[008]
[ᴇɪɢʜᴛ]Papasok na sana ako kasama si Thyna kaso tumawag sakin si Chairman Wacky at sinabing pagpapahingahin niya muna kaming lahat na nagt-trabaho sa kanya nang isang buwan. Dahil pupunta siyang Macao at walang papalit sa kanya sa opisina.
"Thyna, may isang buwan tayong pahinga dahil sarado ang opisina sa ngayon sabi ni Chairman Wacky."
"Isang buwan??? Teka pagkakataon ko na itong makapag bonding kasama si Ate."
Nagtatakbo siyang bumalik sa kwarto saka tinawagan si Josephine. Pakinig ko pa'y gusto nitong magbakasyon kasama siya.
"Oh Neri, di kaba papasok?" tanong ni Rohan matapos niyang ilapag sa mesa ang mga tinapay.
"Wala. Isang buwan kaming pagpapahingahin." cold kong sabi.
"So ano tara sama ka? Bonding tayo kasama sina Josephine at Thyna. Sasama ko mga tropa ko. Ano sama ka? Payag ka na" ano bato? Pag aaya o pamimilit?
At dahil wala rin naman akong gagawin at para narin makasalamuha ako nang ibang tao bukod sa kanila, ay pumayag ako.
"Oww teka sandali lang Neri ah, tumatawag si Josephine." saka na siya tumungo sa labas para sagutin yon.
"Neri! Ang sayaaa koo! Pumayag si Ate na makapag bakasyon muna kami. Kaming dalawa lang." kumikislap pa ang mga mata ni Thyna habang sinasambit iyon.
Pero teka? Sabi ni Rohan kasama sila sa bonding sa gagawin nila?
"Mag hahanda muna ako Neri ah pupuntahan ko lang si Ate para didiretso na kami."
"A-agad agad? Ngayon na kayo b-byahe?" nauutal kong tanong
"Oo, gusto kong namnamin ang oras na kasama ko si Ate. Sobrang tagal nung huli kaming nag kasama. Sa susunod na araw pa talaga biyahe namin pero dun na muna ako tutuloy sa tinutuluyan niya para didiretso na kami." masaya nitong sambit sa tumungo na sa kwarto.
Pumasok na si Rohan at halata sa mukha niya ang lungkot.
" Mukhang tayo-tayo lang ata magbobonding nito Neri. Di rin daw kasi matutuloy ang iba kong tropa. Si Amado lang daw at yung isang isasama niya. "
"I see." saka ko na siya iniwan sa kusina. Parang biglang bumigat pakiramdam ko. Parang may parte sakin na masaya pero may parteng malungkot. Ewan ko. Ewan talaga.
Nung makita kong palabas na si Thyna at nagpaalam na sakin ay pumasok na muna ako sa kwarto ko saka dun nag isip-isip.
Parang walang gustong pumasok sa isip ko. Parang ayoko muna isipin ang misyon ko, parang gusto kong magliwaliw muna. Hindi ako sanay. Gusto ko laging magulo, challenging ang paligid. Pero parang mas mahirap patong nararamdaman ko kesa sa pags-survive ko don sa Iraq.
Parang ayokong nakikitang malungkot si Rohan. Parang gusto kong magwala.
Itinulog ko nalang to kesa isipin pa.
.
.
.Nagising ako sa malalakas na katok sa kwarto ko.
Anak nang manok, bat ba to nangiistorbo.
Tinanaw ko muna ang bintana, sinilip ang kalangitan. Ngunit namangha ako sa kulay nito.
BINABASA MO ANG
Impossible Disaster
Teen FictionEverything isn't normal. Everything seems to be a challenge. But what if the challenge I made became even complicated? Could I still resolve the mess I did? Or I'll be trap by the disaster I thought Impossible.