Zaluna's POV
*GUIDANCE OFFICE*
"Kayo nanamang tatlo?" napamasahe sa sintidong banggit ng Guidance Counselor namin habang kinakausap ang tatlong babaeng sinabunutan ako.
Magkakatabi silang tatlo sa right side at kami namang tatlo nila Kenny at Kenzo ang magkakalapit sa left side. Katapat namin sila, kaya kitang kita namin ang mga reaction nila.
The Counselor looked at the three girls and said "Ano ba ang makukuha niyo sa pananakit ng mga babaeng lumalapit sa kambal na Terlie?"
Nakatungo lang silang lahat at hindi sinagot ang tanong ng counselor, dahilan para lalong uminit ang ulo nito.
"Sasagot ba kayo o ipapadala ko dito ngayon ang mga parents niyo?"
Galit na sambit ng GC."bida bida po kasi siya" banggit ng leader nilang mukhang clown. Aba at ano naman ang ginawa ko para maging bida-bida sa paningin niyo?
"Bida-bida? Bakit? Ano ba ang ginawa niya sayo? " wika ng GC habang tinuturo ako.
Sinamaan niya ako ng tingin at sinabing "palagi po kasi siyang sumasabay kela Kenny at Kenzo. Lagi po kasi namin napapansin na magkakasabay silang pumasok sa school. Crush po kasi namin silang dalawa kaya nag-ke-care po kami sakanila. Baka po kasi pinagsasamantalahan ng babaeng yan si Kuya Kenny at Kuya Kenzo. Nagaalala lang po kami na maapektuhan ang image nila dito sa school" pagkatapos ng mahabang speech ni pennywise ay napasampal nalang ako sa noo ko. Pati ang Guidance Counselor ay hindi mapigilang mainis.
"Hija, alam mo ba ang relasyon ng tatlong yan? " sambit ng GC.
"o-opo! Parehas pong nilalandi ng babaeng yan ang mga Kuya namin!"
Hindi ko na mapigilan ang inis ko kaya nairapan ko siya. Nilalandi amp! Pati ngayon ay masasama na ang tingin nila Kenny at Kenzo sakanya."tss nakakatawa ka naman" sambit ni Kenzo. Minsan ayoko ng katarayan ni Kuya, pero ngayon natutuwa ako sa sinabi niya.
"P-po? Bakit po Kuya Kenzo? " nakangiti pang sambit ng batang mahaba ang buhok aka pennywise.
Ikaw yata ang malandi e. Tsk.Hindi siya sinagot ni Kenzo kaya lumungkot ang mukha niya. Hahahaha buti nga sayo!
"Hija.. " sambit uli ng Counselor habang nakatingin sa batang babae.
"po?"
"Humingi ka ng paumanhin sa babaeng sinabunutan mo"
"B-bakit naman po? Eh siya naman po yung nagsimula ng gulo e!" nagkatinginan kami at talagang siya pa ang may lakas ng loob na siringan ako ng tingin!
"bakit ka magsosorry?" si Kenny "Dahil sinaktan mo yung prinsesa namin!" tiningnan ko yung reaksyon ng babae. Lumaki ang mata niya, hindi makapaniwala sa sinabi ng crush niya. Tsk.
Nginitian ko si Kenny at inakbayan niya naman ako.
"Hija. Wag mo na uli gagawin 'yung ginawa mo ah. Pati yung kapatid ng crush niyo nasasaktan niyo na" wika ng Guidance Counselor.
"K-kapatid mo s-sila?" nabubulol pang sambit ni Pennywise.
-_-||
Hindi ba halata? Eh kahawig ko yang dalawang yan eh! Mukhang kailangan
ko na talaga ayusin ang itsura ko, wala ng nakakakilala sa akin."Oo, gusto mo din ba? Kung gusto mo pwede ka naman magpa-ampon kay Mommy" umalis na ako agad pagkatapos sabihin ang mga katagang yun. Tsk. Ang sama naman ng araw na 'to.
YOU ARE READING
Love And Hate
RandomZaluna was inlove with drawing, it is her way of relaxing her mind, and to escape from her sadness. She thought nothing was special about it. Little did she know, her love for drawing is a way that destiny made for them to start their own love story.