Chapter 3: Autograph

25 12 5
                                    

Una's POV

"Zalunaaaa!!!" Malakas na sigaw ni Kenzo. Naalimpungatan ako at wala sa sariling napaupo sa pagkakahiga ko. Tiningnan ko siya ng masama at pinitik niya naman ang tenga ko.
"Tatarayan mo pa ako ah! Late ka na! seven na oh!" galit niyang wika sa akin at inihagis ang alarm clock sa tabi ko. Napabalikwas ako sa higaan ko at dumiretso agad sa banyo.

muntik na akong ma-late!!!

Mabilisan akong naligo at magbihis, kinuha ang bag ko at mga babaunin kong pagkain. Nagpaalam na ako sa pamilya ko at dumiretso sa school. Bale walking distance lang ang bahay namin papuntang school kaya mabilis lang akong makakadating.

Nakadating na ako sa harap ng gate ng school namin at bago pa ako makapasok ay may nakabangga sa akin.

"Oh shoot, sorry hindi kita nakita"
Si Mike. Gago talaga ito kahit kelan. Hindi ko nalang siya pinansin at inantay na lang ang iba pa naming kasama dahil kapag sinamahan ko sa loob si Mike ay kung ano-anong kalokohan ang ipagyayabang sa akin nun.

Ng makarating silang lahat, pati si Sir Jaisan ay sumakay na kami sa van at tumungo na sa venue kung nasaan ang contest.

Madami kaming nadaanan na magagandang lugar at tuwang tuwa ang mga kasama ko ng itigil ng driver ang sasakyan sa may seaside para makita namin ang magandang view.

Ng makarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang patumpalak ay bumaba na kami sa sasakyan. Lahat kami ay namangha sa dami ng mga taong naroroon. Maganda din ang mga disenyo at ang mga pader ng silid ay puno ng mga iba't-ibang uri ng artwork. May mga paintings, sculptures tsaka mga fairy lights naman ang nasa kisame.

Habang nagmamasid sa paligid ay agad na hinatak ni Sir Jaisan ang braso ko.

"Oy Zaluna, halika nga dito, baka mawala ka bigla e, sa dami ba naman ng tao dito, baka kapag nawala ka ako pa ang sisihin ng mga magulang mo at ipasesante ako sa trabaho ko, kaya wag ka na muna lumayo sa amin baka kung saan ka pa sumuot diyan" mahabang sermon sa akin ni Sir Jaisan. Tinawanan ko lang siya at sinundan siya papunta sa pila kung nasaan ang mga kasama namin.

Agad kong nahagilap si Mike, siya lang ang bukod tanging naka-yellow na hoodie jacket kaya nangingibabaw ang suot niyang damit. Ng magtama ang paningin namin ang ngumisi siya, at iniwas ko naman agad ang tingin ko.

Pumunta ako kela Paolo at Ken para naman may makausap ako, kausap kase ni Sir si Mike. Tinanong ko sila kung may ideya na ba sila kung ano ang gagawin nila mamaya.

Si Ken daw ay wala pang ideya pero si Paolo naman ay todo explain sa amin about sa kanyang plano. Kumuha pa nga siya ng papel e, para lang mai-explain sa amin ng mabuti. Natawa nalang ako sakanya dahil para siyang bata, naalala ko tuloy sakanya si Kenny.

Pumila na kami para mabigyan ng ID para sa mga participants. Makalipas ang mga ilang minuto ay ako na ang kukuha ng ID.

'makakaupo na ako, sa wakas!'

(*^3^)/~

Ng iaabot ko na ang kamay ko para kunin ang ID ay biglang may sumingit sa harapan ko.

'Gago ba to?'

"Hi miss, I'm sorry, but I really need to go inside right now" sabi niya sa babaeng nag-aabot ng ID. Ang kaninang nakabusangot na mukha ng babae ay biglang naging maaliwalas. Ngiting ngiti siya at parang.. kinikilig pa??

'Whut the??? (╯°□°)╯'

"O-of course" sabi niya sa lalaking nasa harapan ko at hindi maalis ang tingin niya dito. Tss. Inabot niya ang ID at nagmadaling pumasok ang lalake sa loob. Hinabol niya pa ng tingin ang lalake at ng mawala na ito sa paningin niya ay bumalik nanaman ang mukha niyang parang galit siya sa mundo.

Love And HateWhere stories live. Discover now