Episode 27

2.6K 260 182
                                    

Episode 27: Kiss

--
Ps: KALMA SA SPOILERS.

--

Kinakabahan man ay nakapag pasya na ako, makikipagkita ako kay Maui at sa kadahilanang marami akong gusto iklaro sa kanya.

Bago ko iapak ang aking mga paa sa huling baitang ng hagdan papunta sa roof top ay napabuntong hininga na muna ako.

Kaya mo 'to, Mia. Kaya mo!

"Maui?" pag tawag ko ng kanyang atensyon nang makita ko siya sa may terrace ng roof top at nakatingin lang siya sa field ng eskuwelahan na tanaw mula rito sa roof top. Malakas ang hangin at sa totoo lang, namiss kong umakyat dito. Dito ako unang pinasyal ni JM lalo na nung sinama niya ako dito sa school festival noon, hindi pa ako estyudante.

Napalingon si Maui at agad na napangiti nang makita niya ako. "Mia," tugon niya at naglakad siya palapit sa akin. "Salamat dumating ka." anito

"Anong pag-uusapan natin?" direktang tugon ko, "Hindi ako puwedeng mag tagal at naghihintay sa akin si JM, may review pa kasi kami eh." at totoong seryoso ako.

Napabuntong hininga siya na tila ba punong-puno na ang kanyang pakiramdam. "G-Gusto ko lang mag sorry sa nagawa ko. Sa lahat, Mia." direktang tugon ko at hindi na ako nabigla pa.

Dalawa lang ang nakita kong dahilan sa pakikipag-usap niya sa akin. Una, hihingi siya ng sorry sa nagawa niya. Pangalawa, hahanap siya nang masisisi sa akin at patuloy na magalit sa akin na wala namang basehan. Kahit papaano, masaya akong ang una sa pagpipilian ang pinili niya.

"Go ahead..." pag utos ko, malumanay naman.

Napayuko siya nang bahagya. "A-alam kong marami na akong naging kasalanan sa'yo, Mia. Kaya, nandito ako ngayon para humingi ng tawad at sana naman, mapatawad mo pa ako. Na realized ko lang na, kayo lang ang kaibigan na meron ako at malungkot ang buhay ko na wala kayo. Sana mapatawad mo ako, sana bumalik tayo sa dati." aniya at naiiyak siya.

Napangiti ako. "Kung ako lang, hindi naman ako galit sa'yo, Maui. Ikaw ang unang babaeng kaibigan ko maliban kay Ate Sam at tini-treasure ko ang katotohanang iyon. Oo, marami kang masasakit na salita na nasabi sa akin, maraming wala sa hulog na mga hirit na 'di ko mawari kung anong kinauugatan ng mga iyon. Naiinis ako, pero hindi naman ako nagalit talaga at pilit kong iniintindi ang inaasta mo. Pero Maui, sana maisip mo rin na baka hindi na natin maibabalik ang dati lalo na't si ayaw ni JM..."

"Galit ba si JM sa akin? Mia, bakit naman ganito?" anito na para bang natataranta. "Bakit naman magagalit sa akin si JM, Mia? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, diba?" at umiiyak na agad siya. Puno nang pag-aalala ang kanyang mga salita.

"Maui, kung tungkol lang naman kay JM ang pag-uusapan natin, sa tingin ko, hindi ako ang dapat mong kausapin patungkol diyan! Siya lang ang makakasagot diyan. Kung may dapat man tayong pag-usapan, hindi ba dapat tungkol sa pagkakaibigan natin?"

Napaiwas tingin siya sa akin."Bakit naman parang unti-unti na kayong lumalayo sa akin? May pagkakamali ako pero hindi ba dapat tulungan niyo akong itama ang mga ito at h'wag akong iwan?" anito at napapahikbi siya. "Dapat Mia, hindi mo ako basta-basta na lang bibitawan 'di porket nakuha mo na ang gusto mong makuha sa akin! Dahil ba may mga kaibigan ka nang mas maituturing kaya ganun-ganun mo lang akong iiwan? Porket kaibigan mo na rin sila Julia? Masaya lang kami nung wala ka dito, Mia sana pala hindi ka na lang umepal"

Direchong binato sa akin ni Maui ang mga salitang sinabi niya. Nagulat na naman ako sa mga paratang niyang hindi ko malaman kung saan niya nakuha.

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon