Episode 20

2.5K 256 370
                                    

Episode 20: Result

(An: Kalmahan ang pag spoil. H'wag niyo muna basahin ang dulo part para may thrill, okay? Okay. PLEASE: DO NOT FORGET TO VOTE (KAHIT DI NIYO FEEL ANG UPDATE), COMMENT AND SPREAD THE STORY.) Thank you.

---

Nag simula na nga ang ranking exam. Marami pala sa mga napag-aralan namin ang lumabas pero marami ring hindi ako masyadong familiar, sobrang hirap pala.

Hay!

Bahala na nga, sasagutan ko na lang iyong mga questions na alam ko at the rest, ipapasa-taas ko na lang ang mag sagot ko! Basta, alam ko sa sarili kong ginawa ko naman ang lahat nang makakaya ko para sa exam na ito.

Sa totoo lang, hindi ako makapaniwalang kay Maui ko mismo narinig ang mga lumabas sa kanyang bibig kanina. Nalulungkot ako habang nag eexam ngayon at kung pwede lang, ayaw ko nang ipagpatuloy ito at umiyak na lang eh! Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan magalit sa akin ni Maui ng ganun na lamang.

Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya? Wala naman akong matandaan. As in, wala.

"Mia, are you okay?" si Miss Jenny, siya kasi ang proctor namin.

"Ah, opo Miss Jenny!" sabay ngiti ko sa kanya.

Napabuntong hininga ako at napatingin ako kay JM na nakatingin sa akin at parang nag-aalala. Napangiti na lang ako sa kanya at maging kay Dylan, na napatingin din sa akin.

Hay. Automatic din talaga sila eh.

"Okay, last 5 minutes!" si Miss Jenny at ewan kinabahan ako sa narinig ko dahil na rin sa may mga iilang questions pa akong hindi nasasagutan, sayang din ito. "Check your answer sheets carefully, class!" dagdag niya.

Bahala na, may halos 9 problems din akong hindi nasagutan at heto, kailangan ko na lamang itong i-shade, sana makatsamba ng kaunti.

At ayun na nga...

Tapos na ang halos dalawang linggo naming pinaghandaang exam, in 150 questions, malalaman na kung sino ang magiging contestant sa gaganaping Bus. Ad. Contest at sana lang umayon sa dapat nakatakda ang lahat.

"How was the exam?" si JM at nakangiti itong sumalubong sa akin, mukhang maaliwalas ang mukha niya, "May nasagot naman babsy ko, diba?" sabi niya at bushak, nakahithit na naman ata itong JM na ito, ang lambing ng boses eh.

Napayakap ako sa kanya, "Pakiramdam ko bebelabs, kailangan kong kumain ng sobrang masasarap na foods ngayon! Dinner ha?" naglalambing na hirit ko sa kanya.

"Hay naku! Payakap din ako!" biglang singit ni Dylan sa amin at agad naman na kaming napakalas ni JM sa isa't-isa. "Mimi, kamusta ka kanina ha? Bakit lumapit saiyo si Miss Jenny?" tanong niya.

"Okay lang ako! Napansin lang ata ni Miss Jenny na naiiyak na ako sa exam! Wala akong naisagot eh!" natawa ako, "Joke lang!" agad bawi ko dahil na rin sa napatingin si JM sa akin, "May nasagot naman ako pero may hindi rin talaga ako nasagutan! 9 questions din iyon eh! Sayang!" at ito naman talaga ang totoo.

"9?"

"Oo bebelabs, naubusan ako ng oras kaya wala akong choice kundi ishade na lang iyon! Tsaka, nakakawindang din ibang questions, sana tama din mga sagot ko! Sumakit ulo ko talaga!" natawa ako, "Ikaw bebelabs? Perfect ba?" pag tanong ko sa kanya.

At totoo, nagulat ako sa pag-iling ni JM, "Not really, just like you, nahirapan din ako babs!" anito

"Eh? Bago iyan ah! Seryoso pre? Naku naman! Paano naman ang goal namin nitong Team JMia sa contest?"

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon