Six

13 0 0
                                    

"Ako?" gulat pang tanong niya rito bago napatingin kay Yhanie na biglang kindat nito sa kanya. Saka lang niya naalala ang ipinadala nitong txt message kanina. Girlfriend nga pala siya nito ngaun.

"I told you, horoscope are not true, sabi ni Yhanie.

Sa pagkain nito ito nakatingin.

Nanahimik na uli siya.

"Tita," mayamaya ay tawag ni Phoebe sa kanya. "Paano kayo nagkakilala ni Daddy?"

Napatingin siya kay Yhanie na di alam kung ano ang isasagot niya.

"Ngaun lang niya nalaman ang tungkol sa iyo." sabi ni Yhanie. "bago ko siya dalhin sa inyo, wala siyang kaalam-alam tungkol sayo. As in zero, nothing, zilch."

Ibig sabihin, pwede siyang mag-imbento tungkol sa naging pagkakilala nila ni Yhanie. Siya na ang pinadidiskarte nito sa kung ano ang dapat niyang sabihin kay Phoebe. Hindi siya sanay na magsinungaling sa mga bata. Kung sakali ay ngaun lang niya gagawin iyon.

Trabaho lang, sabi ng isip niya.

"Paano kami nagkakilala ng Daddy mo?" balik tanong ni Jennifer. "Sa isang party."

"Birthday party?"

"Hindi, anong party ba iyon, Yhanie?" kailangan na niya ang tulong ng binata.

"It was an anniversary party, Sweetheart," sagot niya.

Parang nalaglag sandali ang puso niya sa Sweetheart na sinabi ni Yhanie.

"Anniversary of what?" tanong ni Phoebe.

"Anniversary ng company nila, Sweetheart," sagot ni Jennifer pero kay Phoebe siya nakatingin.

"I'm not your Sweetheart, Tita." natatawang sabi ni Phoebe. "Si Daddy ang Sweetheart mo."

"Sweetheart na rin kita," palusot niya. Para kay Yhanie talaga sana ang Sweetheart na iyon, nalito lang siya.

"Nagka-crush ka ba kay Daddy noong una mo po siyang makita, Tita?"

"Nagka-crush ba agad ako?" sabay tingin kay Yhanie nang mga sandaling iyon ay tapos nang kumain. Nagbabasa na ito ng diyaryo. "Oo."

It was an honest answer. Iyon talaga ang nangyari nang unang makita niya si Yhanie. Simpatiko naman talaga ito. Bawat babae sigurong makakita rito ay agad-agad na magkakagusto sa kanya.

"Ano ang nagustuhan mo kay Daddy?" tanong uli ni Phoebe.

"Hindi ba guwapo ang Daddy mo?"

"Guwapo po talaga si Daddy."

Walang reaksiyon si Yhanie. Nasa hawak pa ring pahayagan ang atensiyon nito. Hindi niya alam kung nakikinig ito sa usapan nila ni Phoebe.

"Daddy, ikaw po. ano naman po ang nagustuhan mo kay Tita Jennifer?" tanong ni Phoebe sa ama.

Ibinaba ni Yhanie ang diyaryong nakatakip sa mukha nito at tumitig sa kanya. "She's pretty."

Her heartbeat became a little faster. Para kasing napakasinsero ng pagkakasabi ni Yhanie sa mga salitang iyon. May gusto rin ba ito sa kanya? Kapag nagagandahan ba ang isang lalaki sa isang babae ay awtomatiko nang may gusto ito sa babae?

Ibinalik ni Yhanie ang atensiyon sa binabasa niyang diyaryo. Senyales ba nito sa kanya na huwag seryosuhin ang kasasabi lang nito.?

"Tita, halika. Dito po tayo, yaya ni Phoebe sa kanya habang tumatayo ito.

"Saan tayo pupunta?"

"Doon po sa play area." masayang sabi nito.

Nakita niyang nakasunod ang mata ni Yhanie sa kanila habang patungo sila ni Phoebe sa palaruan sa loob ng restaurant. Parang nakakunot ang noo nito. Pero bakit? Parang nagustuhan naman nito ang mga isinagot niya sa mga tanong ni Phoebe kanina.

"Tita," sabi ni Phoebe sa kanya habang halos palambitin pa rin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "pwede bang Mommy na lang po ang itawag ko sayo?"

"H-ha? Sige, bakit hindi?"

"Ayan! Ay, siyanga po pala Tita babalik ka pa ba sa Amerika?"

"Amerika? Galing ba ako ng Amerika?"

Humagikgik si Phoebe. "Si Tita, Nagpapatawa."

"Pinapasaya lang kita," pilit ang tawa na sabi niya.

"Babalik ka pa po ba roon Tita?"

"Pag-iisipan ko pa," kinakabahang sabi ni Jennifer.

Parang komplikado ang kwentong ginawa ni Yhanie tungkol sa pag-iibigan nila. Napakatalino pa naman ng anak nito. Hindi malayong mabuko sila ni Phoebe.

Nasa palaruan pa rin sila ni Phoebe nang makatanggap uli siya ng txt message mula kay Yhanie.

Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo na galing ka ng States at narito ka for a three-week vacation. Yan ang txt galing kay Yhanie.

***

Pagkatapos nila sa fast-food restaurant ay tumuloy sila sa isang mall.

"Anong gagawin natin dito?" tanong niya kay Yhanie nang papasok na sila sa loob. Nasa gitna nila si Phoebe nakahawak sa tig-isang kamay nila.

"Mamimili," sagot ni Yhanie.

"Ng ano?"

"Nang mga gamit mo. Damit at iba pang personal things. Remember, halos sarili mo lang ang iniuwi mo mula sa states. Kung bakit kasi ayaw mong magdala ng bagahe tuwing bumibiyahe ka."

"Hindi ko nasabi sayo na nakalimutan ko ring magdala ng pera para diyan," sabi niya. Kinabahan siya na baka iawas ni Yhanie sa ibabayad sa kanya ang mga bibilhin nila doon ngaun.

"Don't worry, sagot ko lahat ng bibilhin mo."

"Siyempre," sabad ni Phoebe. "Sweetheart ka ni Daddy eh."

***

PUMASOK sila sa napakalaki at piinakamalawak na bakuran ng isang mansion.

Mag-aalas nuwebe na ng gabi. Mula sa mall ay dumiretso na sila sa tirahan nina Yhanie. Halatang mayaman ang mga ito pero nagulat pa rin siya sa laki ng bahay nito. Mayayaman siguro talaga ang pamilya nito.

Binuhat ni Yhanie ang natutulog na si Phoebe nang huminto ang sasakyan. Sampung malalaking shopping bags ang napamili nila. Kalahati yata ng mga iyon ang para sa kanya. Ipinamili rin ni Yhanie ang sarili nito, si Phoebe, at iba pang kasama sa bahay.

Dinala ni Yhanie sa isang malaking kuwarto si Phoebe. Obviously, the room belonged to Phoebe. Pambata ang kuwarto. A big cabinet was filled with dolls and stuffed toys of different kinds. Isang babaeng kasama nina Yhanie sa bahay ang sumunod sa kanila roon. May Computer, Telebisyon, at stereo din sa loob ng kuwarto.

"Ako na ang magbibihis sa kanya Yhanie," sabi ng babae. "Naghapunan na ba kayo?"

"Tapos na Auntie, Sagot ni Yhanie. "Siyanga pala, Auntie si Jennifer. Jennifer si Auntie Vivian."

Nginitian siya ng babae bago nito inasikaso si Phoebe. Mga limanpung taon na siguro ang edad ng nakatatandang babae.

***

Heart for rentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon