Katabi lang ng kuwarto nito ang magiging kuwarto niya. Kompleto rin ang mga gamit dun. Ang wala lang doon ay bar at mga exercise equipment.
"Think while your resting," sabi nito bago sumulyap sa relong suot nito. "I will give you an hour to think and decide."
Hindi na ito naghintay ng sagot. Lumabas na ito ng kuwarto.
Naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kabuuan ng silid. Saka lang niya napansin na naroon na pala ang bags ng mga pinamili nila kanina sa mall.
Nahiga siya. Kailangan niyang magdesisyon sa loob ng isang oras. Ang ganda sana kung ang ipinunta lang niya roon ay para samahan at alagaan ang mag-ama sa loob ng tatlong linggo. Parang kahit kalahati lang ng napag-usapan nina Ellen at Yhanie ang ibayad sa kanya masaya na siya. Pero hindi nga ganun ang sitwasyon.
Naroon siya para pagmalupitan ang isang paslit.
What a job!
Tatanggapin ba niya ang trabahong iyon o hindi? Kapag tinanggihan niya iyon, hindi ko na makikita si Yhanie. Hindi pa rin makakaligtas si Phoebe. Naniniwala siyang maghahanap lang uli ng ibang babae si Yhanie na magsasagawa ng plano nito. Baka ang makuha nitong babae ay iyong klase na galit talaga sa mga bata. Baka masaktan talaga nito si Phoebe hindi lang emosyonal kundi pati sa pisikal. Hindi siya child psychologist pero alam niya na kapag nasugatan nang husto ang damdamin ng isang bata ay halos hindi na iyon naghihilom at dala-dala na iyon ng bata hanggang sa pagtanda nito.
Ano ba ang nasa isip ni Yhanie at nakaisip ito ng ganitong plano para sa anak?
Makasarili, isa iyon sa akmang paglalarawan kay Yhanie. Hind ba ito pwedeng magsakripisyo at pagbigyan ang hiling ng anak nito na magkaroon ng ina?
Nagsisimula na siyang mainis sa lalaki.
****
BUMANGON si Jennifer mula sa kama, dinampot ang telepono na naroon din sa kuwarto at tinawagan si Tessa.
Natuwa siya ng marinig ang boses nito. "Akala ko kung ano na nangyari sayo. Tinatawagan kita sa Cellphone mo pero hindi kita macontact."
"Tumatawag kaba? Sandali," sabi niya bago tumayo at dinampot ang bag niya na nasa kama. Inilabas niya mula roon ang cellphone. Nakapatay iyon. "Nag-empty battery na pala ang cellphone ko, eh." sabi nito kay tessa.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Nasaan ka ba?"
"Nandito sa bahay nina Yhanie. Sa kuwarto ko."
"Kuwarto mo lang?"
"Anong kuwarto ko lang?"
"Hindi mo siya kasama sa kuwarto?"
"Hindi, ah. Hindi puwede iyon."
"Good. Pero bakit pakiramdam ko, problemado ka pa rin?"
"Talagang May problema ako."
"Hina-harass ka ng Yhanie na iyon?"
"Hina-harass niya ako mentally."
"Paano?"
"May gusto siyang ipagawa sakin."
"OH EM GE!!! Ano??"
"May anak siya na sobrang cute at talino, si Phoebe," pag-uumpisa niya.
"Ung pangha-harass ng papa niya ang ikuwento mo."
"Yon na nga ang ikinukuwento ko. Makinig ka kasi muna bago ka magsalita."
"Yon naba? Sensya na excited much lang talaga. O,sige ituloy mo."
"Gusto ng anak niya na mag-asawa na siya pero ayaw naman niya."

BINABASA MO ANG
Heart for rent
RomanceBeware, my heart is full of love. kinuha ni Yhanie ang serbisyo ni Jennifer para magpanggap na girlfriend niya nang maipakita niya sa kanyang anak na walang babae na nararapat mahalin. Na sapat na silang dalawa ang magkasama sa mundo. Nahirapan siya...