four

12 0 0
                                    

DININIG ng Diyos ang panalangin ni Jennifer.

"I told you, hindi na magbabago ang isip ni Yhanie," sabi ni Ellen sa kanya ng tawagan siya nito kinaumagahan.

Saka lang uli lumuwag ang paghinga niya. Buong umaga, habang hindi pa niya natatanggap ang tawag ni Ellen ay ligalig siya.

"Baka puro pangit ang mga bagong pictures na ipinadala mo sa kanya kaya wala siyang napiling ipalit sa akin, Tita." sabi nito na di mapigilang tumawa.

"Excuse me, wala akong escort na pangit."

"I'm just kidding, Tita."

"I know. Mag-prepare ka na. Wala nang atrasan ito. Sa lunes pa rin ang start ng pagsama mo sa kanya. You'll be with him for three weeks."

"Bakit ang tagal, Tita."

"I don't know."

"Saan daw ba niya ako dadalhin?"

"Wala pa siyang definite plan. Pero ang sabi niya sa akin, mag-out of town man daw kayo ay hindi doon sa masyadong malayo. And I have a good news for you. Tuwing lalakad daw kayo ay kasama niya ang anak niya."

Natuwa siya sa narinig."Totoo, Tita?"

"Yon ang sabi niya sakin at mukhang hindi naman siya nagbibiro. That only means one thing. Wala siyang balak na kapilyuhang gagawin sa iyo." sabi pa nito.

"Bakit daw niya isasama ang anak niya?"

"I don't know. Baka naghahanap siya ng bagong mommy para sa bata."

BAKA NGA," sang-ayon ni Tessa sa sinabi ni Ellen kay Jennifer sa telepono tungkol sa posibleng paghahanap ni Yhanie ng magiging mommy ng anak nito.

Si Tessa ang agad na tinawagan ni Jennifer pagkatapos nilang mag-usap ni Ellen. Natuwa rin si Tessa sa kaalamang lagi nilang makakasama ang anak ni Yhanie sa mga lakad nila. Sino nga ba namang ama ang gagawa ng kahalayan sa isang babae habang kasama ang anak?

"Hindi siguro. Imposible iyon," sabi nito.

"Bakit naman?"

"Bakit sa escort agency siya maghahanap ng magiging asawa? Mayaman siya, guwapo. Kahit sinong babae ang ligawan niya ay mapapasagot niya."

"Sige sabihin na nating wala siyang balak maghanap ng magiging asawa sa isang escort agency, sabihin na nating ang balak lang talaga niya ay kumuhs ng isang babaeng makakasama sa loob ng ilang linggo. Pero anong malay mo, baka nagbago ang isip niya nang makita? Baka na-love at first sight siya sayo. You're very pretty. Hindi imposible iyon, diba?"

"Di ako naniniwala."

"Bakit na naman?"

"alam mo ba na muntik pa niya akong palitan? Hindi ko lang agad nasabi sayo pero kagabi, tumawag sa akin si Tita Ellen at sinabi niya na naghahanap pa ng ibang escort si Yhanie dahil mukhang hindi satisfied sa choice niya, Which is me. Wala na nga lang siyang napiling iba kaya nag-stick na lang siya sa akin. Pasang-awa lang ang beauty ko sa kanya."

"Ganun?"

"Ganun. Kaya malabo yang sinasabi mo na na-love at first sight siya akin. Kung na-love at first sight siya sa akin, dagat kagabi pa lang ay nandito na iyon sa bahay namin upang umakyat ng ligaw."

"Ano ngaun ang paliwanag kung bakit isasama niya ang anak niya sa mga lakad niyo?"

"Baka gagawin niya akong yaya."sabi ni Jennifer.

"Napakamahal mong yaya."

"Hindi siguro niya ako gagawing yaya pero siguradong-sigurado ako na hindi siya in love sa akin."

Heart for rentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon