Talaga palang anghel ang anak mo, sa loob-loob niya. Lalo tuloy siyang na nakonsensya sa ginagawa nilang pananakit sa damdamin ni Phoebe.
"Bukas, ayoko nang magkukulong ka rito sa kuwarto. Ipakita mo kay Phoebe na wala kang sakit, na talaga lang magaspang ang ugali mo pagdating sa mga bata. Ipakita mong hindi mo siya gusto, na hindi kayo magkakasundo kahit ano ang gawin niya.
Nakatingin lang siya rito habang nagsasalita ito. Bakit parang katulong ang trato nito sa kanya na ang pinakatrabaho ay tumanggap ng utos mula rito? Hindi ba dapat ay nobya siya nito? Oh, well what was new? May mga babae naman talaga na parang katulong kung itrato ng nobyo ng mga ito.
"Can you do that? Tanong ni Yhanie.
Tumango lang naman si Jennifer.
This was probably going to be her toughest three weeks.
And it was only day two.
***
"MOMMY!"
Si Phoebe ang nalingunan ni Jennifer na tumawag sa kanya. Kumakaway pa ito sa kanya. Nasa hardin ito na nasa tapat ng terasa ng Kuwarto niya. Hawak nito ang ilang carnation na pinitas nito. She was at the Terrace. Alas-otso lang ng umaga. Wala ito sa hardin nang lumabas siya rito kanina. Hindi niya napansin ang pagpunta nito roon. Nakapagtago sana siya kung nakita agad niya ito. Wala pa rin siyang lakas ng loob na magpakita rito.
Pangatlong araw pa lang niya ngaun sa bahay ng mag-ama.
Her first impulse was to return a smile. Naalala nga lang ni Yhanie. Nag-iwas siya ng tingin. Sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niyang nakatingin pa rin sa kanya si Phoebe, unti-unting nabubura ang ngiti sa mga labi nito. Hindi niya kaya ang ganoong eksena, bumalik na siya sa loob ng kuwarto niya.
Naupo siya sa gilid ng kama, naiinis sa sarili sa hindi pagpansin kay Phoebe.
Tumanaw siya sa Terrace, nagdadalawang isip kung babalik doon at gagantihan ng ngiti at kaway ang bata. Pero baka kapag ginawa niya iyon ay tuluyan nang magalit si Yhanie. Siguradong agad na sasabihin ni Phoebe sa ama na pinakitaan niya ito nh mabuti. Baka palayasin na siya agad ni Yhanie. Gusto pa niyang magtagal sa bahay na iyon. Umaasa pa rin siya na bigla na lang magbabago ang isip ni Yhanie at di na itutuloy ang plano nila.
At sa halip ay aalukin siya ng kasal.
Dream on girl. Sabi ng kanyang isip.
Matutuwa na siya kung ang ipapagawa na lang sa kanya ni Yhanie ay ang magkunwaring nobya nito. Kapag nangyari yon, iyon na siguro ang pinakamasayang tatlong linggo sa buhay niya.
"Hi Tita!"
Gulat na napalingon siya. Nasa loob na ng silid niya si Phoebe. May bitbit itong basket kung saan nakalagay ang mga bulaklak na pinitas nito. Tita na ang itawag nito sa kanya. Marahil ay naisip nito na pinagsupladahan niya ito kanina dahil tinawag na naman siya nito ng mommy.
Sinisi agad niya ang sarili kung bakit nakalimutan niyang i-lock ang pinto ng kuwarto niya. Ngaun, paano niya ito haharapin at itataboy nang hindi sila magkakadurugan ng puso.
Inilapag nito sa ibabaw ng kama ang basket ng mga bulaklak. "Ipinitas kita ng flowers Tita." it was probably Phoebe peace offering. Natakot siguro ito na baka hindi niya kunin ang mga bulaklak kapag iniabot nito ang mga iyon sa kanya kaya ipinatong na lang nito sa kama ang basket.
Why was she traumatizing this little angel?
