[009]
[ɴɪɴᴇ]
Agad akong napabalikwas dahil sa napanaginipan ko.
Teka? Panaginip ba talaga iyon? Inilibot ko ang paningin ko saka ko napansin ang kumot kong parang may umumbok.
Inabot ko to at nakita ko yung teddy bear na napanalunan ko.
So ang ibig sabihin. Totoong nangyari iyong kahapon?
Teka hindi naman part sa misyon ko to! Ah erase! Huwag ko na ngang isipin yon!
Bumaba nako para makapag agahan.
"Goooodddddmooorrrrninnnggg CAEEE!" nakakarinding bati sakin ni Rohan.
Nang dahil sa nangyari kahapon ay biglang nawala sa isip ko ang dapat kong misyon.
Nagmadali nakong maligo at di na inisip pa ang mga pinaggagawa namin kahapon.
Kaylangan kong makakalap nang mga impormasyon sa mga taong bayan nang sa gayon ay kung uupo na ko sa pwesto, mabibigyan ko silang lahat nang pantay na hustisya.
"Cae san punta?" tanong ni Rohan habang tutok na tutok sa tv.
Inirapan ko lang siya.
"It's none of your business."
"Ano bayan kahapon lang ambait mo ngayon back to mataray kana ulit."inosenteng sabi nito.
Nagmadali nakong lumabas. Bahala na, ayoko muna siyang makita. Dinidistract niya lang ako sa misyon ko.
Una'y sumakay ako nang jeep patungo sa parke na pinuntahan namin kahapon. Ngunit di ko namalayang sinundan pala ako ni Rohan.
"Cae sama nalang ako wala rin naman akong gagawin sa bahay." nagkibit balikat nalang ako.
Tanaw ko mula sa malayo ang kumpol nang mga tao. Anong meron dun? Patakbo ko iyong pinuntahan at agad naman akong sinundan ni Rohan. Nag init lalo ang dugo ko nang makitang may duguan na pusa roon at ang mga taong kumpol? Ayun pinipicturan lang. They're idiots. Do they think it will help to save the cat? Sympathizing through social media? Foolishness.
"Naku kawawa naman ang pusa oh. Oh ayan napost ko na dami nga nag react oh kawawa daw." parinig kong sabi nut ng babae.
"GET OUT OF MY WAY!" bigla kong sigaw sa kanila dahilan para sakin mapunta ang atensyon nila. "Tatabe kayo o sasabuyan ko kayo nang asido? Alis!" sigaw kong muli kaya humawan at napuntahan ko ang duguang pusa.
Naghihingalo na ito at nag aagaw buhay. Di ko pwede basta bastang dalhin ito sa clinic nang di sinasampal sa mga hangal nato kung gaano sila katanga.
" Bat di nyo man lang tinulungan tong pusa?" singhal ko.
"E-eh m-madumi e-eh s-saka mabaho" komento nung isa pa sa likuran ko.
"Do you think you can save this cat by posting it on the internet?" here I go. I'll break my rule again. "Oh well wala akong magagawa kung nagbubulagbulagan kayo at nagbobohan."
"Wala kang karapatan para insultuhin kami miss!" sigaw nung lalake sa harapan ko.
"I don't care if natamaan ka that means totoo nga talaga at guilty ka. Tapos ano? Do you think the internet will help to save this cat? Can it teleport it to veterinary clinic? Think of it. Kung sana inuna niyong iligtas ang buhay nito kaysa ipost ang sitwasyon sa internet edi sana bayani na kayo ngayon, diba? "
BINABASA MO ANG
Impossible Disaster
Teen FictionEverything isn't normal. Everything seems to be a challenge. But what if the challenge I made became even complicated? Could I still resolve the mess I did? Or I'll be trap by the disaster I thought Impossible.