakilalang girlfriend kay Phoebe pagkaalis na pagkaalis ko. Kahit hindi escort."

Pilit ang ngiting sumilay sa mga labi nito. "Hindi ako ganun kabilis sa babae. Aalis ka nga?"

Muli ay hindi agad siya nakasagot. Kailangangl niya ang trabahong iyon. Kailangan niya ang kikitain niya roon.

Pero kaya ba niyang manakit, kahit sa paraang emosyonal lang ng isang munting angel?

"Kapag umalis ka, wala akong choice kundi maghanap na lang uli ng ibang gagawa sana ng trabaho mo," sabi nito. "Pero magpapalipas na muna ako ng panahon. Baka magduda na si Phoebe kung agad-agad ay makakakuha ako ng kapalit mo. That girl is very clever."

"I can see that," sabi niya. Kung aalis pala siya ay hindi pa rin makakaiwas si Phoebe sa plano ng ama nito. Masasaktan at masasaktan talaga ang bata. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?"

"Gaya ng sabi ko sayo, gusto ni Phoebe na magkaroon ng mommy."

"Nasaan ba ang totoong mommy niya?"

"Ayokong sagutin yan, seryosong sabi nito. "Please le me continue. Gusto nga ni Phoebe na mag-asawa aki pero wala akong plano. Kinukulit niya ako. At ibang klase kung mangulit ang batang yon. It's not that it's irritating. Pero talagang hindi ka niya titigilan. Lalambingin ka niya, araw-araw ay babanggitin niya iyon sayo kaya nag-isip na lang ako ng plano."

Planong saktan siya? Sa loob-loob niya.

Ikaw lang ang amang kilala ko na gumagawa ng plano para pasakitan ang anak!

And the fact that Phoebe was only seven years old made matter worse.

"Galit ka ba sa mga babae?"

Lumagok muna uli ito ng alak bago sumagot.

"Hindi."

"Ayaw mo lang talaga sa kanila?"

"I like women. Once in a while I go out with them. Pero walang commintment, walang habulan. I want a relationship where I can come and leave any time I want to."

"I see, sabi ni Jennifer. "Hindi ka talaga mag-aasawa kahit kailan?"

"I told you I still don't know. Are you staying? Gusto mo pa rin ang trabaho?

"Pwede ba akong mag-isip muna?"

"may isang oras ja para mag-isip. Pwede ka nang pumunta sa kuwarto mo."

"Nasaan ang kuwarto ko?"

"I'll take you there," at muling uminom ng alak inubos nito sng laman ng hawak na baso.

Nakahawak pa ito sa kamay niya nang dalhin siya sa magiging silid niya.

***

Heart for rentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon