This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used of fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
©All Rights Reserved 2019-2020
My Fiancé is My Enemy
written by: Clairemoon14Prologue
"Kuya!" Agad kong sinalubong ng yakap si Kuya na kakauwi pa lang ng Pilipinas.
"Where's Mom and Dad?" Tanong ni kuya ng kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Well, busy.. haha sabi kasi ni Mom ako na daw ang sumundo sayo dito sa Airport so I'm here!" Sabi ko at yumakap ulit kay Kuya.
"Big girl ka na Brina," nagulat na lang ako ng guluhin ni Kuya Brix ang buhok ko na talagang na-miss ko nang sobra.
"I miss you so much talaga kuya, by the way...do you have a girlfriend now?" Napatingin ako kay Kuya na ang ngiting salubong niya sakin kanina ay napalitan ng simangot. Wait..may mali kaya akong nasabi?
"Wala...pa." natawa na lang ako sa sinagot sakin ni kuya, akala ko galit ehh.
"Aysus! Kuya maghanap ka na habang maaga pa" agad ko naman akong humabol ng paglalakad dahil nagsimula na maglakad si Kuya ng mabilis. Pero agad din naman akong napatigil ng tumugil siya at humarap sakin.
"Brina Shane Lee, how many times I told you that there is so many girls in a whole universe?" Napakamot na lang ako ng ulo.
"Hays kuya, nagpunta ka lang ng Canada inglisero ka na agad,"
"Better to study hard little sis, ang by the way may nasabi na ba sayo sila Mom and Dad about the good news?" Napatigil ako sa paglalakad at saglit na sinulyapan ang mukha ni Kuya.
"Anong sasabihin nila sakin? Busy sila all the time, and what is the good news kuya?" Tanong ko at napaturo pa ako sa sarili ko.
"Well, wait for a days. Malalaman mo kapag 18 ka na so be ready little sis," naiwan na lang akong nakatayo dito at hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Kuya?
What's the good news then? Bakit sa 18th birthday ko pa?
Kahit na wala akong kaalam-alam sa mga pinagsasa-sabi ni Kuya ay sumunod na lang ako sa kanya. Pero ng hindi ko na makita si kuya tumakbo na ako ng mabilis para maabutan ko siya pero..
"Kuya!" Sigaw ko ng may bigla na lang akong may nabangga.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong naka-upo na dito sa sahig at nakasalampak ang pwet. Ouchy, super sakit naman!
"Holy Shit! Do you think this is a play ground?!" Napa-iktad ako sa gulat ng marinig ang sigaw ng isang matangkad na lalaki sa harapan ko.
"W-what?" Kahit na nananakit pa ang pwetan ko ay tumayo na agad ako.
"What the hell??!" Napapikit naman ako sa sigaw niyang 'yon.
"Aba! Harang ka sa daan eh malamang matatamaan nga kita! Wag kang magmura! Loko 'to ah.." bulong ko dahil ayokong gumawa ng eksena dito. Baka ma-isyu na naman ang anak ng dalawang sikat na artista.
"Get out of my way," lalo pang nanlisik ang mata ko ng sabihin niya sakin 'yon, kaya para sa kapakanan ng Mom and Dad ko na si Sheena at Bryan, nagpa-ubaya na ako at binigyan siya ng daan, kahit na ang laki-laki naman ng space sa pagitan namin.
"Madulas ka sana, impakto!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako ng mabilis dahil nakita ko sa gilid ng mata ang pagtigil at pagharap niya sa gawi ko.
Hays, sana 'wag ko na siya makita pa.
***
Before you proceed in next chapter..I want to say thank you to all of my friends. Thanks dahil pinahiram niyo sakin ang inyong mga pangalan.
And sa mga nais pang magbasa nito. Sana ay rumami pa kayo. Huhu haha thanks! Marami kasi sila ehh.. dinaan ko pa sa pm para lang matanong kung pwede ko gamitin pangalan nila hahaha.. yun lang..
Pasensya na rin at natagalan ako sa pagsusulat pero heto na! TADA! HAHAHA sana ay magustuhan niyo ang istorya na ito. Maraming salamat!
Please VOTE and COMMENT... Proceed to next chapter :)
~Clairemoon14
![](https://img.wattpad.com/cover/198330667-288-k640530.jpg)
BINABASA MO ANG
My Fiancé is My Enemy (On-hold)
Teen FictionHindi inaasahang oras at panahon na pagtagpuin sila sa isang maraming tao. Tadhana na ba ito??? Written by: Clairemoon14 Date started: August 24, 2019 Date ended: ---------