Zaluna's POV
"ILANG BESES KO BA SASABIHIN SA INYO NA HINDI KO NGA SIYA BOYFRIEND!" naiinis na ako sakanila. Kanina pa kasi nila ako kinukulit kung kailan daw namin balak magpakasal. Aba mga leche! Hindi pa nga ako graduate sa highschool tapos kasal agad ang iniisip nila. Pati si Daddy na akala ko'y magagalit ay panay ang kwento kay Karter tungkol sa mga kalokohan ko nung bata ako, pati yung mga pictures ko nung baby ako ay pinapakita niya rin.
"Ay nako ate Nunay, 'wag mo na kasing itanggi, kitang kita ng dalawa kong eyeballs ang ginawa niyo. Ang alam ko kasi, mga magjojowa lang ang gumagawa nun, diba Lester?" dakdak ng isa kong pinsan na si Hana habang masiim na pinagmamasdan kaming dalawa ni Karter.
"Aba malay ko, wala naman akong jowa" sagot ni Lester sa tanong niya. Kain lang ng kain si Lester ng burger na inorder niya kanina. Lahat kami ay kumakain ng rice, pero ayaw niya daw mag rice kasi diet na siya. Loka loka talaga, hindi niya alam eh mas unhealthy yun kesa sa rice.
I looked at Karter. Dad is still talking to him. Arghh. Bakit niya kasi ako niyakap? Pwede namang i-pat niya nalang yung shoulder ko? Hay nako.
"Akala ko pa naman walang magkakagusto sayo dahil mukha kang witch na palaging walang ligo" malungkot na sambit ni Kenzo habang nakasandal sa pader at hawak ang isang drumstick na fried chicken.
Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Kenny " Napakabilis nga naman talaga ng panahon ano? parang kanina lang tinitigan ko siya dahil kamukha niya yung mangkukulam sa snow white, ngayon, siya pala si snow white tapos.. Nahanap na niya ang Prince Charming niya" mahabang litanya ni Kenny habang nakahawak pa sa dibdib niya na parang na-to-touch. Napakaweird talaga ng pamilya ko. May OA, may adik sa Disney, yung isa tulala habang kumakain, yung isa naman diet daw pero kumakain ng burger. Hayo nako.
"Snow white ka dyan, siya parin yung mangkukulam, ginayuma niya lang si Prince Charming" singit ni Lester sa usapan. Sinamaan ko siya ng tingin. Tss. Makapag salita naman itong biik na ito, akala mo mas maayos ang ichura niya sa akin.
"Tatahimik ka o ipapasubo ko sayo itong plato?" isinuksok niya bigla sa bunganga niya ang kinakain niyang burger at nginitian ako ng nakakaasar.
"Wag ka naman masyadong highblood, Babe. Kahit mukha kang mangkukulam tanggap parin kita"
Ilang beses ako kumurap bago unti-unting harapin si Karter. Ng magtama ang paningin namin ay nginitian niya ako at bigla akong pinisil sa ilong.ARGHHH!!!!
"Sabi na nga ba e!"
"Bagay!"
"ayiee ang sweet naman ni Kuya Karter"
"YEY MAGKAKAROON NA AKO NG APO"
Natigilan ang lahat sa sinabi ni Daddy. Napasampal nalang ako bigla sa noo ko. Kahit kailan talaga may pagka-advance ang utak ni Daddy.
Sinamaan ko ng tingin si Daddy at nginitian lang ako nito habang naka finger-heart. Nang-aasar lang yata ireng gurang na ire.
"Bakit ayaw mong kumain?" muli akong kinausap ni Karter at biglang tumahimik ang lahat. Tila lahat sila ay patagong nakikinig sa usapan namin.
Ang isa naman ay nakatitig talaga sa amin at gulat na gulat pa ang mata.Dahil kanina pa nila ako pinag-ti-tripan, sila naman ngayon ang aasarin ko.
"Hindi mo kasi ako sinusubuan e" i said with a flirtatious tone. Kinindatan ko naman si Karter, senyas na sakyan niya ang trip ko.
Narinig ko namang nasamid si Daddy at napaubo pa."Oh, hinay hinay lang sa pakikinig-- ay este sa pagkain. Honey naman kasi~ napakasiba" sambit ni Mommy kay Daddy. Umiinom ngayon ng tubig si Dad at inaalalayan naman siya ng asawa niya.
"Oh ito, ahhh~" nagulat ako ng may sumulpot na kutsara na may lamang ulam at kanin. Nginitian ko siya at pabebe ko naman itong isinubo at muntik na akong mabulunan ng makitang lahat sila ay nakanganga din na parang may isusubo din na kutsara.
Kumuha din ako ng kutsara at nilagyan ito ng ulam at kanin "Babe. Ito ang sayo, say ahhh~" gaya ng ginawa ko ay isinubo niya rin ito.
"Ahh--"
"ahhh~" natigilan kaming dalawa sa pagsusubuan ng marinig naming dalawa na lahat ng nasa loob ng restaurant ay ginaya ang ginawa ni Karter. Ng makalingon naman kami ay muli silang bumalik sa dati nilng ginagawa na parang walang nangyari.
(๏_๏)
"Subuan mo pa nga ako" malambing na sambit sa akin ni Karter habang matamis na nakangiti na sakin. Sinuklian ko ang ngiti niya and unexpectedly, bigla niyang pinisil ang magkabila kong pisngi.
Lumelevel-up na ang pag-pisil ng lalaking ito ah. Mamaya iba ang ang pisilin nito. Baka pati bilbil ko pisilin na niya.
Muli akong naglagay ng kanin at ulam sa kutsara ko "Say, ahhh-" isusubo ko na sana ito kay Karter, ng bigla nanamang sumabay ang pamilya ko. Pati si Kenzo ay ginagaya kami, isinubo niya yung chicken sa sarili niya, kunyare ay may nagsusubo din sakanya. Si Lester at Hana naman ay ginagaya kami, sinusubuan ni Hannah ng letus leaf si Lester at nakanganga sila parehas habang nakatingin sa aming dalawa ni Karter.
(╥_╥)
Mga abnormal.
....
Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagkayayaan kaming pumunta aa arcade. Paglabas ng resto ay agad na hinawakan ni Karter ang kamay ko.
Napangiti naman ako. Nalason yata ito, maraming salamat po sa lumason sakanya.Habang naglalakad ay may lumapit sa amin na mga babaeng na mukhang mga fan girls niya.
"hihihi H-hello po Kuya Karter, pwede po ba kaming magpapicture?" sambit ng babaeng nakashorts.
"Osige-wait lang babe ah, magpapapicture lang sila" dahan dahan niyang pinakawalan ang kamay ko at lumapit sa mga fan girls niya. Hindi ko na talaga alam ang kinikilos ni Karter? Nakatira ba ng ipinagbabawal na gamot ito?
"thank you po hehehe"
"Ay, girlfriend mo po siya?" parang labag pa yata sa kalooban mo ate ghorl. Kahit hindi niya ako girlfriend, nasaktan ako ng medyo slight.
Tumawa ng mahina si Karter at inakbayan ako "oo, three years na kami" sambit niya sa mga ito.
"Wooow, so hindi ka pa po sikat nung maging kayo? Grabe naman po. Kaya pala mukha siyang stressed--"natigilan siya sa pagsasalita ng sikuhin siya ng isa pang babaeng kasama niya "S-sorry po, uhm mauna na po k-kami hehe" sabi niya bago sila lumayo sa amin. Habang nakaakbay siya ay nagkatinginan kami.
"hindi ka naman mukhang stressed ah--puyat lang-Aray!" sinampal ko siya at inalis ang kamay niya sa braso ko. Puyat pala ah. Leche.
Nauna akong maglakad papunta s loob ng arcade at iniwan siya. Naramdaman ko naman na sinundan niya ako kaya nagpakawala ang mga labi ko ng isang ngisi.
Naramdaman kong muli siyang lumapit sa akin at tumabi sa akin.
Ngayon ay may dala na siyang bouquet ng mga rosas.
⊙_⊙
saan galing 'yang bouquet na iyan?
"Pwede ba kitang ligawan?"
YOU ARE READING
Love And Hate
RandomZaluna was inlove with drawing, it is her way of relaxing her mind, and to escape from her sadness. She thought nothing was special about it. Little did she know, her love for drawing is a way that destiny made for them to start their own love story.