CHAPTER 02 - Demons
Eleanor's POV
"Oh 'di ba? Ang linis na ulit ng clubroom." Wika ko habang malawak ang ngiting tinitingnan ang sa paningin ko'y kumikintab na naming clubroom.
Pakiramdam ko ay basta nalamang ako babagsak sa sahig dahil sa sobrang push namin sa paglilinis. Lunch break lang kasi ngayon kaya sobrang mali pala yung timing namin na ngayon kami naglinis. Pero pinilit parin namin ang paglilinis kasi nasimulan na, sayang yung effort sa simula kung hindi naman tatapusin.
Tinanggal ko muna ang mga gloves ko saka bastang sumalampak ako sa aking sofa, una ang puwet, ang binti at ulo ko ay nakalawit sa tig-kabilang arm ng sofa. Hindi ako sobrang pagod, tama lang. Pero mainit kasi kaya dagdag stress at bigat sa katawan, naka-jacket pamandin ako. At aaminin ko, mahina ako sa init.
"Hayyyy... Nakakapagod." Reklamo nanaman ni Nina na umupo na rin sa kaniyang sofa. Olang beses niyang sinabi iyon kanina habang naglilinis pero hindi tumigil sa ginagawa. Ginaya niya rin ang ginawa ko at bastang tinapon ang mga ginamit na panglinis sa kung saan, nakangiwing tiningnan ko lang iyon.
"Saan ka exactly napagod? Sa paglalaro ng mga gamit na nakita nating nakatago??" Naiiritang tanong ni Sandra na kanina pa nakaupo. Tulad ng ilang beses na pagrereklamo ni Nina, ilang beses din siyang pinangaralan ni Sandra na binabalewala lang ng kausap.
"Chill, Nay." Sabat ko na para hindi magsimula ang pagbabangayan ng dalawa. Sinamaan pa muna niya ng tingin si Nina bago bumaling sa akin, bahagyang nakasimangot. "Don't look at me like that." Natatawang wika ko na siya namang sinunod niya, hindi na siya nakasimangot, nakangiwi na. Natawa ako lalo saka bumaling sa tatlong kakatapos lang ilabas ang mga garbage bag na ang laman ay halos puro mga papel, plastic at marami pang papel. Dalawang garbage bag din halos, pero hindi puno ang pangalwa. Halata ang pagod sa kanilang mukha, pawis na pawis pa.
"When was the last time we cleaned this room?" Tanong ni Mela habang tinatanggal ang mga gloves. Tumigil sandali si Ella sa ginagawang pagtatanggal ng gwantes at inisip panigurado kung kailan kami huling naglinis.
"Last January, I guess?" Hindi siguradong sagot niya saka bumaling sa akin, nagkibit-balikat lang naman ako. Alam ko ang sagot, gusto ko lang siya pahirapan sa pag-iisip. "Or December pala ata?" Mukhang hindi pala siya nahirapan. Pinanood ko siyang umupo sa kaniyang sofa saka tulad ng ginawa namin ay tinapon din sa kung saan ang mga gwantes. "Basta matagal na."
"Hala, eh anong buwan na ngayon??" Bulalas ni Nina. "It's already August!" Dugtong niya pa.
Matunog na bumuntong-hininga lang ako nang unti-unti akong nakaramdam ng guilt. December ang huling beses na pinagtuonan namin ng pansin ang room na ito, hinding-hindi ko makakalimutan iyon. Walong buwan na halos mula nang huli naming paglilinis ng clubroom. Walong buwan na ang nakalipas mula nang mangyari ang maraming hindi pagkakaintindihan. Walong buwan na ang nakalipas mula nang mabawasan kami. Walong buwan na ang nakalipas mula nang may mangyaring kaguluhan. Walong buwan na rin nang mangyari ang eksenang iyon, ang eksenang hindi ko nanaising maalala ulit pero dahil sa panaginip ko kanina lang, paulit-ulit na iyong pilit na sumisiksik sa aking isipan. Pilit ko rin namang nilalabanan.
"P-pero hindi naman masama yun hahaha..." Napunta kay Nina ang paningin ko pero ang mukha ay nakabaling parin sa kung saan. "Nag-enjoy naman tayo sa paglilinis 'di ba guys? Hahaha.." Parang napapahiyang baling niya sa iba naming kaibigan na agad na iniwas ang tingin sa akin nang lingunin ko ang mga ito.
"Oo nga hahaha.." Sang-ayon nila, halatang hindi alam ang tamang isasagot at nangangapa lang.
Natatawang umiling ako sa reaksyon nila saka sila sinserong nginitian. Mukhang nakahinga naman sila ng maluwag at nginitian din ako pabalik. Sa isip ko naman ay sinisisi ko nanaman ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars[On-Going]
Random"I'm Elie, isang simpleng babae na may magulong storya. Naniniwala akong ang takbo ng buhay natin ay nakalathala na sa mga bituin. Mangyayari ang kung ano ang dapat na mangyari, kahit hindi natin gustohin. Mararanasan natin ang kung ano na dapat na...