Chapter 01

174 7 14
                                    

CHAPTER 01 - Let's Begin

Eleanor's POV

Araw ng lunes, ika-2 ng Agosto. Tulad ng nakasanayan, maaga akong gumising, hindi na ako nagmuni-muni pa at kumuha kaagad ng damit saka dumeretso sa banyo ng aking silid. Ilang beses kong hinilamusan ang mukha ko para magising ang aking diwa kahit papaano, saka ako nagtungo sa shower. Malamig ang tubig pati na rin ang hangin na dumadampi sa aking balat kaya naman impit akong napatili, nagulat din dahil sa lamig. Nang masanay na sa lamig ay natatawa akong nagtuloy sa ginagawa.

"Minsan, isang araw, puso'y napasigawNahulog sa iyo, 'di ko na matanaw. Pangangatwiran ko'y, 'di na mapagkatiwalaan." Pagkanta ko saka dinampot ang shampoo at naglagay sa aking buhok. Tumikhim muna ako ng bahagya para mawala ang nakabara sa aking lalamunan 'tsaka tumuloy sa pagkanta. "Umasa sa iyo, 'di na mabibitawan. Na baka sakali lang 'di na masasaktan. Ngunit pangangatwiran, mo'y 'di mapagkatiwalaan."

Sapul na sapul sa akin ang bawat liriko ng kanta, nararamdaman iyon ng puso ko. Para bang ginawa para sa mga katulad kong nabiktima ng lintik na pagmamahal na iyan, pero naisip ko rin na kaya nga nagawa ang kantang iyan ay sa ganoon nga'ng dahilan kaya natatawa akong umiling. Hindi ko alam kung bakit ito ang napili kong kantahin pero ito ang kusang lumabas. Ipinikit ko ang aking mga mata habang tuloy ang pagtulo ng tubig sa shower.

"Kaya't pipikit na lang.." Huminga ako ng malalim saka kinuha ang sabon. "Tagu-taguan, Maliwanag ang buwan. Masarap magmahal 'Pag hindi iniwan. Pagbilang mong tatlo, nakatago na ako. Ibalik ako sa nakaraan..."

'Hays.. Wag na akong ibalik sa nakaraan dahil alam ko naman ang patutunguhan' Napapabuntong-hiningang pag-iisip ko.

Dahan-dahang minulat ko ang aking mga mata saka pinihit ang gripo ng shower, pinanood ko nang unti-unting maubos ang mga pumapatak na tubig mula doon at nang wala nang matapos iyon sa pagtulo ay saka ko kinuha ang towel na nakasampay sa towel ring sa labas. Nagtuyo na ako ng sarili ko at inilagay sa ulo yung towel matapos matuyo ng aking katawan.

Kinuha ko ang damit kong nakapatong sa kahoy na upuan na naroon sa katabi ng towel ring at isinuot ang mga iyon, nakasanayan ko nang sa mismong banyo ako nagbibihis kahit na kami lamang namang tatlo nila Mommy at Daddy ang nasa bahay. Hindi ako komportable na lumalabas ng banyo na towel lang ang nakatapis sa aking katawan. 

Nang maisuot na ang aking panloob na damit ay lumabas na ako ng banyo saka dumeretso sa cabinet na katabi ng aking kama para kumuha ng uniform. Ang uniporme namin ay simple lamang, kulay puti na blouse na mayroong burda ng school logo namin, at kulay navy blue na palda na mayroong linyang puti sa dulo nito. Ka-terno nito ang ribbon na itinatali sa ilalim ng aming kwelyo.

Sunod kong kinuha ay ang sky blue kong jacket na nakasabit sa head board ng kama ko at sinuot iyon, kinapa ko ang bulsa at wala sa sariling nangiti habang tinitingnan ang kwintas kong first quarter moon ang design. Buong bilog ang itsura noon pero ang kalahati ay itim habang ang kalahati noon ang buwan.

Kahit bagalan ko lang ang pagkilos ko ay ayos lang. It's only 4:30 in the morning. Ganon lang talaga ako kaaga magising. Nakasanayan ko na iyon na alas kwatro ng madaling araw ay gising na ako, magmumuni-muni ng kaunti at pagsapit ng alas kwatro imedya ay dederetso  sa banyo para maligo. Alas singco ang gising nila Mommy para magluto kaya pag bumababa ako para mag-almusal ay may pagkain na at natutulog na muli sila, kapag naman sapat ang tulog nila ay sinasabayan na nila ako sa pag kain ng ganoong oras.

Rewrite The Stars[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon