Zaluna's POV
Sa bahay namin tumambay ang tatlong magkakaibigang sila Karter, Sammuel at Nathan. Dito din sila kumain ng lunch. Akala ko nga noong una ay hindi matutuwa ang mga kamag-anak ko na may tatlong lalaking umaalingid sa akin, pero-leche! Tuwang-tuwa pa sila! Pahiram daw ng isa, sabi ng iba kong mga pinsan na babae.
Alas kwatro na ng hapon at nagpapaalam na silang tatlo dahil uuwi na daw sila sa kaniya-kaniyang mga bahay. Nalungkot ang mga pinsan ko, sinabi pa na bumalik daw uli sila bukas. Mga mahaharot, bawal! May pasok kami bukas!
Lumapit sa akin si Karter at kinuha ang kamay ko mula sa aking tagiliran.
Hinawakan niya ito at hinalikan. Shete. Otso. Takte naman oh! Ligawan mo kaya muna ako! "See you tomorrow" sabi niya sabay kindat.
Aalisin na niya sana 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko ng bigla siyang may naalala "Oh before I go, I want to ask you something.. "Tumahimik ang mga tao sa paligid ko. Inaabangan din ang sasabihin ni Karter.
"A-ano yun?" nautal ako dahil kinakabahan ako sa sasabihin niya. Sasabihin niya ba na mukha akong aswang ngayon? Aasarin niya lang kaya ako??
"A-ano kasi.. " nautal din siya. Pa-suspense pa amp.
"ano?" sambit ko.
"A-ano, ano sana"
"Ano nga?"
"Kung pwede sanang ano.."
"ano nga?" nauubusan na ako ng pasensya ah! Pinapatagal pa e'
"Ano kase-"
"Isa pang ano hahalikan na kita!" sigaw ni Lester mula sa living room namin. Nanlaki naman ang mga mata ni Karter.
"Pwede ba kitang ligawan?-"
"AY!!! JUSMIYO MARIMAR!!"
"TAKTEE!!!"
"AKO NALANG PO KUYA KARTER!"
"HUHU SANA OL!"
"LIMANG APO ANG GUSTO KO AH!!"
Napatahimik ang lahat sa sinabi ni Daddy. Kahit kailan talaga siya ang PINAKA-OA. Napatawa si Karter sa sinabi ni Daddy at nag-thumbs-up pa ito na parang sinabi niya kay Daddy na opo bibigyan po namin kayo ng limang apo.
>_<
Muling tumahimik ang paligid. Bakit sila tumahimik? Inaabangan ba nila ang sagot ko? Kailangan pa bang sagutin 'yun? Hindi ba halata na oo ang sagot?
"I'm sorry pero... " narinig kong napasinghap ang ilan sa mga tao sa likod ko, syempre pinakamalakas ang singhap ni Daddy "pero.. Charot hehe oo naman!"
Huminga ng malalim si Karter, na-relief sa narinig. Akala niya yata ay i-ba-busted ko siya.
"Kinabahan ako 'dun ah" sambit niya habang nakahawal sa magkabilang dibdib. Para tuloy siyang sinasapian.
Biglang lumapit sa amin si Lester na may hawak na bible at may hila-hilang puting kumot. Nilagay niya sa ulo ko ang puting kumot na nagmistulang belo ng isang bride. Lumapit din si Hana sa amin at inabot ang dalawang pirasong cheese-rings, siguro 'yun ang singsing.
"Karter. Tinatanggap mo ba bilang asawa ang aswang na kaharap mo ngayon-aray!" hinampas ko siya. Bwisit! "a-ang magan-mabait na babaeng kaharap mo ngayon?" ayaw pang sabihin na maganda ako. Nakakainis talaga itong si Lester, sarap katayin! Hindi ka makakatanggap ng deodorant sa pasko!
YOU ARE READING
Love And Hate
RandomZaluna was inlove with drawing, it is her way of relaxing her mind, and to escape from her sadness. She thought nothing was special about it. Little did she know, her love for drawing is a way that destiny made for them to start their own love story.