Nine

14 0 0
                                    

Hey, being a wife to a husband like Yhanie and being a mother to a child like Phoebe would be heaven.

Nanaginip siya ng gising na magiging kabiyak ng dibdib niya si Yhanie gayong ayaw nga nitong mag-asawa.

Sayang, mukha pa namang boto si Phoebe sa kanya upang maging pagalawang ina nito.

O baka boto lang ito dahil hindi naman talaga nito alam ang totoong pagkatao niya?

Stop daydreaming and call up Tita Ellen, sabi ng kanyang isip.

And she obeyed it.

""How are you?" tanong agad ni Tita Ellen sa kanya nang marinig ang boses niya. "hindi kita makontak sa Cellphone mo."

"Hindi ko alam na nakapatay pala ang cellphone ko, Tita."

"Saan ka niya dinala?"

"Dito sa bahay niya, Tita."

"How is he treating you?"

"Binigyan agad niya ako ng problema Tita."

"Anong problema?"

Ikinuwento niya rito ang plano ni Yhanie na gawin niya sa anak nito.

"Gagawin mo ba iyon?" tanong ni Tita Ellen.

"Parang hindi ko nga kaya, Tita."

"Okay lang ba sa kanya na mag-quit ka?"

"Okay lang daw."

"That's good. Nasa sayo pala ang desisyon. Hindi rin kita pipigilan kung gusto mong mag-quit.

Pero personally, kung ako ang nasa katayuan mo, it won't be a big deal. Right there and then, papayag ako sa gusto niyang mangyari. Tutal ay anak niya iyon. Kung gusto niya, minu-minuto ay sisimangutan ko ang anak niya. Kung may dapat mag-alala sa magiging epekto niyon sa bata, siya lang. But i also doubt kung magkakaroon iyon ng epekto sa bata. Hindi mo naman sasaktan ang bata, i-snub-in mo lang, pagsusupladahan lang. Ang masama, kung sasaktan mo ito physically, tatakutin, o pagbabantaan mo. Pero kung tatanggi ka lang tuwing magyayaya siya na maglaro kayo o manood ng movies o TV, That would be harmless. Sigurado, gaganti lang ng pagsusuplada sayo ang bata."

"Ganun ang mangyayari sa tingin niyo Tita?"

"I am sure of that."

"kaya ang advice niyo sakin ay huwag na lang bitiwan ang trabaho?"

"Yon na nga ang maipapayo ko sayo. Alam kong kailangan mo ang kikitain mo riyan. Tiyak na alam din ni Yhanie na ganun din ang mangyayari. At alam mo, mas maganda kung ikaw ang makakasabwatan ni Yhanie sa plano niyang iyon. Sabi mo, kukuha rin lang ng iba si Yhanie upang makasama niya sa plano na yan. Paano kung ang makuha niya ay iyong inis din sa mga bata? Baka hindi lang pagsusuplada ang gawin nun sa bata."

"Naisip ko na rin yan Tita."

"Baka ma-carried away yon at makurot nang pagkadiin-diin sa singit ng bata. That will be traumatic. May nabasa akong balita noon tungkol sa stepmother din. Para hindi siya maistorbo at naperhuwisyo ng mga batang anak ng asawa niya ay laging pinaiinom ng sleeping pills iyong mga bata. Kung ikaw, I'm sure hindi mo gagawin yon."

"Talagang hindi."

"So stay there. Gawin mo kung ano ang gusto ni Yhanie, then after three weeks, come to my office and I will give you your check."

Napangiti siya sa narinig.

Pagkatapos nilang nag-usap ay tinawagan uli niya si Tessa.

"May maibibigay raw siyang bagong kliyente sayo?"Agad na tanong nito.

"Gagawin ko na ang gustong mangyari ni Yhanie." sabi ni Jennifer. "Tita Ellen advised me to do it." then she rattled of Ellen reasons.

"Ikaw ang bahala, sabi ni Tessa. "Sabagay, nag apply parin naman siguro kay Yhanie ang kasabihang father knows best."

"Siguro, sana nga," sabi niya. Kasabay niyon ang pagtunog ng cellphone sa tabi niya. "Uy, tumatawag si Yhanie. Mamaya na lang uli tayo mag-usap."

"Basta tatawag-tawagan mo ako, ha?"

"Oo, siyempre. Bye," sabi niya bago sinagot ang cellphone niya.

"Hello?"

"Your one hour's up," sabi ni Yhanie. "Do you have a decision?"

"Oo."

"And what is that?"

"Pagmamalupitan natin si Phoebe."

"That's not what I intend to do."

"Hindi ba?"

"Gusto ko lang siyang maniwalang kakaunti na lang ang mabubuting babae rito sa mundo na magiging mabuting ina."

"I beg to disagree."

"That's my opinion and I'm not asking your opinion about it."

"Suplado".

"Ano yon may sinasabi ka?"

"Ang sabi ko, kung anuman ang plano mo, susunod na lang ako."

"Good, mabuti nang nagkakalinawan tayo," sabi nito. "I'm at the pool right now. You can join me if you want."

"Hindi, Huwag na lang."

"Okay, goodnight sweetheart. Sleep tight Bye." sabi niya.

"Bye." Nagulat pa siya tama ba narinig niya tinawag na naman siya nitong sweetheart?

Nang mailapag niya sa kama ang cellphone ay lumapit agad siya sa bintana. Hinahanap niya kung saan ang swimming pool. Hindi niya makita iyon. Lumapit siya sa kabilang bintana at doon naman sumilip.

Bingo! Natanaw niya ang pool area. Naroon nga si Yhanie at naliligo. Maliwanag doon kaya kitang-kita niya ito. Pinanood niya ang paglangoy nito.

Wow! Nasabi na lang nito. She exclaimed to herself when he got out of the water.

Maganda talaga ang katawan nito. Huggable, lovable, kissable! Humagikgik siya sa mga naiisip.

Umalis na siya sa bintana. Busog na busog ang mga mata sa nakita. Baka mamaya ay matanaw pa siya nito.

Nahiga na uli siya sa kama.

Ipinikit niya ang mga mata. Matutuwa siya kung sa panaginip niya ay itutuloy ni Yhanie ang paglalangoy kasama siya.

***

Heart for rentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon