Una's POV(Mike)
[I miss you]
Agad kong pinatay ang phone ko at inihagis ito sa kama ko. Scam nanaman ba ito? Kunware miss ka, kase hindi sila okay ng jowa niya.
Hindi ko nalang pinansin ang message niya at tsaka tulalang tumitig sa kisame ng kwarto ko. Muling nag flash back sa utak ko ang mga ginawa ni Mike sa akin noon.
Ipinahiya niya ako sa buong campus noon. Sinabi ko kase sa recognition namin na boyfriend ko siya, pero itinanggi niya sabay akbay kay Britney. Pinagtawanan ako ng lahat noon. Sa sobrang hiya ay bumaba na ako ng stage habang pinipigil ang iyak ko.
Dumiretso ako noon sa isang classroom sa college department para walang makakita sa akin. Pero ng pag pasok ko doon, may isang lalake akong nakita na nag p-painting sa loob.
6pm na ng mga oras na iyon at mag-gagabi na kaya pa-sunset na. Nakaharap siya sa bintana at tinitigan
ang langit. Mga ilang sandali lang ay muli niyang ibinalik ang paningin niya sa canvas na nasa harapan niya at ilang saglit lang ay nakaguhit na siya ng isang magandang landscape painting.Kinunan ko siya ng litrato at napagdesisyonan ko na uuwi na ako dahil baka hinahanap na ako ng pamilya ko. Pagkababa ko sa building ng college department ay si Trina agad ang nakita ko. Umiiyak siya dahil nalaman niya na niloloko siya ng boyfriend niya. At simula ng araw na yon, naging mag-bestfriends na kami.
-
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan muli ang litrato ng lalaking kinuhanan ko sa college department.
'Sino ka ba? Kailan kaya kita makikita uli?'
*ding*
(Art)
[Done. So what do you wanna talk about?]
[So, I have this ex]
[oh, okay go on]
[kase nag message siya sakin, he said he miss me, pero kase masyado ng mahirap paniwalaan kase diba, to make the long story short, ipinagpalit niya ako sa mas maganda at ipinahiya pa ako sa buong campus]
[That's fucked up]
[Ikr]
[Just don't mind him. Ignore him nalang, baka gusto lang niyan ng kalandian]
[Kaso makakasama ko siya sa monday e]
[Well, obviously you go to the same school e]
[How did you know?]
[Diba sabi mo pinahiya ka niya sa buong campus?]
[ah oo hehe, may contest kase kami na sasalihan, poster making contest]
[Really?Goodluck sainyo, just ignore him nalang and wag mo ipakita na awkward ka, kelangan ipakita mo na wala kang pake sakanya]
[Ttyl, I have something to do this afternoon so mamayang gabi nalang uli?][Sure, bye Art]
Muli kong binalik ang paningin ko sa litrato ng misteryosong lalake. Pinagmasdan ko ang pigura ng katawan niya. Halatang nag gygym at maalaga sa katawan. Kulot ang kanyang buhok at halata na matangkad siya. Maputi ang kanyang balat at magaling din pumorma.
Kinuha ko ang sketch pad ko at nagsimulang iguhit ang litrato ng misteryosong lalaki.
Lapis lamang ang ginamit ko, at pagkatapos ay nagandahan ako sa igunuhit ko. Kapag nakita ko ulit ang lalaking ito, ibibigay ko ito sakanya.
Dahil sakanya kaya ako nagkaroon ng inspirasyon na manatiling matatag. Hindi ko alam, pero noong pinapanood ko siyang mag painting, parang isang milyong mga paru-paro ang lumilipad sa tiyan ko. Sakanya ko napagtanto na totoo nga ang love at first sight.
YOU ARE READING
Love And Hate
AléatoireZaluna was inlove with drawing, it is her way of relaxing her mind, and to escape from her sadness. She thought nothing was special about it. Little did she know, her love for drawing is a way that destiny made for them to start their own love story.