☆|CHAPTER 06•Dear Diary|☆
Carmela's POV
"OH MY GOSH YES!!" Pagsigaw ni Cherry na ikinangiti ni Nina ng sobra sobra. As in yung ngiti na parang sinagot siya ng nililigawan niya.
Napapangiti nalang ako habang pinaanood sila. Kanina lang nagkakilala sila Nina at Cherry pero ang bilis magdevelop nung relationship nila. From strangers to friends kaagad. Hindi na nakakagitla kung maya-maya ay bestfriend na kaagad silang dalawa. Parehas silang K-Popper which is good dahil may mapagkekwentuhan na si Nina palagi about K-Pop or K-Dramas. Mga hindi kasi kami Korean addicts, di tulad ni Nina.
'Mukhang ang saya-saya ni Nina kay Cherry ah. Parang ok naman silang dalawa, bagay pero parang hindi din. Siya na kaya talaga ang destiny ni Nina?..'
Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may sumiko sa aking tagiliran. Napalingon ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay pero hindi siya sa akin nakaharap kundi kila Nina.
"May nobyo na si Sandra. Nakita na ni Nina ang para daw sa kaniya. Si Nicolay mukhang wala nang balak magshota. At ako..." Turo niya sa sarili saka umiling. "Ayoko na." Dugtong na sambit ni Elie at dahan-dahang lumingon sa akin saka muli niya dinagdagan. "Ikaw nalang ang walang progress sa crush mo Nak." Tiningnan ko siya ng masama and she just smirked.
"At least close kami nung crush ko." Matapang na depensa ko sa sarili.
"Hindi ka naman crush, wala rin." Lalong lumawak ang pagkakangisi niya at naiinis na ako!
"Grrr! Alam mo Nay nakakainis ka!"
Nagkibit-balikat lang siya saka ngumisi ulit. "Ganon talaga."
"At proud ka pa talaga grrrrr!!"
"Siyempre."
Ramdam kong iniinis lang talaga niya ako at wala siyang magawa kaya naman ako nalang ang kusang titigil. Baka masapak ko pa ito ng wala sa oras, ayaw kong maitakwil. "Ewan ko sa 'yo Nay.. Ewan ko sayo." Pailing-iling na wika ko.
Parehas kaming natahimik at pinanood nalang muna sila habang nag-uusap at naghaharutan. Napalingon ako kila Sandra, may sariling mundo rin sila dun ni Lyzza sa dulong bahagi ng lamesa. Muli ko namang naalala kung bakit ako inaasar ni Elie.
'Speaking of crush.. Kamusta na kaya yung crush ko? Hindi ko pa ulit siya nakikita eh'
Napabuntong-hininga lang ako sa isiping iyon. Napansin ko ang paggalaw ni Elie kaya napatingin ako sa kaniya. Ipinatong ni Elie ang siko sa lamesa at humalumbaba. Nakatingin parin siya kila Nina at Cherry na para bang minamatyagan niya ang dalawang ito. Parang kanina pa kasi niya ito tinitingnan at hindi ko manlang nakita na iniwas niya ang tingin dito. Sumulyap muna ako sa kanila bago muling tingnan si Elie.
"Bakit?" Tanong ko dahil hindi ko na maiwasang magtaka.
"Hmm? Anong bakit?" Usal niya saka sumipsip sa mango juice sa kaniyang tabi.
"Bakit kanina mo pa tinititigan yung dalawa?"
Hindi muna siya sumagot at narinig ko ang tunog ng iniinom niya na parang naubos na ang laman. Saka siya gumalaw at tinanggal ang straw ng juice sa kaniyang bibig at ipinatong ang walang lamang inumin sa harap niya. Hindi manlang siya natinag mula sa pagkakatitig dun sa dalawa.
"Naniniwala kang siya na ang destiny ni Nina?" Deretsong tanong niya.
Nakuha ko kaagad na iyon ang dahilan kung bakit titig na titig siya dun sa dalawa pero nakakapagtaka parin na kailangan niya itong titigan na para bang may mangyayaring masama kay Nina kapag inalis niya ang tingin dito. Tiningnan ko muna sila Nina at Cherry na ngayon ay nagtatawanan saka muli siya nilingon at nagkibit-balikat.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars[On-Going]
Random"I'm Elie, isang simpleng babae na may magulong storya. Naniniwala akong ang takbo ng buhay natin ay nakalathala na sa mga bituin. Mangyayari ang kung ano ang dapat na mangyari, kahit hindi natin gustohin. Mararanasan natin ang kung ano na dapat na...