Episode 1

3.2K 267 105
                                    

Episode 1: Kiss

"L--Leo?"

"Yup. Leo," pag-ulit ng lalaki habang inaabot niya pa rin sa akin ang kamay niya.

Pinagmasdan ko siya't dama ko ang walang bahid na panloloko ang kanyang mukha. Seryoso siya kasabay ng kanyang malalawak na ngiti.

"T--Tara na, Mia! Baka naghihintay na sila JM sa atin!" si Maui at hinila niya ako palayo.

Nakita kong natatawang napaismid iyong Leo at ibinaba niya na ang kanyang kamay. "Bye, Mia! See you later!" pahabol niya.

Napabuntong hininga ako, mediyo napapaisip ako kung bakit kilala ako nung Leo na 'yon. "S--Sino iyon? Kilala mo ba iyon, Maui?" pagtanong ko.

Napatingin sa akin si Maui at tumango, "Si Leo, as in Leonardo De Guzman, transferee siya dito at medyo pilyo at barumbado. Nakakainis nga na isang katulad niya ang pinapasok sa school! Siguro, dahil mayaman na rin." pag kuwento niya.

"G--Ganun ba? Pero, bakit naman kilala ako nung Leo na iyon? Hindi ko naman iyon kilala eh." sabi ko at totoo naman talaga, parang, ngayon ko nga lang iyon nakita.

Bahagyang napaisip din si Maui sa naging pahayag ko at napakibit-balikat na lamang siya,"Hindi ko rin alam eh! H'wag mo na lang pansinin! Malamang, nagpapapansin lang iyon sa'yo!"

"Eh?! Naku siya! Mali ang taong nilapitan niya kung ganun!" natawa ako, "Ay hala!" sabi ko nang mapansin kong tumatawag sa akin si JM, Lagot na.

"Nasaan na kayo? Andito na kami ni Dylan, bakit wala kayo dito?" anya, kalmado naman kaya medyo nawala ang taranta ko.

"Malapit na bebelabs! Wait lang naman, miss ako agad eh! Ay." natatawang sabi ko pero ayun, pinatay niya lang ang tawag. Suplado! Tse!

Natawa na lang ako. Siguro nga, hindi si JM iyon kung hindi ako sinusungitan. Masyado akong nasanay sa suplado side niya kaya hahanap hanapin ko talaga ang ganitong ugali niya. Alam niyo iyon, kung nasa mood siya, iinisin ko siya para magsungit, ganun.

Nang dumating kami sa canteen ay nakapag order na si JM at Dylan. Ganun ba kami katagal ni Maui?

"Grabeh, sobrang layo na ba ng canteen ngayon? Akala namin ni Pareng JM, bukas pa dating niyo eh!" si Dylan.

Agad akong napaupo katabi ni JM at tahimik lang siyang kumakain.

"Sorry na, may humarang--"

"May mga bagong kaibigan lang kasi kaming nakasalubong sa daan kaya chika kung chika na muna!" agarang pagputol ko sa sasabihin dapat ni Maui. Ayaw ko na pati iyon malaman ni JM, I mean, wala naman iyong dahilan para maikuwento pa eh, tsaka, baka mag-alala lang si JM kung sakali.

"Kumain kana," si JM sabay abot niya sa akin ng isang sandwich na ready to eat na. Sweet din talaga.

"Thanks bebelabs! Ay onga pala, kamusta naman dun kay Miss Jenny? Para ano ba iyon, bebelabs?"

"Sabi ko sa'yo Mi, about sa medical certificate namin ni Pareng JM iyon, alam mo naman, kailangan namin ireport sa kanya ang kondisyon namin. Kailangan basehan kung puwede ba for Physical Activity!"

"Physical Activity?" tanong ko, "Bakit pa kailangan nun ni JM?"

"Damn you're mouth is the most annoying thing ever, Dylan! Puwede ba!" sita ni JM at hindi ko mapigilang hindi ma curious.

"Magbabasket ball ka, bebelabs?!" tanong ko and yes na yes! Nakakawindang!

"Geez." sabay ismid niya, "No, I'm not. I can't." direktang tugon niya, "Kumain kana nga diyan, bilisan mo at balik klase na!"

Love Sick 2 (✔️) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon