Two

18 0 0
                                    

"Hindi naman siguro mangyayari iyon." sagot naman ni Jennifer na nakataas ang isang kilay.

"Pero posibleng mangyari iyon."

"Huwag mo nga akong takutin. Kailangan ko ng pera."

"Gusto mo, samahan kita?

"Okay lang?"

"Siyempre."

"Tara na kung ganun," sabi ni Jennifer bago lumapit sa taxi at binuksan ang pinto. "Ay, Oo nga pala, nagkatotoo na naman iyong Horoscope ko for today. Sabi kasi doon, an opportunity to earn money will present itself today. Di ba, totoo siya?"

"Alam mo namang hindi ako naniniwala sa horoscope." sabi ni Tessa.

"Oo nga pala. Bakit ba tayo naging magkaibigan? Lahat ng gusto ko, ayaw mo. Lahat ng ayaw ko, gusto mo. Lapitan ka ng boys, ako hindi. Napakareliheyosa mo at napaka-conservative, ako hindi masyado." she chuckled.

"Opposite poles attract."

"Opposite poles nga siguro tayo. At ako iyong negative," sabi ni Jennifer.

***

WALA pang isang oras ay huminto na ang taxi na sinasakyan nina Jennifer at Tessa sa harap ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Ellen.

Pinatuloy sila ng secretarya nito. May kausap na isang lalaki si Ellen ng papasukin sila sa opisina nito.

"Jennifer, Come here," agad na tawag nito sa kanya ng makita siya. Nakalimutan niyang iwan sa secretarya ni Ellen ang bitbit niyang kahon ng doughnut. Tinamad na siyang bumalik pa roon. Hindi naman siguro iyon. Makakaabala sa pag-uusapan nila.

Nahihiya siyang lumapit kay Ellen. Ang kausap nitong lalaki ay agad na tumingin sa kanila ni Tessa halatang hindi agad nito nahulaan kung sino sa kanila ni Tessa ang tinutukoy ni Ellen. Nagpalipat-lipat muna ang tingin nito sa kanila ni Tessa bago tumutok sa kanya. Did he find her prettier? Tama maganda ako bulong niya sa sarili niya.

"Magandang gabi, Tita." bati niya kay Ellen. Ang lalaki ay nginitian lang niya.

Isa na lang ang bakanteng silya malapit sa mesa ni Ellen. Kinakailangan pang humili ng isa pang silya para kay Tessa para makaupo ito sa tabi niya. Ayaw nitong umupo sa couch na malapit sa pinto. Gusto rin siguro nitong makilala ng husto ang lalaking magiging kliyente niya.

Nakaupo sila paharap sa lalaki. Ito na nga ba ang magiging kliyente niya? O baka inutusan lang ito ng magiging kliyente niya. Gwapo ito, bata pa. Sa tantiya niya ay nasa beinte otso hanggang treinta ang edad nito, mukhang maayos at malinis sa katawan, at mukhang mabait at kagalang-galang. He was in a business suit. He was very amiable. Ngumingiti agad ito tuwing magtata ang mga mata nila. And those were honest smiles.

Yhanie, I want you to meet Jennifer," pagpapakilala ni Ellen sa kanya rito. "Jennifer, si Yhanie."

Kinamayan siya ni Yhanie. He held her hand firmly.

"Ipakilala mo sa amin ang kasama mo, Jennifer,"

"Ay," Sabi niya. "Oo nga pala. Siya si Tessa Tita, Friend ko."

Ngumiti si Tessa kina Ellen at Yhanie.

"Si Yhanie ang magiging client mo, Jennifer," sabi ni Ellen.

Nakahinga siya ng maluwang. She wouldn't go out with a dirty old man.

"Siya mismo ang pumili sayo." sabi uli ni Ellen. "He had seen your pictures."

The album containing the pictures of Ellen's escorts was still on top of the table.

"You're far more pretty up close," sabi ni Yhanie.

That comment flattered her. Ang pagngiti lang ang nagawa niyang reaksiyon.

"Gusto niya ay makasama ka niya ng dalawa o hanggang tatlong linggo. Is that okay with you?"

Tumango siya. Mas matagal, mas malaki ang kikitain niya. Iyon ang sabi sa kanya ni Sally at ni Ellen na rin.

Si Tessa ay tahimik lang sa tabi niya. Nabanggit na niya rito na disente ang ahensiya ni Ellen pero alam niyang hindi pa rin ito kumbinsido kahit pinakitaan pa niya ito ng ilang artikulong ginupit niya mula sa ilang diyaryo at magazine na nagsasabing malinis at disente ang ahensiya ni Ellen. Hindi naman niya masisisi ito. The term "Escort" was really hard to associate with the word "decency."

"Jennifer," tawag ni Ellen, "Gusto kang makilala ni Yhanie ng personal. Pwede ka sigurong magsabi ng ilang bagay tungkol sayo,"

Nag-isip siya. "I'm Twenty-one years old, turning Twenty-Two next month. My zodiac sign is taurus. I'm a taurean. I'm graduate of Accounting----"

"Matigas daw ang ulo ng mga bulls," he said, reffering to her zodiac sign. Sabi ni Yhanie.

"That applies more to male Taurean. But sometimes, yes, matigas din ang ulo ng mga female taurean."

"Ano ba ang katangian ng mga Female taurean?"

"We are confident, patient, honest, and emotionally mature. Hindi kami

Masyadong mareklamo. Kung ano ang nariyan, Tinatanggap namin." sagot naman ni Jennifer.

"Ano naman ang kapintasan niyo?"

"Madali kaming magalit. At hindi ko alam kung kapintasan ito, but we're perfectionists."

"I like perfectionists people," nakangiting sabi ni Yhanie "Do you have a boyfriend right now?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Baka hindi niya magustuhan ang pagsama-sama mo sa akin. Baka....."

"Baka manggulo siya? Wala akong boyfriend." sabi nito.

"Suitor?"

"Hindi ako papayag na pakialaman ako ng manliligaw ko," sabi niya. "pero wala rin akong manliligaw."

Hindi na kumibo si Yhanie.

"Wala ka nang gustong itanong sa kanya Yhanie?" tanong ni Ellen dito.

"Wala na," sagot ni Yhanie. Nailang yata ito sa mga pinagsasabi niya.

"Ikaw Jennifer, May gusto ka bang itanong kay Yhanie?"

Marami siyang gustong itanong dito pero nahihiya siya. Umiling nalang siya. Kapag kasama na lang siguro niya itatanong ang mga iyon.

"Do you want to talk about yourself a little, Jennifer?" tanong ni Ellen.

"I'm an executive of a car coompany. I'm thirty years old. I'm a single father. I have a seven-years-old daughter named Phoebe. She's pretty and she's intelligent for her age. And my zodiac sign is libra. I'm not into zodiac signs and new age thing, pero ano raw ba ang katangian ng mga Librans?"

"Librans are always reasonable. They always give good advice and they're sweet and faithful. But sometimes they're undependable, they make promises they can't keep," sagot ni Jennifer.

"I see."

"ganon kaba?" Tanong ni Jennifer.

"Alin doon?" tanong din ni Yhanie.

"lahat."

"I always keep my promises. I really don't give advice, wala naman kasing humihingi ng payo sa akin. But I'm faithful."

Nasaan na ang mommy ni phoebe? gusto sana niyang itanong dito pero baka maantipatikuhan ito sa kanya. "Single parent," hindi biyudo ang sinabi nito kaya siguradong buhay pa ang ina ng anak nito. Iniwan siguro ito, pinagtaksilan. Baka hindi totoong tinutupad nito ang mga pangako nito. Nabusit siguro ang babae sa paghihintay sa mga ipinangako nito. Kung maayos ang naging paghihiwalay ng mga ito, bakit kaya hindi na lang nito ligawan uli ang ina ni Phoebe kaysa kumuha ito ng kung sino-sinong babae? Pero teka, hindi siya kung sinu-sinong babae lang.

***

Pa-follow niyo naman po ako.

Heart for rentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon