Chapter 6: Seatmate

14 7 4
                                    

Una's POV

'Karter Gomez??'

"Everybody please settle down!" ani ng isang medyo may edad na lalake. Mataba ito at matangkad. Body guard niya siguro. Wait--dito siya mag-aaral?!

Ng tumahimik ang mga tao ay laking gulat ko ng lahat sila ay magtinginan sa akin.

⊙_⊙

'Masyado bang halata na sinabunutan ako kanina??'

Inayos ko ang buhok ko pero nakatingin parin silang lahat sa akin. Pero sa mga sumusunod na nangyari ay mas lalong nanglaki ang mga mata ko.

Isang matangkad, makisig at napakagwapong lalaki ang bumungad sa harapan ko. Nginisian niya ako.

Ó( ° △ °|||)

'Holy sh-- '

"Can you please move out of the way? Hindi mo ba nakikitang nakaharang ka sa daan? What an idiot" sarkastikong sambit niya sa akin. Biglang nag iba ang ihip ng hangin.

'Gago ito ah'

Sa halip na gantihan ko siya ay umiwas nalang ako ng tingin at pumunta sa gilid, kasama ang mga babaeng sumisigaw kanina.

Lahat ng babaeng katabi ko ay lumayo sa akin at inirapan nila ako. Muling naglakad paalis si Karter at nagsisunuran na ang mga babaeng maiingay.

Natapakan ng iba ang sapatos ko habang hinahabol ang artista. Nuknukan nga siya ng gwapo, nuknukan din naman ng sungit.
Tinawag pa talaga akong idiot! Walang hiya!

Umiling nalang ako at pumunta na sa homeroom namin. Lahat ng kaklase ko na naroon, maliban kay Paolo, Ken at Trina ay masasama ang tingin sa akin.

'Ano ba ang ginawa ko sakanila?'

Naupo na ako sa silya ko at laking gulat ko ng may nakalagay na itim na bag sa katabi kong upuan. Diba wala naman akong katabi? Iniba na ba ang sitting arrangement?

May mga ilang nagbubulungan parin at halos ilang beses ko na naririnig ang pangalan ko. Hindi ko nalang sila pinakinggan at binuksan na lamang ang libro ko.

Nagbasa ako ng ilang mga kabanata sa el filibusterismo dahil ito ang ituturo sa amin para sa mga sumusunod na buwan na nag-aaral kami.

Hiniram ko ito sa library kaya naman grabe ang ingat ko sa pagbuklat at paglilipat ng bawat pahina. Nasa kabanata 12 na ako at ipinakilala dito ang isang tauhan na gusto ng tumigil sa pag-aaral.

Nasa gitna ako ng pagbabasa ng tumigil ang paligid at literal na nag-init ang mukha ko.

'Natapunan ako ng kape sa mukha!!'

"Aray-ang init!" nabilgang sigaw ko. Sobrang init! Ang hapdi!

"Oops sorry, nakaharang ka kase sa daan" si Serah. Isa pang feeling reyna sa school. Sarap ipalamon sakanya nung hawak niyang paper cup ngayon! Pero pinigilan ko lang at naglakad palabas ng room.

Yumuko ako, may nabangga akong tao pero nagpaumanhin lang ako at dumiretso na sa cr. Ang hapdi parin! Para akong binuhusan ng asido sa mukha!

Tinanggal ko ang salamin ko at inalis ang tali ko. Naka-braid kasi ako. Ang ganda pa naman ng pagkakatali ng buhok ko ngayon!

Hinugasan ko ito ng shampoo na galing sa vendo machine. Wala akong tuwalya kaya hinayaan ko nalang na basa.

Isinuot ko uli ang salamin ko at nagmadaling bumalik sa classroom. Wala pa naman ang adviser namin kaya hinanap ko agad ang upuan ko.
Ng mahanap ko ito ay umupo agad ako.

'Sigh'

"Baho"

I heard my classmates laugh. Pero nangibabaw ang tawa ni Serah. Ano meron?

"Can you please breath that way? your breath gives me a headache"
at na-realize ko na..si Karter ang katabi ko. Gago talaga ito.

"For your information nag-ma-mouth wash ako after ko mag toothbrush" mahina pero may diin na sabi ko.

Tumaas ang isang kilay niya at deretso akong tiningnan sa mata. I am surprised kase hindi ako nailang habang nagtitigan kami. Dumating ang adviser namin, at lahat kami ay tumahimik na.

"Lahat naman siguro kayo ay aware na may bago kayong classmate? At lahat kayo ay kilala na siya, pero para mas lalo natin siyang makilala, can you please stand up?" Si Sir Anton. Science Teacher.

Ngumiti siya. Tss. Peke.

"Good morning, Sir" ngiting ngiti parin siya. Plastic talaga.

"Good morning to you as well, Mr. Gomez. May I ask you, why did you want to study here?"

Tumingin muna siya sa sahig tsaka muling inangat ang ulo niya " Well, I heard that this institution is full of talented people, so I think if I enrolled here I will be able to improve my abilities in music, in socializing and on other aspects"

*Palakpakan*

◐.̃

Nakakabilib ba yun? Tss, magaling din pala ito mangbola e. Sabagay anak nga naman siya ng owner ng school.

"Wow okay, next question. What do you expect from your classmates?"

"I don't really have expectations, but I think they're...nice, I guess?"
Tumawa siya ng mahina at nakita ko naman ang iba kong babaeng classmates na kinikilig.

(¬______¬)

"Haha we'll see about that, okay, last question, why sit beside her?"
medyo naka-smirk pa si Sir. A-ano daw?

"I don't have another choice, it's the only vacant seat I can find, Sir"

Nagtawanan ng malakas ang mga kaklase kong babae. Mga lintik kayo. Tiningnan ko si Trina at laking gulat ko na tumatawa din siya. Pinangdilatan ko siya ng mata at sinenyasan ko na kukutusan ko siya.

"Really?" nakataas ang kilay ni Sir, at parang nang-aasar siya sa tingin palang niya kay Karter. "Haha I'm just joking, you may take your seat now"

Nang nawala sakanya ang tingin ng ibang tao ay muling bumalik ang mukha niya na parang galit sa mundo.
Tiningnan niya ako, simula sa ulo hanggang paa.

<(-︿-)>

"Tss, nerd"

Di ko nalang siya pinansin at ibinalik ang tingin kay Sir Anton. Tinitigan ko si Sir. Napaka-gwapo niya talaga.

Kahit may salamin siya at may malaking nunal sa may tabi ng labi niya.Kapag pinagmasdan mo ng maayos, mas gwapo pa siya sa lintik na katabi ko.

Siniko niya ako. Walang gana ko siyang nilingon.

"Is he that handsome? Bakit parang titig na titig ka sakanya?" bulong niya sa akin. Pakelam ba niya? Ang random niya.

"Oo, to be honest mas gwapo nga siya sayo e" nginitian ko siya para lalo siyang mainis. Nagdikit ang dalawa niyang kilay kaya mahina akong tumawa.

"Tss, walang taste, mas gwapo naman ako dyan e" hindi ko narinig ang sinabi niya dahil hindi ko maalis ang paningin ko kay Sir Anton.

Ipinatong ko ang baba ko sa ibabaw ng dalawa kong kamay na nakapatong sa desk ko. Hindi ko masyadong naintindihan ang itinuturo niya dahil mahina ang boses niya, pero wala akong pake dahil nareview ko nanaman yung topic na yan noong weekend.

"Okay class, that's all for today, goodbye"

Tumingin siya sa akin at kinindatan ako.

⊙_⊙

omg......

'WaaaAhHhHhhhh'







Love And HateWhere stories live. Discover now