"I don't like carnation," sabi niya. Muntik pa siyang mabulol. Flowers were one of her most favorite things on earth, kahit ano pang klase iyon.
"Anong gusto mong flowers? Yon ang ibibigay ko sayo."
"Wala akong gusto."
"Bakit?"
"Sa wala, eh. Anong magagawa ko? Lumabas ka na. Dalhin mo ang mga kalat mo. Ibigay mo sa maid. Gusto kong magpahinga." Nahiga siya sa kama patalikod dito.
"May sakit kaba Tita?"
"Wala. Pero magkakasakit ako pag hindi mo itinigil ang pangungulit sa akin."
Natahimik na si Phoebe. gusto niyang lingunin ito para alamin kung ano ang reaksiyon nito. Hindi siya nagkalakas ng loob. Baka mayakap lang niya ito sa awa kung makikita niyang lumuluha ito.
Naramdaman na lang uli niya ang paglabas nito ng silid at ang pagsara nito ng pinto.
She felt a tear in her eye which she immediately wiped.
It was going to be another sad day for her.
***
Lumabas lang si Jennifer ng silid niya ng tawagin siya ng katulong para mananghalian.
Silang tatlo lang nina Yhanie at Phoebe ang nasa hapag-kainan nang mga sandaling yon.
"Kamusta kayong dalawa? Tanong ni Yhanie sa kanila ni Phoebe nang kumakain na sila. "Nagkakasundo ba kayo?"
Magaling din palang umarte ang kunwa ay inosenteng si Yhanie. Kunsabagay, bakit hindi ito gagalong gayong ito ang direktor at manunulat ng munting teleserye na ginagawa nila?
Ang pagtingin sa kanya ang naging reaksiyon ni Phoebe sa tanong ng ama. Pinagpapaubaya nito sa kanya ang sagot sa tanong ni Yhanie. Phoebe had a very expressive pair of eyes. Kayang-kayang ipakita ng mga mata nito kung ano ang nararamdaman nito. Kapag malungkot ito ay malungkot talaga ang mga mata nito. Kapag masaya ito nangingislap ang mga mata nito. Kapag humihingi ng saklolo ay tila napakakawawa rin ng batang ito.
Agad din nitong iniiwas ang tingin sa kanya nang mapatingin siya rito. Nagsisimula na itong mapaso sa kanya.
At matakot.
"Mabuti naman, nagkakasundo naman kami." Sagot niya.
Gulat na napatingin uli sa kanya si Phoebe.
"Phoebe's a nice girl. Ang bait-bait."
"Totoo ba yon Phoebe? Tanong ni Yhanie sa anak "Nagkakasundo kayo ng Tita Jennifer mo?"
Tumingin uli sa kanya si Phoebe bago pilit na tumango. Wala pa rin siyang mabakas na pagkainis sa mukha nito para sa kanya.
"That's good," sabi ni Yhanie. "gusto nga palang mamasyal ng Tita mo Phoebe. Gusto ka raw niyang isama."
"Talaga?" Agad na natuwang sabi ni Phoebe. Tulad ng karaniwang bata, hindi ito nagtatanim ng sama ng loob. Isa iyon sa mga ugali ng mga bata ng gustong-gusto niya.
"Talaga, Tita?" Ulit nito.
"O-oo, sagot niya.
"Saan tayo pupunta?"
"gusto mong bumalik sa Enchanted kingdom di ba?" Doon daw kayo pupunta," sabi ni Yhanie.
"Sasama ka daddy?"
"Siyempre."
"Kailan tayo mamasyal Tita?"
Tumingin siya kay Yhanie.
****
BINABASA MO ANG
Heart for rent
RomanceBeware, my heart is full of love. kinuha ni Yhanie ang serbisyo ni Jennifer para magpanggap na girlfriend niya nang maipakita niya sa kanyang anak na walang babae na nararapat mahalin. Na sapat na silang dalawa ang magkasama sa mundo. Nahirapan siya...