☆|CHAPTER 08•Feelings For Two|☆
Janella's POV
Mabilis na dumaan ang oras, maglalabasan na kaagad. Pero pakiramdam ko biglang bumagal ito nang dahil sa paglelesson ngayon ng professor namin, hinihimay-himay niya pa talaga ang pagtuturo kaya nababagot ako at nawawalan ng ganang makinig.
"We have three main forms of..."
Hindi ko na narinig ang mga sinasabi ng prof ko dahil muli kong naalala lahat ng pangyayari simula nang bumalik kami dito sa school ngayong linggo.
'Ano nga ba ginawa namin?... Naglinis ng room, naglunch, nagrecess, nagtawanan, nagkwentuhan, tumambay sa clubroom. Wala nang bago..' Napangiti naman ako. 'That's good. Atleast walang nababago sa mga nakasanayan ko..'
"This form shows that even though..."
Naglakbay muli ang isip ko at kung saan-saan 'yon napunta. Mabuti nalamang at nabasa ko na ang lecture ngayon kaya malakas ang loob kong hindi makinig. Umiling ako ng ilang beses saka nakangiting tumunganga sa labas ng bintana.
'Charot may magbabago na pala.. Sumali nga pala ang baklang Dexter sa club.. Well mukhang wala rin naman masyadong mababago... May mga mawawalang nakasanayan na gawain sa room pero wala na rin naman halos maiiba.'
Pumasok nanaman sa isipan ko ang nangyaring unang pagkikita ng lahat ng kaibigan ko at si Dexter. Nagkatitigan kaagad silang dalawa ni Elie pagkapasok niya palang. Nakita ko kung paano parehas na kuminang ang kanilang mga mata at kahanga-hangang nagawa nilang tumagal sa ganoong posisyon. Kakaiba at bago sa aking paningin ang naging pagkislap sa mga mata ni Elie, ngunit sa paningin ko pati siya ay hindi maintindihan ang nararamdaman kaya nabuhay ang kuryosidad ko.
'Noon ko lang nakitang nalilito yung batang yun sa nararamdaman niya... Mukhang yun lang pa pala ang isa sa mga mababago sa loob ng grupo hahahahaha' Bahagya akong natawa habang umiiling, saka sumeryoso pagkatapos. 'Ang hindi ako sigurado ay sa nararamdaman ni bakla... Bakla siya eh. Pero kakaiba din ang kinang sa mga mata niya nung makita si Elie...'
Bumuntong hininga ako ng ilang beses dahil sa isiping iyon. Saka lang ulit ako napangiti nang maalala ko nung minsang pauwi na ako at kinumpronta ako ni Dexter, 'yon yung araw na nagtanong si Elie kung kaming anim nalang ba talaga sa club.
[~•FLASHBACK•~]
Kakatapos lang namin tumambay sa clubroom at ngayon ay naglalakad na ako pauwi. Nasa isip ko parin ang kaninang sinabi ni Elie bago kami magkanya-kanya ng lakad.
"Napapaisip lang ako.. Kung tayong anim nalang ba talaga dito sa grupo. Hindi na ba tayo madadagdagan?... Ano kaya ang mangyayari sa atin kapag may nadagdag sa grupo natin? Ang saya siguro nun 'no?..."
Nakangiting umiling nalang ako saka inalala ang kasunod niyang sinabi.
"Pero naisip ko rin na ok na siguro ito. Kahit kaunti lang tayo, masaya naman. Nakasanayan na rin natin na tayong anim lang.. Baka magkagulo pa kapag nadagdagan hahahaha!"
Agree naman ako na masaya kami kahit maunti kaya hindi na rin ako naghangad na madagdagan pa. Mas gusto ko yung kami lang dahil yun ang nakasanayan ko, pero napapansin ko kasi sa isa kong kaibigan na gusto niyang sumali. Nakakatawa lang na hindi lang ang pagiging parte ng grupo ang habol niya, may isa pa siyang dahilan. Matagal ko na siyang kaibigan kaya madalas siyang magkwento sa akin at palagi niyang ipinapakita ang paghanga kapag tungkol sa grupo ang kaniyang pinagkukuda. Kaya naman pumasok kaagad sa isip ko na gusto niya talagang sumali, hindi lang niya sinasabi.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars[On-Going]
Random"I'm Elie, isang simpleng babae na may magulong storya. Naniniwala akong ang takbo ng buhay natin ay nakalathala na sa mga bituin. Mangyayari ang kung ano ang dapat na mangyari, kahit hindi natin gustohin. Mararanasan natin ang kung ano na dapat na...