☆|CHAPTER 09•Sweet Harmony|☆
Eleanor's POV
"🎶Took a morning ride 🎵to the place where you and I🎶were supposed to meet... 🎵"
The city yawns, they echo on🎶My thoughts are spinning on and on 🎵my head, it seems... 🎶
They lead me back to you..🎵I keep coming back to you..🎶🎵
Took a morning ride🎶found a place up in my mind🎵no one else can see... 🎶
Maybe it's fate that we lose control..🎵
In circles around, we go..🎶
We become who we ought to know🎵We just gotta let it go🎶We just gotta let it gooo~🎵
So I'm coming home to you, ooh🎶
You, ooh🎵
You're all I need, the very air I breathe... 🎶🎵You are ho-o-o-ome, ho-o-o-ome!🎵🎶"
Dumaan ang Thursday at Friday ng normal at walang bago, malaking pasasalamat ko sa mga bituin dahil doon. Hindi katulad nung Monday to Wednesday na may kung anu-anong eksena na naganap, may magagandang eksena at mayroong hindi maganda. Kahit na nag-iisang hindi magandang pangyayari lang ang naganap, masyadong malaki ang naging epekto noon.
Sabado na ngayon at kasalukuyan akong kumakanta habang nasa tapat ng lababo at naghuhugas ng mga pinagkainan. Kasabay kong kumanta ang speaker na nasa salas.
'Hays.. Ang dami kong hugasan eh. May rehearsal pa mamaya..' Reklamo ko.
Sandali akong tumigil sa paghuhugas at nilingon ang mga huhugasan pa. Kakaunti lang ang pinagkainan namin, ang madami ay ang mga pinaglutuan. Gusto ko sanang magreklamo pero ako ang nakaatas na maghuhugas ng mga pinggan ngayon, kaya hindi na ako umangal pa. Bumuntong-hininga muna ako saka nilingon ang orasan na nasa salas namin, kalapit ng T.V.
'10:35 a.m... Maaga pa naman.. 12 pa naman ang rehearsal.' Ibinalik ko na muli ang atensyon sa paghuhugas ng mga plato, kubyertos at mga kaldero. 'Patapos na rin naman ako, banlaw nalang..'
"🎶Took a morning ride, gotta leave this all behind🎵For with you is where I want to be..🎶"
Napatigil ako bigla sa paghuhugas at pagkanta nang biglang may kumapit sa likuran ko.
"Hi Mommy." Nakangiting bati ko. Ngumiti rin siya.
"Maybe it's fate that we can't control🎶"
Lalong lumawak ang ngiti ko nang dugsongan niya ang kinakanta ko kanina. Napagdesisyonan kong magsecond voice.
"🎵Fate that we can't control🎵"
"🎶Oh, round and around, it goes🎶"
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars[On-Going]
Random"I'm Elie, isang simpleng babae na may magulong storya. Naniniwala akong ang takbo ng buhay natin ay nakalathala na sa mga bituin. Mangyayari ang kung ano ang dapat na mangyari, kahit hindi natin gustohin. Mararanasan natin ang kung ano na dapat na...