Prologue

142 7 4
                                    

Prologue

Love is a complex set of emotions, behaviors, and beliefs associated with strong feelings of affection, protectiveness, warmth, and respect for another person.

There are many types of love. Love for family, love for your friends and love for your special someone.

Kasalukuyan akong nasa library at nagbabasa ng libro about love. Hindi ko alam kung bakit ito ang binabasa ko, hindi naman siya interesting pero binasa ko parin. Siguro dala ng boredom, hindi ko na napansin kung anong libro ang nahila ko mula sa lagayan.

You know you're inlove with a person when you want to be around them all the time. You always miss them. When they are not around you go nuts or crazy, you can't keep yourself away from them for too long. You get butterflies in your stomach or you'll somewhat feel extremely uneasy when you talk or just by being with them. You'd talk about them a lot. You'd keep photos of them in your phone and stare at them until you fall deeper inlove with them. In every simple thing they do for you, it would always make you smile. And many more signs to show that you're inlove.

Sometimes you fall in love but don't know that you already fell. You would just feel that you're falling with the person that makes you happy. Then you'd be hurt. Knowing that someone else already caught them while they left you in the air. Because not everyone you fall in love to, will always catch you..

Life is hard without love. Love is harder because you don't know whether the person you love will love you back or the person you love will break your heart to pieces.

Ilang beses akong bumuntong hininga bago umiiling na sinarado ang librong binabasa ko. Masyado akong tinatamaan at hindi ako natutuwa, nagsisisi na tuloy ako dahil binasa ko pa ito. Naaalala ko lang ulit ang nakaraan ko. Marahan at tahimik akong tumayo saka naglakad sa mga bookshelves para ibalik ang librong kapit ko.

"Huy dito pala ulit pumasok si Elie.." Bulong ng isang estudyanteng nakasalubong ko.

Tahimik ang library kaya kahit gaano kahina ang pananalita niya ay rinig na rinig ko parin. Nakarating na ako sa bookshelf saka binalik ang libro. Namimili ako ng panibagong libro nang marinig ko magsalita ang isa pang estudyante.

"Siyempre dito ulit siya papasok. Dalawang taon na siya dito, lilipat pa ba naman siya? 'Tsaka nandito mga kaibigan niya." Sagot ng kausap niya.

"Alam mo naman yung nangyari last year.." Sobrang hinang anito, pero kahit anong hina noon ay narinig ko.

"Magpapaapekto ba naman si Elie sa ganoon? Hindi man natin siya ganoon ka-kilala, alam naman natin na hindi siya bastang magpapaapekto sa ganoon." Parang humahangang wika ng kausap.

Natigilan ang kamay ko sa paglalakbay nang may madaanan itong libro na may litrato ng buwan at sa baba noon ay may MOON na title. Nakangiting umiling ako saka 'yon kinuha. Bumalik ako sa upuan ko kanina at nagsimulang magbasa pero bago pa man ako makapagsimula, narinig ko nanaman na magsalita yung bata kanina.

"Sana sa susunod kong buhay maging katulad ng buhay ni Elie ang buhay ko.."

"Bakit naman?"

"Eh kasi... May maayos siyang pamumuhay. May mga mabubuting kaibigan siya. 'Tsaka may mapagmahal na magulang.. Hayyy... Alam mo naman kung gaano kahirap ang buhay ko, madalang lang kami magkasama ng mother at father ko tapos ikaw lang natatangi kong kaibigan."

Narinig kong bumuntong hininga ang kausap. "Maging masaya ka nalang dahil ako lang ang kaibigan mo, atleast totoo ako. Hindi tulad ng iba diyan, plastic na nga ahas pa!"

Rewrite The Stars[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon