Episode 32

2K 210 96
                                    

Episode 32: Make it Happen.

--

Maaga akong nagising kinabukasan. Sobrang inaantok pa ako at hindi pa masyadong nakaka-adjust sa time zone pero okay na rin naman! Sinadya ko talagang mag alarm para makapagluto ako ng breakfast namin ni JM. Tsaka, gusto ko rin ayusin ng mabuti lahat ng mga pinamili namin kahapon at kung may mga kailangan pa kami lalo na ng mga gamit sa bahay habang may isang araw pa kami ni JM bago ang pasukan ay aalamin ko na para mabili na namin!

Si JM? Ayun, tulog pa at ayaw ko na muna siyang gisingin dahil gusto kong mag focus na muna sa pagluluto. First time ko itong ipagluluto siya, iyong para sa aming dalawa lang. Hay! Parang nasa cloud nine pa rin talaga sa pakiramdam,feeling ko, hindi ako makakamove-on. Ang lala.

Fried eggs, toasted wheat bread, fried rice at fresh milk ay handa na ang breakfast namin ni JM kaya ako, heto, gigisingin na dapat si JM pero nasakto naman na tumatawag si Tita Monique via Video call.

Napangiti ako. Hanggang dito, ramdam ko talaga ang pag-aalala ni Tita Monique at pati ang pag-aalaga niya sa amin kahit sobrang layo namin sa kanya.

"Mia? Kumusta? Glad gising kana." si Tita at mukhang nagdidinner ang pamilya.

"Ate Mia, miss ka na namin! Kayo ni Kuya!" si EL at Eero.

"Ate Mia! I can't wait for you to come home!" si Emith na parang naeexcite na agad na umuwi kami, nakakaloka!

"Ang cute naman ng bebe ko! Pero Emith naman, iilang araw pa kami dito ng Kuya mo,pinapauwi mo na agad kami!" natawa ako, ang cute talaga.

"Mia look!" si Meredith. Yup, up until now, pasanib sanib ang pagtawag niya sa akin ng Ate. Okay lang naman, sanay na rin talaga ako sa kulot ng bituka ng batang 'to. "Tatay bought me new fishes to take care! I wish you were here to help!" aniya at oo, our pet fishes pa rin ang madalas namin bonding.

Natawa na naman ulit ako. Nakakamiss si Meredith kahit na may pagkataklesa ito madalas at maldita din talaga ay sobrang cute pa rin. Para siyang si JM na girl version na h'wag naman sana as in talaga.

Puro kulitan lang ang naging kamustahan namin ngayon and right at this moment, ginising ko na si JM para naman makausap niya ang family niya at syempre para kumain na rin. Nang matapos silang mag-usap ay agad naman tumayo si JM para maghilamos at direcho na siya sa dining namin kung saan ko siya hinihintay.

Pagod na pagod ang mukha niya. Hay JM!

"Bebelabs, may mga nilista akong mga gamit na kakailanganin natin ha? Kailangan natin bumili ng mga iyon bago mag simula ang klase para naman hindi na natin isipin ang kung ano pa man bago pasukan! Okay?" sabi ko kasi ang tahimik ni JM.

"Nakatulog ka man lang ba, Babs? Bakit ang aga mo naman? You don't need to do this kind of efforts, you need to rest! Just as you said, malapit na pasukan, you need to rest well before it starts!"

Iba topic nitong JM, ang seryoso na naman at talagang mukhang papagalitan pa ako.

Hay naku!

"Nakatulog naman ako Bebelabs! Oa ka!" Natatawang sabi ko sa kanya, mediyo pinapapagaan ko lang ang eksena namin dahil salubong ang kanyang mga kilay. "Maaga lang talaga ako nagising kaya nagluto na lang ako! Ayaw mo ba? Grabeh naman kung ganun! Sayang effort" Napanguso na ako.

Habang nagsasalita kasi ako ay kumakain lang siya na ewan ko ba kung nakikinig sa paliwanag ko. Sarap din talaga kaltukan minsan. Matagal na ang relasyon namin ni JM pero up until now, hirap pa rin talaga akong mag adjust sa ugali niya. Minsan nakakatampo pa rin.

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon