Episode 36

2K 164 62
                                    

Episode 36: Problem

--
Thank you for patiently waiting, as always.
--

"Ang ganda, bebelabs!" pasigaw na tugon ko nang mapunta kami sa iilang museum na sikat sa mga turista. Ang ganda, sobra! "Dali! Picture tayo!" pagyayaya ko at pumayag naman siya.

"Ako na kukuha ng picture mo! Sige na, awra kana!" si JM at bahagya akong natawa pero syempre, umawra naman din ako!

Halatang halata ko na napapagod na siya sa kanina pa namin paikot-ikot dito pero heto siya, hindi niya rin naman pinaririnig sa akin ang reklamo niya. Kilalang kilala ko na kaya si JM, lahat ata ng pagiinarte niya sa buhay ay kabisado ko na eh! Kahit hindi niya sabihin, alam ko na takbo ng isip niya pero imbes na pinapansin ko ay binabalewala ko lang kasi kapag pinapansin, mas nag-iinarte eh kaya hanggang wala pa siyang reklamo, susulitin ko na!

"Bebelabs, sumakay tayo ng bike?! Gusto ko mag bike tayo! Okay lang ba?" Suhestyon ko dahil na rin sa may nakita akong mga nagbibisikleta sa paligid ng parke na kinaroroonan namin ngayon at naiinggit ako.

"Nah, ikaw na lang! Alam mo naman na may masama akong alaala sa mga bike bike na 'yan! Go now, I'll take photos of you!" aniya and napabusangot ako. Oo nga pala. Minsan na nga pala siyang naaksidente dahil sa bike nung bata pa siya kaya kahit alam niya naman ay tumigil na siya.

Napangiti ako. "H'wag na lang pala, bebelabs! Mamasyal na lang tayo kung ganun!" sabi ko na lang, "Doon na lang kaya? Picture tayo doon, bebelabs!" sabay turo ko ng isang fountain.

Napairap si JM. "Babsy, seryoso, if you want to try the bicycle then go for it. Seryoso, okay lang ako! We are here to enjoy, don't forget that!" Aniya at talagang feeling niya ata nagtatampo ako. Lakas maka-advance mag-isip!

"Seryoso bebelabs, okay lang din naman talaga sa akin na h'wag na lang! Tsaka, nakalimutan ko, nakakapagod pala mag bike! Ayaw kong pagpawisan! Doon na lang tayo!" sabi ko na lamang sabay hila ko sa kanya at nagpatangay naman siya.

Ang dami naming magagandang pictures ni JM. Sobrang daming memories na makekeep namin together! Parang nakakakilig lang isipin na nagawa namin ito together na nandito na kami sa America.

"Bebelabs, thank you sa araw na ito, ha? Kahit na alam kong pagod na pagod ka sa byahe, hinayaan mo pa rin na sulitin natin ang araw na ito ngayon! Bukas ulit ha? Sana may extra pasensya ka pa diyan!" natatawang tugon ko.

Nakita kong napaismid si JM sa naging pahayag ko just like how he really was. Mahilig talaga siyang umismid na minsan din talaga, nakakapikon pero minsan lang. "Korny mo na naman! This is a promise I wanna keep. Weekend mornings of JMia days are for Mia and the weekend nights are for JM, right?" aniya at napatingin siya sa akin na para bang nangaasar.

Namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Nakaramdam ako ng kaba pero nakaramdam rin ako ng hiya. Bushak!

"H-Hoy bebelabs! Ano ka ba! Baka may makarinig sa 'yo diyan, buang ka!" sabay hampas ko sa balikat niya.

Nandito pa kami sa parke. Nasa isang bench at kumakain ng ice cream. Na awkward tuloy ako.

"Now, mukhang limot mo na sinabi mo the last time, Mia Dalene? Seryoso ako, naniningil ako tungkol dun! It has been what? Ang tagal na, 'di ko na tanda! Deserve ko naman ata iyon?" Aniya.

"Seryoso ba, bebelabs?" tanong ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napatingin ulit ako kay JM at talagang hindi siya nagbibiro! I mean, minsan kasi inaasar niya ako sa mga ganitong bagay at totoong, minsan talaga, nangaasar lang.

Napairap ulit siya. "Forget it. Bilisan mo na pagkain mo! Bili lang ako ng tubig." aniya sabay lakad niya palayo para bumili.

I sighed.

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon