five

11 0 0
                                    

Sabay pang napatingin sa kanya sina Yhanie at Phoebe habang pababa siya ng hagdan.

Nailang tuloy agad siya. She did dress much. She was wearing a blouse, a pair oof khaki cotton pants and sandals. And thick makeup, or so she thought. Sabi ni Megan ay hindi naman daw ganun. Pero kilala niya ang kapatid niya. Hindi nito ugaling magreklamo o mamintas. She thought of wearing a miniskirt but she decided againts it.

Tumayo si Yhanie nang palapit na siya sa mga ito. He looked very dapper. Si Phoebe ay nanatili lang nakaupo ngunit nakangiting nakatingin ito sa kanya. The little girl was wearing a cute pink dress. She even had a shoulder bag. She was very cute.

"Hi," bati ni Yhanie sa kanya. He was looking at her face, most probably her makeup. He was smiling. Si Phoebe ay nakangiti rin habang nakatingin sa mukha niya.

"May problema ba sa mukha ko?" nakangiting tanong niya sa mga ito.

Phoebe giggled.

"Wala naman," nakangiti pa rin sagot ni Yhanie. But she knew he was just being polite. Mas maniniwala siya na natawa si Phoebe dahil may nakita itong katawa-tawa sa mukha niya. Gusto tuloy niyang bumuwelta pabalik sa kuwarto niya at burahin ang makeup na nasa mukha niya. Pero hinawakan na siya ni Yhanie sa kamay at marahang iginiya patungo sa pinto.

"Phoebe, This is Jennifer," pagpapakilala nito sa kanya sa anak nito. "Phoebe, Si Jennifer."

Kumaway si Phoebe sa kanya. "Hi, Tita Jennifer."

"Hi !" ganting bati rin niya kay phoebe.

Naghihintay sa labas ng bahay ang sasakyan ni Yhanie. Lumabas agad ang driver nito nang makita sila at ipinagbukas sila ng pinto. Sa likurang upuan silang Tatlo naupo. Pinagitnaan nila si Phoebe.

Nakita niya si Yhanie na inilabas ang cellphone nito at parang may tenetxt.

Hindi nagtagal ay tumunog ang cellphone ni Jennifer. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bag. Galing kay Yhanie ang mensahe. Gulat na napatingin siya rito. Nginitian siya nito.

Ang alam ni Phoebe ay girlfriend kita. Sakyan mo nalang. Iyon ang laman ng mensahe nito.

Ibinalik niya sa bag ang kanyang cellphone at hindi na kumibo.

"Dad, I'm hungry na," sabi ni Phoebe kay Yhanie.

"Don't worry, were on our way to a restaurant."

"I want spaghetti and chicken."

They went to apopular fast food restaurant.

"Sandali lang, paalam niya sa mag-ama habang pumupuwesto na sila sa isang mesa. Naiwan sa sasakyan ang driver na si Mang Allan. Iniwan din ni Yhanie ang coat nito sa kotse.

"Where are you going?" tanong ni Yhanie sa kanya.

"Sa rest room," sagot niya.

Naghilamos siya ng mukha sa loob ng comfort room. Siniguro niyang walang matitira doon ni katiting na makeup.

Sabay pang napatingin sa kanya ang mag-ama nang bumalik siya sa kanilang mesa.

"You removed your makeup," puna agad ni Phoebe. "Why?"

"Hindi ako komportable, eh."

"Why did you put it on in the first place? Tanong naman ni Yhanie.

"Sinubukan ko lang."

"You look prettier without makeup," sabi ni Phoebe. "Do you agree, Dad." dagdag pa nito.

"I agree," pagsang-ayon ni Yhanie.

"Thank you, nahihiyang sabi niya.

"With or without makeup, have a seat and eat," sabi ni Yhanie.

Hindi niya alam kung totoo ang sinabi nito o ugali lang talaga nitong magpasaya ng tao. Sabi nito sa kanyang isip. Pero ikinatuwa niya ito.

Naupo siya sa tabi ni Phoebe, nakaharap sila kay Yhanie. May newspaper na nasa ibabaw bg mesa. Alam niyang libreng ibinibigay iyon ng restaurant kapag partikular na pagkain na in-order ang customer. Iyon ang una niyang dinampot, may hinanap na parte roon. Nang makita niya ay agad niya itong binasa.

"What are you reading?" tanong ni Yhanie sa kanya.

"May horoscope," sagot niya.

"Ah, okay."

Tumango siya. "Ikaw, hindi ka nagbabasa ng horoscope mo?"

Umiling ito. "Ang mga tao mismo ang gumagawa ng sarili nilang kapalaran sa pang-araw-araw na buhay nila, hindi ang ibang tao na ni hindi sila kilala."

Hindi na kumibo si Jennifer. Kung may ayaw man siyang mangyari sa kanila ni Yhanie sa unang sandali ng pagsasama nila, iyon ay ang mag- argumento sila.

Pero hindi pa pala tapos si Yhanie. "Your daily horoscope coming true is just illusion," sabi pa nito. "Ilang milyon ang nagbabasa ng horoscope nila araw-araw? Ilang Leo o Virgo o Taurus ang nagbabasa ng horoscope nila. Tiyak na magkakatotoo sa ilan sa mga ito ang nakasaad sa horoscope nila para sa isang partikular na araw. When a horoscope says that a Leo will fall from a bridge, hindi kagulat-gulat na magkatotoo iyon kahit sa isang Leo lang. Sa dami ba naman ng tao na under ng sign ng Leo." mahabang sabi ni Yhanie.

Hindi lang uli siya umimik. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng horoscope niya. Pareho nang kumakain ang mag-ama. Itiniklop na niya ang diyaryo at ibinalik iyon sa ibabaw ng mesa.

"Ano pong sabi sa horoscope mo Tita?" Tanong ni Phoebe sa kanya.

"Secret!" nakangiting sabi niya.

"Sige na po Tita," paglalambing nito.

"Naniniwala ka ba sa horoscope?"

"I dont know po. Sige na, ano pong sabi sa horoscope mo Tita.

"Huwag na lang."

"Sige na."

"Huwag na lang."

"Iiyak ako," biro nito.

"Ako na ang magbabasa para sayo," sabi ni Yhanie habang dinadampot ang diyaryo.

Binuklat niya ito. "Here it is. 'Today will be the start of romantic affair for you. Be careful not to bungle it. Your lucky numbers are two and seven and your lucky color is green."

"Ay mali naman po pala ang horoscope mo Tita," sabi ni Phoebe. "Start of romantic affair, eh may romantic affair ka na."

***

Heart for rentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon