Pero natuwa siya sa sinabi nito na may anak itong pitong taong gulang na babae.
"Kanino mo ipapasalubong ang mga yan? Tanong ni Yhanie sa kanya habang nakatingin sa mga kahon ng doughnut na nasa kandungan niya.
"Sa mga pamangkin ko," sagot niya.
"Do you like kids?" tanong ni Yhanie.
"Oo," mabilis naman na sagot niya.
Nahalata niyang natigilan si Yhanie. Hindi lang niya alam kung dahil sa isinagot niya o may naalalang ibang bagay. Bakit naman ito natigilan o nagulat kung nalaman nitong mahilig siya sa mga bata? Dapat pa nga ay matuwa ito dahil magiging mabait siya sa anak nito kung sakali mang makakasama nila si Phoebe sa paglabas-labas nila ni Yhanie.
Sa ibang bagay siguro ito natigilan.
"Your companionship will start this coming Monday, Jennifer. Prepare yourself," sabi ni Ellen. Natahimik na kasi sila ni Yhanie. Si Yhanie ay tila apektado pa rin ng kung anumang gumulo sa isio nito kanina.
Maybe he was thinking of a promises to a certain person that he wasn't able to keep. A typical Libran.
"ANO ANG TINGIN MO SA KANYA?" Tanong ni Jennifer kay Tessa nang makasakay na sila sa taxi galing ng opisina ni Ellen. Nagprisinta si Yhanie na ihahatid na sila pero magalang silang tumanggi. Paano nila ito mapag-uusapan kung kasama nila ito ni Tessa.
"He seems nice," sagot ni Tessa. "Pero dapat ka pa ring mag-ingat. Baka kinukuha lang nun ang loob mo."
"Lagi naman akong nag-iingat," sabi niya.
"Pero hindi ko pa rin gusto ang pinasok mong yan."
"Kailangan ko ng pera, Fwend."
"Magkakatrabaho rin naman tayo. Ikaw pa, ang gaganda ng grades mo. Nakakasilaw nga ang transcript mo. Marami ka lang kasing absences kaya wala kanf honors."
"kailangan ko na ng pera ngaun. Hindi na makapaghihintay ang mga gamot ni Mommy," sabi niya. Diabetic ang kanyang ina at kailangan nitong uminom ng mga gamot araw-araw. At hindi basta-basta ang halaga ng mga gamot na kailangan nito. "Hindi na rin makapaghihintay ang mga gastusin sa bayaran sa bahay. Ang dami namin sa bahay, Tapos si Daddy lang ang nagtatrabaho sa amin. Saka si Kuya Mark. Pareho pang pang maliit ang sahod nila. Alam mo bang two weeks na kaming hindi nakakabayad ng kuryente? Baka kanina lang, naputulan na kami ng kuryente na---."
"Kung mayaman lang ako, sinagot ko na lahat yang gastusin mo. "sabad ni Tessa.
"kung mayaman ka, tiyak marami na akong utang sayo. Huwag kang mag-alala, hindi ako mapapahamak dito. Nakita mo naman iyong magiging kliyente ko mukhs bang rapist iyon? Malabo diba? Ang guwapo eh. Napakadisente."
"Wala bang guwapong rapist?"
"Meron ba? Ang alam ko sa rapist, puro mukhang goons."
"Sa pelikula lang iyon. Sa totoong buhay may mga rapist na magaganda ang bihis, mabango, at mukhang commercial models ng Bible."
"May commercial ba ang bible?"
"Wala. Wala lang akong maisip na commercial." sabi ni Tess na ginulo ang buhok nito.
"Eh, di commercial sana ng toothpaste. Basta, mag-iingat na lang ako. Dadalhin ko lagi iyong ibibigay ni Tita Ellen na mace."
"Bibigyan ka raw niya non?"
"I told you, iniingatan niya ang mga escorts niya."
"Hindi mo naman siya kasama pag nagwo-work ka na as an escort.
"Will you stop being a worrywart? Pag inisip mo ng inisip na may masamang mangyayari sa akin, baka nga may masama talagang magyayari sakin. Diyan, magkaiba na naman tayo. You always worry about things na hindi naman dapat. Ako, hindi ko pinoproblema ang isang bagay hanggat hindi pa talaga ito problema. Ganun naman talaga dapat diba? Bakit mo poproblemahin ang isang bagyo kung namumuo palang ito? Problemahin mo iyon pag inililipad na ang bubong ng bahay niyo." sabi ni Jennifer.
"Oo na," sabi nito bago nanahimik na.
Bahagya tuloy siyang nakonsiyensiya. Siya na ang inaalala, siya pa ang may ganang maasar. Anong klase siyang kaibigan? Hindi naman niya masisisi ito kung mag-alala man sa kanya. Kahit naman sino ang tanungin ay iba talaga ang tingin sa propesyong papasukin niya, may kababaan. Ang iba, marumi talaga ang tingin dun.
Konsolasyon na lang niya na mukha ngang matino at mabait si Yhanie.
Ipapanalangin na lang niya na tama ang basa niya sa pagkatao nito. Wala siyang pakialam kung totoo mang hindi ito marunong tumupad sa mga pangako nito. Hindi naman siya hihingi ng pangako mula rito.
Nagkukunwari lang siyang kampanteng-kampante pero kinakabahan diin siya sa susuungin niya trabaho.
***
KINABUKASAN ng gabi ay nakatanggap uli ng tawag si Jennifer mula kay Ellen.
"Tinawagan ako ni Yhanie kanina," sabi nito mula sa kabilabg linya. "hindi ko alam kung anong nangyari."
"Bakit Tita?"
"Nagtanong siya kung meron pa raw ba akong pwedeng irekomendang escort bukod sayo."
"Bakit daw?"
"Ang dahilan niya, baka raw napaaga ang pagkakapili niya sayo."
"Paanong napaaga?"
"Ibig sabihin, baka raw may iba pang mas maganda kaysa sayo.
She instantly felt insulted. "Eh, di palitan niya ako. Okay lang."
"Hindi naman daw siguradong papalitan ka niya. Hinihiling lang niya na ipadala ko pa sa kanya ang pictures at resume ng iba ko pang de-kalibreng escorts. Kung sa mga ipapadala ko sa kanya ay wala siyang mapili, ikaw pa rin ang kukunin niya."
"Nainsulto na niya ako."
"Dont feel that way, Jennifer, ganun talaga ang mga kliyente natin. They pay good money. Sinisiguro lang nila na masusulit iyon. Sigurado naman ako na ikaw pa rin ang pipiliin niya. You're one of my prettiest escorts."
"baka hindi nagandahan sakin," sabi niya sa boses na gustong mabasag. Ngaun pa lang ay nanghihinayang na siya sa perang mawawala sa kanya kung sakali mang magbago magbago ng isip si Yhanie at palitan siya.
"That's next to impossible, Jennifer."
Next to impossible? Meaning, not yet impossible. Pwede pa talagang mangyari iyon.
May nadagdag sa naging dasal niya ng gabing iyon sana ay huwag nang magbago ng isip si Yhanie.
***

BINABASA MO ANG
Heart for rent
RomanceBeware, my heart is full of love. kinuha ni Yhanie ang serbisyo ni Jennifer para magpanggap na girlfriend niya nang maipakita niya sa kanyang anak na walang babae na nararapat mahalin. Na sapat na silang dalawa ang magkasama sa mundo. Nahirapan siya...