CHAPTER 04 - Sent A Message
Sandra's POV
"Baby.."
"Baby wake up.."
"Baby wake up.. May pasok ka pa.."
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko ay hinanap ko kaagad ang pinanggalingan ng tunog.
"Baby wake up.. May pasok ka pa."
"Baby wake up.. May pasok ka pa."
Napangiti ako habang nakatingin sa cellphone ko. Kahit na ilang beses ko na iyon narinig ay talagang nakakapagpabilis iyon palagi ng tibok ng puso ko. Sabihin na nating corny, pero iyon lang ang paraan para palagi kong marinig ang boses niya ng ganito kaaga. Nakakamiss kaya siya, lalo na at di naman kami lagi nagsasama. Inabot ko na ang phone ko at tinitigan muna ang screen, pinapakinggan ng isa pang beses ang ringtone.
"Baby wake up.. May pasok ka pa." Muling pag-uulit ng tunog na siyang ikinangiti ko lalo.
"I'm awake na baby. Thank you, I miss you." Madamdaming sambit ko at pinatay na ang alarm ng phone.
'Oh, how I love his voice..' Kinikilig na pag-iisip ko.
Bumangon muna ako at nag-unat unat ng katawan. Nang pakiramdam ko ay gising na ang aking katawan ay naglakad ako papunta sa salamin at masiglang binati ang sarili. "Good morning self!"
Habang nagsusuklay ng aking buhok, biglang tumunog ang phone ko na siyang nakapagpabilis ang tibok ng puso ko. Agad ko itong kinuha.. nagbabaka-sakaling siya yun! Pero nadismaya ako nang makitang si Ella lang pala na nagchat sa group chat namin. Bumuntong hininga muna ako saka iyon binuksan.
•×•×•
5:01 a.m.
JanellaSalvador:
Good morning guys! Today's the day na makikilala niyo ang new recruit natin! So kilos na kayo. Ingat pagpasok!
*Seen by SandaraPark.•×•×•
Hindi na ako sumagot pa at nakangiting pumasok sa banyo ko. Naligo agad ako tapos nagbihis. Nakangiting pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ang ribbon sa kwelyo. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa kusina kung saan naabutan ko ang mama ko na nagluluto. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Good morning po Ma!" Masayang bati ko.
"Good morning din anak. Upo ka na diyan malapit na ako matapos dito."
Umupo na ako sa tapat ng lamesa at ihinain na ni Mama ang pagkain sa harap namin, eksato namang lumabas si Papa mula sa kwarto nila.
"Good morning Pa!"
"Good morning anak.." Halatang inaantok pa na bati niya. Humikab pa siya bago umupo sa upuan niya.
"Bakit parang inaantok ka pa po?" Natatawang tanong ko.
"Ay pano ba naman anak.. Nanood pa ng nanood sa T.V. Alas dose na nga ata yan pumasok sa kwarto eh tsk tsk." Sabay kaming tumawa ni Mama habang ngumuso lang si Papa. "Oh siya, kain na tayo."
Tahimik kaming nagsimulang kumain. Ang tanging maririnig lang ay ang mga kubyertos naming gamit pero maya-maya lang ay nagsalita rin si papa.
"Hindi ko nga pala natanong kahapon.." Naiangat ko ang aking paningin sa kaniya. "Kumusta nga pala ang pagpasok mo anak? Mayroon bang bagong nangyayari?"
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars[On-Going]
Разное"I'm Elie, isang simpleng babae na may magulong storya. Naniniwala akong ang takbo ng buhay natin ay nakalathala na sa mga bituin. Mangyayari ang kung ano ang dapat na mangyari, kahit hindi natin gustohin. Mararanasan natin ang kung ano na dapat na...