Episode 18

2.6K 247 211
                                    

Episode 18: Help

Don't forget to COMMENT  and VOTE ❤️ Happy NayTay anniversary, July 24. 2 years na 🎉

--------

Lumabas na muna ako ng kuwarto ni JM para kumain. Tinamad talaga ako sa ideya na papasok agad eh sobrang panira naman na wala man lang pahinga! Iyong feeling na sobrang saya tapos biglang banat na naman sa school?

Hindi naman sa nagrereklamo ako, alam kong marami may gustong mag-aral, pero sobrang stress lang talaga sa preparation ng school festival kaya heto, kulang na kulang sa akin ang dalawang araw sa weekend na pahinga... and alam niyo na.

Hay!

Sobrang nag enjoy ako sa trip namin na iyon sa Bali! Sobrang ganda doon at hindi ko talaga inexpect na ganun ka bongga ang mga naiisip ni JM para sa aming dalawa. Iniisip ko pa lang ang nagastos niya sa trip na iyon, jusko! Hindi ko kering kalkyolahin sa isip ko, baka sumakit lang dibdib ko!

Sino naman mag-aakalang may mga pagastos na ganun na maiisip ang JM na iyon? I mean, madalas ko talaga binabalikan ang mga panahong sobrang tuod ni JM, mainitin ang ulo, at parang wala man lang asukal sa katawan sa sobrang bitter at puno lang talaga ng kasamaan, diba? Pansin ko ang pagbabago niya sa lahat ng aspeto pero paminsan-minsan, may kaunting kasaman pa rin at sa tingin ko hindi na rin naman mawawala iyon sa kanya at sa totoo lang, ayaw kong mawala ang side na iyon, doon ko siya minahal eh.

Hindi ko bukod akalain na mararanasan ko lahat ng mga iyon doon sa Bali! Para akong prinsesa na pinagsisilbihan at talagang pakiramdam ko ang ganda-ganda ko! Parang k-drama lang ba na nagkatotoo at kinikilig ako sa tuwing naaalala ko ito.

Syempre, bukod sa mga magagandang trip experiences na iyon, hindi ko rin talaga buong inakalang aabot kami ni JM sa level up na ganun! Natakot ako sa nangyari, nakaramdam ako ng pag-aalinlangan sa kung tama ba ang lahat ng iyon dahil sa seryosong bagay iyong pinasok namin ni JM. Maaari namin iyong ikapamahak, in a sense, sa mga magulang namin pero ayun, nangyari pa rin.

Naka ilang pagtatanong at paninigurado si JM sa kung tama bang mangyari ang bagay na iyon, na bukal nga ba sa aking kalooban ang mangyayari at kahit mayroong takot sa aking puso, pumayag ako, at ginusto ko. Naman!

Mabuti na lang hindi ko tuluyang itinapon iyong regalo ni Dylan kaya ayun, nagamit. Pero, naloka pa rin ako na ganun pala iyon, jusmiyo akala ko balloon. Kaloka talaga iyon eh!

Natawa ako.

Oh well, It was a great adventure at walang ni tuldok na pagsisisi dito sa puso ko. Sigurado ako sa naging desisyon ko at isa sa mga naiisip kong pangunahing dahilan, mahal ko si JM at alam kong mahal niya rin ako, at deserve niya iyon mula sa akin. Wala pa rin naman kasing kasiguraduhan ang lahat. Ayaw ko rin namang magsisi ako at mauwi na lang sa sana ginawa ko na hanggang kaya ko, sa huli. Ayaw ko nun.

"Oh Mia, hindi ka pala pumasok?"

Si Nana pala.

"Hello po Nana, hundi pa po ako pumasok, napagod pa po kasi ako sa trip namin! Bukas na lang po!" pag papaliwanag ko.

"Aba'y tama rin naman na dapat kang mag pahinga na muna! Si JM, naku hindi mo iyon mapapa-absent malamang." natawa si Nana, "Parang si Monika nung dati! Parang napipilitan lang mag-aral iyong King dahil gusto sundan si Monika kung saan mapunta! Aba'y kung hindi nakilala si Monique, gusto niya na lang samahan ang Tatay niya sa pamamasada ng taxi eh!" pag kuwento ni Nana.

Napangiti ako. "Simpleng buhay lang po talaga gusto ni tito, Nana no? Ganun din po ata ako. Kung hindi ko po nakilala si JM, hindi ako mangangarap ng higit pa sa inaakala ko. Lahat nang nararanasan ko ngayon ay blessings! Mas natuto po akong mangarap Nana! Marami pa po akong gusto maranasan hanggat puwede pa, hangga't maari pa. Pakiramdam ko po, hinahabol ko ang oras o mas masaklap kung ang oras talaga ang humahabol sa akin! Nakakatakot Nana!" natawa na lang ako, pero, ito talaga madalas na naiisip ko.

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon