Twelve

11 0 0
                                    

"Sasama ka daddy?"

"Siyempre."

"kailan tayo mamamasyal Tita?"

Tumingin siya kay Yhanie.

Ito ang sumagot para sa kanya. "Bukas ng umaga. Since bakasyon mo naman sa school, dadalasan natin ang pamamasyal mo."

Ang saya-saya ni Phoebe ng mga sandaling iyon. Excited na excited siya.

Parang alam na ni Jennifer kung ano ang plano ni Yhanie sa pangangako nito ng pasyal sa anak.

Pero walang kibong nagpatuloy na lang siya sa pagkain.

Pagkatapos kumain ni Phoebe ay nauna na siyang umakyat ng kuwarto nito. Sinundan lang nito ng tiingin ang bata. Hihintayin na lang siguro nito ang pamamasyal bukas. Marahil ay may takot pa ito dahil kapapahiya lang niya rito kaninang umaga. Di na kasi ito lumapit kanina para kulitin uli.

Matalinong bata talaga ito dahil madaliing madala.

Bumalik na siya sa kuwarto niya.

Kahihiga lang niya sa kama ay may narinig siyang kumakatok sa pinto.

Si Yhanie ang napagbuksan niya.

"Bakit?" Tanong niya agad dito.

"Yong tungkol sa pamamasyal bukas, sinabi ko lang iyon pero hindi matutuloy yon. Bukas ng umaga pagpunta ni Phoebe sabihin mo na tinatamad ka. Huwag mong sabihing may sakit ka. Naawain yon sa maysakit. Basta sabihin mo tinatamad ka, na nagbago na ang isip mo at ayaw mo siyang makasama sa pamamasyal. Naiinis ka sa kanya dahil sobra siyang makulit."

"Magagalit siya sakin."

"that's exactly want we want."

"Your unfair."

"To Whom?"

"T-to your kid."

"Ngaun lang naman ito. You know I love her."

"I really hope you do."

"I do love my daughter. Please don't question it. Kahit buhay ko, handa kong ibigay para sa kanya."

"bakit hindi mo maisakripisyo ang pagiging binata mo para sa kanya? Ano ang gusto mo? Maglaro na lang habang buhay sa piling ng mga babae? Hindi laruan ang mga babae. Dapat ay sineseryoso mo kami."

"Pwede ba akong pumasok? Baka may makanig sa mga pinag-uusapan natin."

Pinatuloy niya ito.

"Go to the Terrace sabi ni Yhanie. Isinara nito ang pinto pero hindi naman ni-lock yon.

Nagpunta naman siya sa terrace. Pero hindi ito sumunod sa kanya. Humila ito ng isang upuan kung saan malinaw pa rin niyang maririnig ang boses nito pero hindi ng mga nasa labas o nasa baba ng balkonahe. Alam niya ang nasa isip nito. Ayaw nitong isipin na may ginagawa silang kung ano sa loob ng kanyang silid.

"ako lang ang magsasalita," sabi ni Yhanie. "Bukas ng umaga, gaya ng nasabi ko na ay papupuntahin ko si Phoebe rito sa kuwarto mo. Ipapaalala niya sayo ang pamamasyal natin. Magsusungit ka agad. Sabihin mong nagbago na ang isip mo. Am I clear?"

You know what you are? You're imposible! Sabi nang kanyang isip.

"Tinatanong kita kung malinaw na ang lahat," sabi uli nito.

"Oo."

Palabas na siya ng kuwarto ng may naalala ulit itong sabihin.

"Lumabas ka nang kuwarto mo."

"Bakit?"

"Huwag mong pagtaguan si Phoebe."

"Ano ang gagawin ko pag nilapitan niya ako? Kakausapin ko bba siya? Kung iiwasan ko siya makakahalata na iyon na baka kunwari lang ang imbitasyon ko sa kanyang mamasyal bukas."

Napaisip tuloy si Yhanie.

"Okay, stay in your room. Pero ngayong araw lang na ito. Bukas, pagkatapos mo siyang tanggihang mamasyal ay lalabas ka ng kuwartong ito. Hindi kita binabayaran para matulog lang sa kuwarto."

Hindi na nito hintay ang sagot niya. Tuluyan ng lumabas ito ng silid niya.

Pabagsak uli siyang nahiga sa kama at namaluktot. Hindi na ba mapapanatag kahit isang araw lang ang isip niya. May panibagong pproblema na naman siya. Paano na naman niya bibiguin si Phoebe bukas?

Pakiramdam ni Jennifer ay mas nasasaktan at nahihirapan pa siya kaysa rito tuwing pagsusupladahan at itataboy niya ito.

***

"Good morning Tita."

Nakita ni Jennifer si Phoebe sa loob ng kuwarto niya at nakangiti ito. Nakadapa ito sa kama, nakapangalumbaba, at nakatingin sa kanya. Nangisngislap ang mga mata nito.

"I was watching you sleep. You really are pretty Tita," sabi nito.

Don't say that, you're making my heart bleed. Gusto sana niyang sabihin.

Pumikit lang uli siya.

"Bangon na Tita. Mag-breakfast ka na at mag-shower. Ako, nakaligo na. Nakahanda na rin ang mga damit na isusuot ko."

"Bakit." pagmamaang-maangan niya. "Saan ka pupunta?"

"Mamamasyal tayo, di ba?"

Nakahiga pa rin na tinalikuran niya ito. "Nagbago na ang isip ko." hindi talaga niya kayang makita ang pagbakas ng kabiguan sa mukha nito. Hindi naman talaga niya ugaling dismayahin ang mga kakilala niyang musmos. Hanggang kaya niyang ibigay o gawin ang hinihingi ng mga ito sa kanya ay ibinibigay o ginagawa niya ang mga iyon.

"Hindi na tayo mamasyal?" narinig niyang tanong ni Phoebe.

"Hindi ka naman bingi di ba?" kung hindi mo narinig ang sinabi ko ikaw na ang pinakabatang binging nakilala ko."

"Bakit?" bumangon ito at naupo sa kama.

"Bakit ano? Bakit ikaw ang pinakabatang binging nakilala ko?"

"Bakit hindi na tayo mamasyal?"

Ask your dad. Pero sa isip lang.

"Tinatamad nga ako. Kay Yhanie ka na lang magpasama."

"Gusto ko kasama ka."

She felt those words grab at her heart. Muntik na siyang humarap dito para yakapin ito at humingi ng paumanhin dito. Napigilan lang niya ang sarili.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart for rentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon