☆|CHAPTER 05•Unnie|☆
Nina's POV
Kakatapos lang ng klase at nasa clubroom lang kami. Mga tambay as usual. Pinag-uusapan lang namin kung ano na ang dapat naming gawin kay Dexter, yung bagong member ng grupo.
"Edi sa sabado na talaga natin papapuntahin si Dexter? Final na yun?" Tanong ni Mela.
"Oo, para deretsong rehearsals na tayo pagka-orient natin sa kaniya." Pag-e-explain ni Elie.
'Orientation tapos rehearsals?? Parang nakakapagod naman ata yun? O di kaya ay nakaka-hastle?'
"Hindi ba masyado hastle yun?" Tanong ko.
"No, since si Elie lang naman ang mag-e-explain. You know.. Duties." Tumatangong sabi pa ni Ella. Natawa pa ako nang manlaki ang mga mata ni Elie.
"Oy! Anong duties-duties?! Tutulungan nyo ako!" Singhal niya. "Alam ninyong hindi ako magaling mag-explain."
"Hindi bagang!!" Sabay sabay naming sabi.
'Pshh.. Hindi daw. Gaga! Hindi niya mabubuo itong grupo na anim ang tauhan kung hindi siya magaling mag-explain. Saka hindi sana kami nakapagtagal dito.' Ngiwi ko sa sarili at hindi na isinatinig.
"Fine, oo na. Magaling ako mag-explain. Pero tulungan niyo rin ako. Members din kayo 'no!"
"Of course we'll help, pero syempre yung madadali lang ipaliwanag ha? Hehehehe." Si Lyzza.
"Hindi na naman natin kailangang ipaliwanag pa sa kanya ng sobra sobra. Mabilis naman makaintindi yun si Dexter saka may mga nasabi na rin ako sa kaniyang mga bagay tungkol sa grupo." Si Ella.
Nakangiting tumango si Elie bilang sagot.
May nararamdaman akong kakaiba sa mga ngiting yun ni Elie. Kanina palang nang pumasok yung newbie na si Dexter sa room ay talagang may kakaiba na akong naramdaman sa kanila, lalo na nung nagtitigan sila. May kakaibang spark akong nakita sa pagitan nilang dalawa at kahit saang anggulo kong tingnan, mayroon talagang spark! Nasabi ko nga kanina sa isip ko na baka sila na ang destined sa isa't isa dahil mayroon talaga akong nakitang kakaiba lalo na sa mga mata ni Elie. Pero hindi parin ako sigurado. Baka maulit lang nanaman yung dati at masaktan ulit siya.
Pinanood ko siyang umupo ulit sa sahig sa harap ni Sandra, mukha siyang batang naghihintay ng story telling habang nakatingala kay Sandra na abala naman sa cellphone niya. Pagkatapos ang ilang segundo ay binaba ni Sandra ang phone niya saka nginitian si Elie pero hindi nakatago sa akin ang bahagyang pag-igtad niya nang makita si Elie doon. Hindi siguro niya napansin dahil naka-focus siya sa cellphone.
'Siguro kaya hindi namin napansin na nakabitaw na si Elie kay Lyzza ay dahil natuon ang atensyon namin kay Ella.. Pero masyado paring mabilis para hindi maramdaman ni Lyzza na bumitaw na si Elie sa kaniya.... Kakaiba talaga itong batang ito.' Iiling-iling na pag-iisip ko. 'Maka-bata ka naman. Mas matanda yan sa iyo!' Umiling nanaman ako dahil don.
Napunta naman ang atensyon ko sa cellphone ni Sandra. 'Nag-chat siguro si Ken.. Pshh.. Paniguradong si Ken nga. Tumatawa at ngumingiti mag-isa eh' Ngumiwi ako sa isiping iyon. Napatingala naman ako at napa-isip. Mukhang nakakahiligan ko ngayong araw ang pag-iisip. 'Kailan ko kaya makikilala ang destiny ko?..'
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars[On-Going]
Random"I'm Elie, isang simpleng babae na may magulong storya. Naniniwala akong ang takbo ng buhay natin ay nakalathala na sa mga bituin. Mangyayari ang kung ano ang dapat na mangyari, kahit hindi natin gustohin. Mararanasan natin ang kung ano na dapat na...