☆|CHAPTER 07•Promise, Letters And.. Him|☆
Elyzza's POV
Kakatapos lang ng mga pang-umaga naming klase at nasa clubroom kami ngayon, nag-uusap usap tungkol sa conflict ni Dexter dahil may possibility daw na hindi ito makaattend sa Saturday ayon kay Ella.
"So.. Hindi pa sure kung makakarating si Dexter sa Saturday, dahil dito sa isang grupo sa lugar niyo na kasali siya at kailangan nandun siya. Ganon ba?" Pagkukumpirma ni Elie.
"Oo, ganon na nga." Sagot sa kaniya ni Ella.
Nilingon ko si Elie at kahit ilang beses akong kumurap, nakukumpira ko na nakasimangot nga ito. Hindi ko alam pero may pakiramdam sa akin na natutuwa para sa kaniya. Kakaiba pero totoo.
'Halaaa? Bakit nalungkot? Hahahahaha siguro crush na agad nito yung Dexter na yun. Pero baka hindi rin.. Bakla eh. Baka gusto lang talagang makilala yung tao..'
Napailing nalang ako ng dahil sa iniisip ko. Wala akong gawa kaya nilibot ko ang aking paningin sa aking mga kasamahan. Nahagip naman ng paningin ko si Mela na nasa tabi ko. Nakatingin lang siya kila Elie at Ella habang nag-uusap. Naalala ko ang nangyari sa kanila ng crush niya bago kami pumunta dito.
'Bakit kaya hindi ito nagsusulat sa diary niya?'
Normally, kapag may nangyari sa kanila ng crush niya or kapag may exciting na nangyari, nagsusulat siya doon pero heto siya at tinititigan pa sila Elie.
Umipod ako ng kaunti para makalapit sa kaniya. "You're not writing on your diary? That's unusual." Wika ko.
Nanlaki ang mga mata niya, kaya ngumiti ako. "Ay shet! Oo nga pala!" Gulat niyang usal at kinuha mula sa sling bag niya ang kaniyang diary at nagsimulang magsulat.
Sandali ko pa siyang tinitigan habang nagsusulat saka ko iginala ang paningin. Gaya kanina ay pinasadahan ko silang lahat ng tingin at nakikita kong busy sila. Magkausap sila Ella at Elie, nakain naman sila Sandra at Nina na parehas naka-indian sit sa sahig malapit sa water dispencer na katapat ko, si Mela naman ay nagsusulat sa diary niya.
Sumandal nalang ako sa sofa ko at tumingala. Hihintayin ko nalang silang matapos kaya naman ipinikit ko panandalian ang mga mata ko. Agad naman akong nakaramdam ng antok at naalala ko kung bakit.
'Kulang nga pala ako ng tulog kagabi hays.. Pakiramdam ko tuloy mapapa-"tala" ako ng wala sa oras..'
"🎶Tila ako'y nakalutang na sa langit🎵... hehe.." Natatawang pagkanta ko ng mahina.
Mabilis na dinalaw ako ng antok at kahit na anong laban ko, pakiramdam ko ay makakatulog din ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kulang ako sa tulog o sadyang nakaka-antok lang talaga tuwing tanghali, kaninang umaga naman kasi ay hindi ako ganito kaantok at nagawa ko pang makipagdaldalan sa mga ito. Either way, inaantok talaga ako. Pero dahil ilang minuto nalang ay magkaklase na ulit, hindi ako natulog at pinilit na labanan ang sarili para hindi makatulog.
Naririnig ko ang mga kaibigan ko na patuloy na nag-iingay at nag-uusap usap pero pakiramdam ko ay tulog na ang ibang parte ng katawan ko kaya hindi ko na nagawang gumalaw. I can hear them pero hindi ko naman sila maintindihan. Nalulutang na ako at pakiramdam ko ilang minuto lang ay kakainin na ako ng kaantukan. Kaunting-kaunti nalang.
"Lyz..."
Biglaan akong napamulat at napaigtad sa hinihigaan ko nang akala ko ay narinig ko ang boses niya. Bahagya pa akong napasinghap dahil hindi ko naman inaasahan na maririnig ko pa ang boses ng bwisit na iyon. Agad na nawala ang antok na nararamdaman ko kanina at napahawak kaagad ako sa dibdib ko, pinakiramdaman ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Stars[On-Going]
Random"I'm Elie, isang simpleng babae na may magulong storya. Naniniwala akong ang takbo ng buhay natin ay nakalathala na sa mga bituin. Mangyayari ang kung ano ang dapat na mangyari, kahit hindi natin gustohin. Mararanasan natin ang kung ano na dapat na...