CHAPTER 03 - New Recruit
Eleanor's POV
Kakatapos lang ng klase at nasa eco park na kami ngayon, papunta sa clubroom. Kasama ko parin sila Mela at Nina na ngayon ay nagtuturuan ng lesson ng nakaraang linggo.
"Edi kapag naglabas ng court yung bola kahit matamaan pa yun ng kahit sino sa team, outside na yun at point nun ay sa kalaban?" Matamang nakatitig si Nina kay Mela habang hinihintay ang sagot nito.
Umiling si Mela saka hinarap siya. "Bibigyan kita ng example.. si Team A natamaan yung bola tapos lumampas sa net kaso outside ng court yung bola. Kung matatamaan iyon ng isa sa Team B pero hindi pasok sa net, puntos iyon para sa Team A. Pero kung hindi iyon tatamaan ng Team B, Team A ang makakakuha ng puntos. Kung natamaan naman iyon ng Team B tapos nasalo ng Team A, edi tuloy ang laro. But uhm.. To put it simple, kung sino ang huling makakatira sa bola tapos lalabas iyon ng court, kalaban ang makakakuha ng score." Pagtuturo niya, gamit pa ang kamay habang tinuturo ang example.
"Yun! Mas nagets ko pa yung explanation mo kesa sa explanation ni Sir Miel last week eh!" Nagmamaktol na ani Nina.
"Paano mo magegets? eh hindi ka naman nakinig sa lahat ng lessons nung nakaraang linggo." Nakangising sabi ko sa kaniya.
Hindi naman na iyon bago. Kadalasan talaga ay hindi nakikinig si Nina sa tuwing nagdidiscuss ang mga teacher pero kamangha-mangha namang may natututunan parin siya kahit papaano. Hindi siya bumabagsak pero hindi din kataasan ang nakukuhang marka. Sapat lang para masabing estudyante parin siyang "nag-aaral".
Namumula ang pisnging nilingon ako ni Nina. "Hoy anong hindi?!" Singhal niya. "N-nakinig kaya ako.." Nakangusong depensa niya sa sarili.
Tinawanan nalang namin siya ni Mela at nagderetso lang sa paglalakad papunta sa club room. Nang makarating kami doon ay naabutan namin sila Sandra at Lyzza na nakabusangot sa labas marahil ay kanina pa sila doon.
"Aba'y huwag niyo ako busangutan ng ganiyan. Kung kayo'y naiinitan dito, naroon ang student lounge." Pagturo ko pa sa lugar. "Dapat ay pumaroon nalamang muna kayo at nanatili."
Hindi nila ako sinagot at tinawanan lang ako. Natawa nalang din ako saka umiling at binuksan na ang pinto. Binuksan muna namin ang mga bintana at electric fan saka naupo sa aming mga sofa.
"Hup!" Anas pa ni Nina nang patalon siyang umupo sa sofa niya.
"Huwag mong dag-anan ng ganon. Baka mabutas, mabigat ka pamandin." Nakangising biro ni Mela. Sinamaan naman siya ng tingin ni Nina.
"Kung ikaw kaya ang dag-anan ko ano? Kalas kalas ka siguro dahil diyan sa kapayatan mo!" Balik biro nito.
"Grrrr.. Tataba din ako maghintay ka lang! Baka magising ka nalang tagpi-tagpi ka na dahil nasa akin na yang mga taba mo."
"Pfftt- HAHAHAHAHAHAHAHA!!" Hindi ko na napigilang humalakhak ng tawa dahil sa sinabing yun ni Mela. Pati sila Lyzza at Sandra tawa na rin ng tawa.
"Pshh.." Nagpipigil ng tawang singhal ni Nina.
Tumigil lang kami sa pagtawa nang magbukas yung pinto at iniluwa noon si Ella. "Hey guys, sorry ngayon lang ako. Naglinis pa ako sa room namin at nagsialisan na kaagad yung mga cleaners."
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars[On-Going]
Random"I'm Elie, isang simpleng babae na may magulong storya. Naniniwala akong ang takbo ng buhay natin ay nakalathala na sa mga bituin. Mangyayari ang kung ano ang dapat na mangyari, kahit hindi natin gustohin. Mararanasan natin ang kung ano na dapat na...