"Good morning."
Ang maliit at masiglang boses na iyon ang unang narinig ni Jennifer nang magising siya.
It belonged to Phoebe.
Nagdilat siya ng mga mata. Ang mala-anghel na ngiti nito ang unang nakita niya. Nakasampa na rin ito sa ibabaw ng kama at nakapangalumbaba paharap sa kanya.
"Gumalaw-galaw na yang mga mata mo, Tita. Kaya alam kong gising ka na," sabi ni to. "Nandito na ako kanina kaya lang tulog ka pa kaya umalis muna ako. You're still pretty even while sleeping Tita."
"Talaga? Bakit ba ang hilig-hilig mong bolahin ako ha?" masuyong ginulo niya ang buhok nito. "Bakit ka nga pala naririto?"
"Sabay po tayong mag breakfast Tita."
"Sige," sabi niya bago umakmang bumangon.
"Just stay here in bed, Tita." sabi nito habang bumababa ng kama.
"Bakit?"
"Well have breakfast in bed po Tita ."
Tinungo na nito ang pinto. "Just wait here po, dadalhin ko ang breakfast po natin dito." Nagmamadali na itong lumabas ng kuwarto. Pero pagbalik sandali lang ay humahangos na ito pabalik. Huminto ito sa pinto. "I forgot something."
"Ano yon?"
"Puwede ba, Mommy na lang ang itawag ko po sayo?"
Napangiti siya. Tinanong na siya nito ng ganun ng nagdaang araw.
"Oo bah."sagot nito.
"Yan! Ikaw, ano pong itatawag mo sakin?" tanong ni Phoebe.
"Lovely daughter?"
"Baby na lang."
"Ayaw mo ng may lovely?"
"Huwag na lang po. Alam na naman ng lahat na lovely ako eh," sabi nito.
"Okay," Natatawang sabi niya. "Baby nalang. Oh, Nasaan na ang breakfast natin Baby?"
"Kukunin ko pa po mommy," sabi nito bago patakbong umalis uli.
Naririnig pa niya ang mga yabag nito nang tumunog ang cellphone niya.
Tumatawag si Yhanie.
"Nakita kong galing si Phoebe ng kuwarto mo," sabi nito. "she looks happy. Umpisaan mo na ang trabaho. Stop being nice to her."
Uh-oh! Nawala sa isio niya ang usapan nila ni Yhanie. Binulabog kasi at winalis mula sa isip niya ng magandang ngiti ni Phoebe ang mga agiw sa masamang plano ni Yhanie. Instantly, her spirits were dampened.
Nakikitulong na si Phoebe sa isang maid sa pagtulak sa cart na kinalalagyan ng tray ng magiging pagkain nila nito nang sumungaw uli ito sa kuwarto. Ngiting-ngiti ito. Gusto niyang maawa rito.
But she had a job to do.
"Masarap yan, Mommy," sabi ni Phoebe habang inilalapag ng katulong ang tray ng pagkain sa kama sa harap niya.
"Ayoko nang kumain Phoebe," sabi ni Jennifer.
"Baby. Di ba, iyon na ang itatawag mo sa akin?"
"Phoebe ang pangalan mo kaya iyon ang itatawag ko sayo."
Nawala agad ang ngiti sa mga labi nito. "Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit ayaw mo na akong tawaging 'Baby?"
Tanungin mo ang daddy mo! Gusto sana niyang sabihin.
"Dahil nga hindi iyon ang pangalan mo. At huwag mo na rin akong tawaging mommy."
Lalong nangulimlim ang mukha nito."Bakit?"
"Dahil hindi naman ako ang nanay mo."
"Magiging mommy na rin kita."
I wish. Siyempre sa isip lang nito ulit.
"Hintayin mo muna kaming makasal ng daddy mo," sabi niya bago tumalikod ng higa rito. "Ilabas mo na ang pagkain na yan. Doon ka kumain sa kuwarto mo." she was trying hard to sound angry. Mahirap palang gawin iyon kapag ang totoong nararamdaman ay awa.
Naramdaman na lang niya ang paglabas ng katulong at ni Phoebe mula sa silid niya.
It's your dad! It's your dad! It's your dad! Paulit-ulit na sigaw ng kanyang isip.
Yhanie sent her another text message.
"Good job! Mensahe nito. Marahil ay nakita na nito si Phoebe na malungkot.
Good job? For making his daughter sad? He was probably the wierdest father alive.
Nahiya na tuloy siyang lumabas ng kuwarto nang araw na iyon. Nagpahatid na lang siya ng almusal, ng tanghalian at hapunan sa silid niya. May ilang pagkakataong gusto niyang tawagan si Phoebe sa cellphone nito na mas high-tech at mas mamahalin kaysa sa cellphone niya para aluin ito. Pinipigil lang siya ng katotohanang nangako na siya kay Yhanie na gagawin niya ang gusto nito.
Binibigyan na lang niya ng konsolasyon ang sarili na baka nga mapabuti na rin si Phobe kung susundin niya ang ipinagagawa sa kanya ni Yhani. Baka nga malasin ito sa magiging madrasta nito. Mukha naman kaya itong palakihin ng masata ni Yhanie ng mag-isa.
Iyon nga lang, mukhang mahihirapan si Yhanie bago makumbinsi ang anak na mas magiging masaya ito kung silang mag-ama lang ang magsasama kaysa kung sa may inang nakahalo sa kanila.
Babae kasi si Phoebe kaya naghahanap ng isang ina, kung naging lalaki lang ito, baka maging kontento at masaya na ito sa presensiya lang ni Yhanie.
Mag-alas diyes na ng gabi nang may kumatok sa pinto ng silid niya.
Pinakiramdaman muna niya kung sino ang nasa labas ng pinto. Malakas ang pagkatok nito sa pinto kaya imposibleng si Phoebe ang naroon. Kung ito nga ang kumakatok, baka hindi niya ito pagbuksan. Hindi pa rin niya ito kayang harapin. She was still guilt-stricken. Baka mamaya ay lambingin na naman siya nito. Siguradong si Yhanie ang nasa labas. Baka babatiin na naman siya nito dahil sa "a job well done".
Si Yhanie ang napagbuksan nito.
Doon lang sana sa may pinto niya kakausapin ito pero humakbang ito papasok at naupo sa silya.
"Bakit ka nagkukulong dito?" tanong nito.
"W-wala lang."
"Yayain ka sanang mamasyal ni Phoebe."
"Siya nga ang dahilan kaya nagkukulong ako rito sa kuwarto."
"Huwag mo siyang pagtaguan. Harapin mo siya at ipakita mong hindi ka natutuwa sa kanya. That's your job description."
"Magagalit na rin yon sakin pag nagkulong lang ako rito sa kuwarto."
"Hindi mo kilala si Phoebe. Masyadong malawak ang pang-uunawa non. Ngaun pa lang ay pilit ka na niyang iniintindi. Baka raw masama lang ang pakiramdam mo kaya ka nagkukulong dito sa kuwarto, kaya napakitaan mo siya ng hindi maganda."
****
BINABASA MO ANG
Heart for rent
RomanceBeware, my heart is full of love. kinuha ni Yhanie ang serbisyo ni Jennifer para magpanggap na girlfriend niya nang maipakita niya sa kanyang anak na walang babae na nararapat mahalin. Na sapat na silang dalawa ang magkasama sa mundo. Nahirapan siya...