☆CHAPTER 10☆

51 6 1
                                    

☆|CHAPTER 10•Online Closure|☆

Eleanor's POV

Isang linggo na ang nakalipas matapos ng aming pormal na pagpupulong at sa mga sumunod na araw matapos niyon ay naging maayos at tahimik ang aming pamumuhay. Walang pasabog na kakaiba ang mga bituin at wala rin akong napanaginipang kakaiba. Normal ang lahat sa aming anim pati na rin sa dalawang demonyo ko. Ang natatanging kakaiba lang naman ay ang nararamdaman ko sa tuwing magkakaroon kami ng interaksyon ni Dexter, maaaring dahil lang iyon sa hindi pa ako sanay sa presenya niya pero mayroong nagsasabi sa kalooban ko na hindi iyon ang dahilan. Kapag naman ganoon ay umiiling lang ako saka tinataboy ang isiping iyon.

Wala paring anunsiyo sila Sir Jason at Ma'am Avynne kung kailan ang Intramurals at Acquaintance Party pero binigyan na nila kami ng pahintulot na magsimula na sa pag-eensayo. Kaya naman napagdesisyonan naming magsimula na ng kaunting practice noong nakaraang Martes at Huwebes. Hinayaan kong si Dexter ang magturo sa amin para makita ko ang kakayahan niya at nakakamangha ang galing nito sa pagtipa ng piano at sa pagtuturo. Nakakamangha pang naaabot niya ang tono ng soprano at alto.

Napag-usapan namin na ang una naming kakantahin ay Rather Be mula sa Clean Bandit at tuwang-tuwa si Nina dahil magbe-beat siya.

Sabado na ulit ngayon at dahil marami ang oras namin para mag-ensayo, dapat ay seryosohan na kami ngayon hindi katulad nung nakaraang rehearsals na binigyan lang namin ng pagkakataon na ipakita ni Dexter ang kaya niya sa pagtuturo. Ngunit halos isang oras na ang nakakalipas at hindi pa kami makapagsimula sa pagpapractice.

"Nasaan nanaman yung baklang yon!?" Inis na wika ni Sandra. "Lagi nalang siyang late eh."

Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hindi kami makapag-rehearse ng seryosohan talaga nung nakaraan dahil palaging late si Dexter. Noong una ay nakalimutan niyang may practice kami at noong huwebes naman ay may gawain siyang kinailangang tapusin. At heto nanaman siya ngayon, late nanaman.

"Kalma lang Sandra. Parating na rin yun." Pagpapakalma ni Ella pero halatang pati siya ay nayayamot na rin base sa kunot nitong noo sa bahagyang salubong na kilay.

"12 ang call time. Anong oras na ngayon? It's already 1:57 pm. It's almost 2 and he's not yet here.." Pilit na pinapakalma ang sariling reklamo nanaman ni Sandra.

"Nagchat siya sa group chat kanina 'di ba?" Sabi ni Lyzza.

"Kanina pa yung chat niyang iyon Lyzza.." Hinihilot ang sentidong aniya.

"Bakit ba parang ang init ng ulo mo??" Ani Nina kay Sandra.

Nilingon muna niya kaming lahat. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng kaniyang pisngi saka ngumuso. "I'm on my period.." Mahinang wika niya pero sapat para marinig namin.

"Kaya naman pala parang dragon na kanina pa pikon." Naiiling na usal ni Lyzza, lalo namang ngumuso si Sandra.

"At hangga't wala yung baklang yun at hindi pa tayo nakakapagsimula ng practice, patuloy ang pag-init ng ulo ko." Naiinis na muling ungot niya.

Buntong-hininga nalang ang naitugon ko sa kanila. Mauubos na ang oras namin kakahintay. Hindi pa kami nagsisimulang magpractice dahil sa kaniya. Dahil kasi sa naging maganda naman ang kinalabasan ng pagtuturo niya kahit kakaunti lamang, inatasan kong siya ang magtuturo ng buong kanta naming ito. Kapag natapos namin ng maayos ay bibigyan ko siya ng sampung sign sa tickler niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rewrite The Stars[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon