Episode 38

2.2K 184 77
                                    

Episode 38: Promise

---

"Bebelabs!" si Mia, as soon as I entered the condo. Ngising ngisi siyang sinalubong ako sa may pintuan, kiniss ako, at talaga may payakap pa.

"Anong meron?" Tanong ko, "T-Teka, nagluto ka ba?" I asked kasi ang bango.

"Yup! H'wag na tayo lumabas ngayon for dinner, bebelabs!" She smiled. "Nagluto ako at kung hindi ka masyadong busy, baka puwedeng manood ng movie kasama ka? May DVD akong hiniram sa friend ko, I wanna watch it with you." Aniya.

I looked at her, observing her. "Okay ka lang?" I asked.

Napangiti naman siya. "Oo naman!" She smiled again and hugged me so tightly. "Namiss ko lang bigla ang mga moments natin sa hospital, bebelabs! Ang weird ba?" natawa siya and sighed after. "Ewan ko ba, bebelabs! Kanina kasi nung pag-uwi ko dito kanina, nakatulog ako. Napanaginipan ko ang hospital at ang kuwarto mo! Parang nakita ko sa panaginip ko iyong mga moments natin at isa na doon ang manood ng movie sa laptop mo! Namiss ko bigla kaya heto!" napangisi siya.

"Ang weird naman ng panaginip mo! Tsaka, although it's a sweet moment, personally, kung papipiliin ako, ayaw ko nang bumalik tayo sa hospital at gawin ulit ang mga bagay na iyon! I want our memories from outside of the hospital." Sabi ko as I hugged back.

"Pero, doon tayo sa hospital nagkita--bebelabs, ayaw mo na bang balikan iyon? Aray ha." sabi niya at bahagya akong natawa.

"Buang! Hindi naman sa ganun! The day we met in the hospital might be an annoying day for me before pero of course, babalikan ko iyon! It's just that, I just want to keep the happy memories! Kapag naaalala ko ang mga pinagdaanan natin doon, it still breaks my heart." sabi ko.

"Ako, every memory ko doon, gusto kong alalahanin! Syempre, ayaw ko nang maranasan muli! Pero kasi, sa lugar na iyon tayo nagkakilala at kahit halos mag-agaw buhay na ako doon ay nais ko pa rin balik-balikan dahil sa 'yo! H'wag ka na makipagtalo bebelabs, please?" at talagang her voice sounded like she's begging.

Bahagya akong natawa at napakalas sa pagkakayakap sa kanya."Let's eat na." I said as I kissed her forehead. "Ano bang movie ang panonoorin natin, babs?" I asked.

"She's dating the gangster!" aniya

Napakunot ang noo ko sa narinig. "Ano ba 'yan! Ang korny naman niyan babs! Mukhang pambata naman 'yan eh!" sabi ko kasi naman, title pa lang.

Napasimangot si Mia. "Grabeh naman bebelabs! Sige na, please? Kung ayaw mo, try mo lang, please!" yumakap na naman siya.

I rolled my eyes. I give up. "Okay fine. Kumain na muna tayo." sabi ko na lang at ayun, masayang masaya na siya ulit.

We had dinner. Mia cooked the Nanay style Adobo ala Mia. Mia's a good cook and really eager to learn. Si Nanay, magaling din na teacher, of course.

"Grabeh busog na busog ako, babs!" I said because it's true.

"Nag lunch ka man lang ba? Bakit gutom na gutom?" Natawa siya. Nagliligpit na kami ng mga pinagkainan namin! At syempre, ako maghuhugas ng mga pinggan.

"Nawalan ako ng gana kanina pero it's okay! Ganang gana naman ako kahit dinner time na!" I said, hindi na rin kasi ako ginanahan sa pagkain lalo na't salit nang salita iyong Simone, ang kulit. Naaalibadbaran ako! "Sige na babs, set-up mo na ang movie time natin! Tapusin ko lang 'to." sabi ko na lang and she did immediately.

Pagkatapos ko maghugas ng plato ay naghanda na muna kami ni Mia ng mga sarili namin para kapag napagod na, diretso tulog na lang. Well, I gotta agree, I miss this a lot.

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon