Episode 33

2K 198 112
                                    

Episode 33: First and Last

--

Nandito na kami ni Mia sa hallways ng bago naming school. This school is definitely a good one, base na rin sa kung gaano kasikat ito, I can attest, I think it's true! This feels amazing! Akala ko talaga, hindi ako papayagan nila NayTay na mag-aral dito lalo na at malayo na ako sa kanila but then, glad they did anyway.

"Grabe! Ang ganda bebelabs!" si Mia and just as I am, kitangkita ko kung gaano siya naeexcite sa nakikita niya, "Parang tourist attraction na mismo ang eskuwelahan, bebelabs! Sinong mag-aakalang makakatungtong ako sa Harvard?! At heto pa matindi, aba'y mag-aaral pa! Nakakaexcite bebelabs!" seeing her talk with so much anticipation, calms me. Akala ko talaga magiging problema ko ang pagiging tamad ni Mia when it comes to going to school ay mukhang hindi naman lalo na seeing her this excited? I am relieved.

"Calm down, babs! Mamaya na natin libutin ang buong campus! Let's head na muna sa admission office para naman makita natin ang schedule natin!" I said at agad naman siyang tumango at agad humawak sa braso ko at naglakad na nga kami sa aming patutunguhan.

Nang dumating kami sa Admission's office ay nadatnan namin na may iilang tao na ang nakapila. Halos puro puti pero mukhang masaya rin naman kahit papaano dahil may mga nakikita naman kaming mula sa Asya.

"Grabeh bebelabs, mapapalaban talaga tayo sa Englishan nito! Isang sako lang bitbit ko!" bahagyang pag bulong niya sa akin at marahan na lamang akong napaismid.

Well, Mia's very smart but as I noticed, hindi niya forte ang magsalita, I mean, hindi niya prefer ang makipag-usap, or such as reporting. Noticed it a lot of times during college and that, mas prefer niya ang isulat. Though, of course, alam kong kayang kaya niya naman kahit na hindi na kami magiging classmate pa.

"Ayun ang schedules, let's check!" I said sabay hila ko sa kanya, marahan lang naman.

Umuna na muna kami sa class schedule ko dahil mas nauna sa posting kaya nang matingnan namin ni Mia, I feel relieve, nasa panghapon ako at mabuti na lang. 1pm to 6pm ang magiging klase ko every weekdays.

"Ay wow naman, bebelabs! Panghapon ka!" sabi ni Mia na tutok na tutok sa papel kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga magiging kaklase ko. "Uy bebelabs, may 13 kang kaklaseng babae oh!" anito and I can't helped but sigh. Babaeng 'to talaga!

"As if I care, Mia?" I said, rolled my eyes after. "Ano bang ginagawa mo?" I asked dahil pinicturan niya ito.

"Tara na sa schedule ko, bebelabs? Excited na ako!" aniya at hinila niya pa ako. "Finance section!" pagbasa ni Mia na agad tingin sa listahan at... "Huy bebelabs!" she said in surprise kaya agad akong napatingin sa listahan.

And damn.

"Ayaw ko nito! Bakit naman ito?" she said and she's starting to get paranoid, "Bebelabs? Bakit naman ganito?!" she whined

"That's the schedule, as if naman may magagawa tayo diyan?" I said as calm as possible.

"Umaga? 8am to 12 noon?! Seryoso ba iyan!? Anong mapapala ko sa umagang schedule na iyan, bebelabs?! Ayaw ko!" at talagang maiiyak na siya.

"That's your schedule already, classes starts tomorrow! As if naman may mababago pa diyan? Sila nag organize niyan! Wait..." I said as I took my phone out from my pocket at agad kong kinuhanan ng picture ang listahan ng magiging klase ni Mia.

"Bebelabs, ang aga! Hindi ko kaya ang ganyan kaagang schedule! Tsaka, ikaw naman panghapon naman ah! Gusto ko din ng ganun! Para naman kahit hindi tayo mag classmates, same pa rin ang schedule natin, diba? Bebelabs, please?" she said as she begs, the pabebe style.

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon