Una's POV
"Jusmiyo marimar, fifteen thousand ang mapapanalunan mo Una! Kinse mil! Biruin mo yon, isang drawing lang may pera ka na agad?" Hindi parin makapaniwalang sambit sa akin ng kaibigan kong si Trina. Nasa school kami ngayon at kagagaling lamang namin sa faculty kung saan ipinatawag ang mga natanggap sa isang poster making contest na gaganapin dito sa Maynila.
Lima kaming natanggap para maging representative ng school namin. Ito daw ang unang beses na may sasalihan ang kanilang mga estudyante sa labas ng school, kaya naman mataas ang expectations nila sa amin.
May chansa naman kaming manalo, kahit isa sa amin, kaso ang mahirap nga lang baka kapag may isang manalo, kaiinggitan na siya ng lahat at pagbuntungan na ng galit ng mga maiinggit.
"Ipagdasal mo nalang na manalo kaming lahat, para wala ng samaan ng loob" napatango nalang si Trina at nagmistulang hanggang tenga ang kanyang ngiti. "Oh ano nanaman ang problema mo?"
"Kasali din daw si Mike diba?" napahinto ako sa paglalakad. Kasama siya?
"H-ha? talaga? hindi ko alam eh" Hanggang ngayon, hindi ko parin maiwasan na malungkot sa nangyari sa aming dalawa. Pero masaya na ako ngayon para sakanya, sana hindi maging awkward ang sitwasyon namin sa monday, lalo na at siguradong nandoon si Britney, girlfriend niya.
"Nako Una, kung ako sayo kalimutan mo na yang si Mike! Wala naman iyang ginawa kundi paikutin ka noon. Kaya maging masaya ka nalang din, humanap ka ng bago, yung hindi manloloko" e ano pa nga ba? Nginitian ko na lamang siya at nagsimula na ulit kaming maglakad patungo sa classroom namin.
-
"Guys bago daw kayo umuwi, dumaan muna sa faculty yung mga kasama sa poster making contest sa monday, kakausapin daw kayo ni Sir Jaisan" paalala ng President ng classroom namin.
Nagpaalam ako kay Trina na hindi ko siya masasabayan sa paguwi ngayon dahil nga pinapatawag pa kami ni Sir Jaisan sa faculty.
Sa aking paglalakad, nakasalubong ko si Ken tsaka si Paolo, kasali din sila sa poster making kaya sumabay na ako sakanila papunta sa faculty. Pagkapasok namin, mukha agad ni Mike tsaka ng mala-linta-kung makakapit-sa-balikat na girlfriend niya ang bumungad sa akin.
Iniwas ko ang tingin sakanilang dalawa at inilipat ito kay Sir Jaisan.
"Ipinatawag ko kayo ngayon dito, para sabihin sainyo na kailangan niyong magdala ng sariling pagkain at tubig sa lunes para hindi na kayo mahirapan sa pagbili ng pagkain, at kinakailangan niyo rin na magdala ng mga sarili niyong materials, except sa canvas na dodrawingan niyo sa monday, okay? and don't forget, 7 pm ang call time natin kaya kapag na-late ka, hindi ka na makakasama sa contest, yun lang you may go now" Sabi ni Sir, sabay upo sa desk niya.Paglabas namin ng faculty room ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumiretso na ako pauwi sa bahay at kaagad nag-research about sa theme ng poster making contest.
Pagka-search ko, madami agad nabuong idea sa utak ko. Kumuha ako ng papel at lapis at iginuhit dito ang imaheng nabuo sa imahinasyon ko.
-
Alas dose na ng gabi, hindi ko namalayan ang oras. Chineck ko ang phone ko kung may mga messages ba na galing kay Trina, pero wala. Siguro nakatulog na yon.
Papatayin ko na sana ang phone ko nang may nag-chat sa akin. Isa itong app kung saan pwede kang makipag usap sa mga tao, anonymously.
The username is "Art"
[Hey. wanna talk?]
[Masyado ng late e, pwede bukas nalang?]
YOU ARE READING
Love And Hate
RandomZaluna was inlove with drawing, it is her way of relaxing her mind, and to escape from her sadness. She thought nothing was special about it. Little did she know, her love for drawing is a way that destiny made for them to start their own love story.