Episode 34

2.2K 199 123
                                    

Episode 34: Lean on me

--
AN: Please don't forget to VOTE, COMMENT, and SPREAD the story., ❤️

Ps: Thank you for always waiting patiently. Labyu labyu. 😙

---

Mia and I have adjust to things easily. So far, matatapos na ang unang linggo sa eskuwela at wala naman kaming nakikitang aberya. I mean, ako lang pala. Mia's been consistent with her morning schedule at mediyo nakakakonsensya minsan na sobrang aga niya gumising na alam kong deep down inside her ay gusto niya pa matulog, at talagang nagluluto pa siya for our breakfast na minsan naman ay tinutulungan ko siya. Sadyang late lang talaga ako natutulog kasi nga after school ay tinatapos ko na kaagad ang mga gagawin ko para wala na akong iisipin pa the next morning.

Tulad ngayon, it's 9am and I just woke up. Nadatnan ko na lang ang isang sticky note na nakalagay sa ibabaw ng cellphone ko saying...

"Bebelabs, don't forget to eat your breakfast. Hindi na kita ginising. I love you." - Babs mo.

She's really improving a lot at masaya ako kasi nakikita ko naman na ineenjoy ni Mia ang mga nangyayari sa amin. I can't even believe na mag-iisang linggo na kami sa master's school. I feel really really happy.

Pagkatapos kong mag-ayos ng kama ay agad na akong pumunta sa dining area at kakain na. Nakapag reply na rin ako kay Mia thru text dahil kapag hindi ko ginawa, magtatampo na naman iyon. Well, syempre sabay rin naman kaming maglulunch mamaya kaya makakabawi naman.

Habang kumakain ay kausap ko ngayon ang family ko sa Pilipinas thru video call. Daily routine ko na rin ito dahil obviously, miss na miss na nila ako, and of course, I do too.

It's just pretty random tho. Nag eemote lang naman ang NayTay kasi nga malayo na nga ako ay pauso rin sila EL at Eero na umalis sa bahay. Si EL for a summer training sa basketball daw and si Eero naman, sinama ni Lola Ney for a medical mission sa Mindanao. Clingy NayTay as ever.

After our video call ay agad na akong nagligpit ng pinagkainan ko at naghugas na rin ng hugasin. Naglinis na rin ako ng buong bahay na syempre, hindi ko ginagawa dati. Well, people change, ika nga.

After all the house chores errands ay naligo na ako para pumunta ng school before lunch time para saktong paglabas ni Mia ay andun na ako sa labas at naghihintay. When everything's ready ay nakareceived ako ng tawag mula sa isang taong hindi ko ineexpect na tatawag, it's my grandpa, Tatay's dad.

"Grandpa?"

"You're in the US, right?" he asked casually.

"Yes, I'm studying master's degree for Business Administration in Harvard. For sure, grandma told you about it already!" sabi ko na syempre, magalang naman.

"Well, she did. And since I'm around the place, maybe a dinner later? 7pm, is it okay?" he asked and wow, so sudden.

"I'm bringing Mia, is it okay?"

"Like, as if there's something I can do! Of course, you can. I'll see you tonight, Okay?"

"Sure grandpa, we'll be there." sabi ko na lang and then conversation end na agad.

Ang rare na nagyaya si Grandpa. Well, hindi naman ito iyong first time pero sobrang madalang lang talaga 'to. Grandpa has always been distant to us as a family pero not so, pagdating sa mga kapatid ko kahit na sa pagkakaalam ko, okay na rin naman sila ni Tatay. I mean, casual as father and son ever since then.

Magulo kasi talaga ang buhay pamilya ni Tatay kaya hindi na ako kailanman nag kusa umusyoso dahil ayaw kong ma stress. For me, what matters to me is that at peace ang NayTay ko towards grandpa kahit papaano.

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon