Chapter 1

42 3 0
                                    


"Ma! Hindi ko maintindihan! Bakit? Bakit ko kailangan magtransfer na naman ng school? Bakit biglaan?", naguguluhang tanong ni Arqui sa Mama niya habang kausap ito sa telepono.

"Arqui, wala ng maraming tanong. Ok?! I have decided! Lilipat ka ng school, kina Nanay Betty ka titira. Nakausap ko na si Tita Celine mo. Inaayos na nya ang mga papers mo para makapagtransfer in ka na.", sunod-sunod na paliwanag sa kanya ng Mama niya.

"Ano ganun na lang, Ma? Bigla-bigla niyo kong tatawagan at sasabihin na itatransfer niyo ko ng school. And wow! Ni hindi manlang ako nakapagprepare! Hindi manlang ako nainform na naireleased na pala ang lahat ng papers ko sa Academy for transfer. Kung surprise man 'to! Grabe! Sobrang nasurprised ako!", sarkastiko niyang sabi sa ina.

Arqui was really in shocked. Sino ba naman ang hindi. Pagdating niya sa Academy kaninang umaga ay agad siyang ipinatawag ng Principal para sabihin na naireleased na ang lahat ng documents niya at hindi na niya kailangan pumasok starting on Monday.

Dinaig pa niya si Cassie na hindi pinapasok sa school. Like, "Cassie, hindi ka muna papasok sa school!", naging Cassie Mondragon #2 tuloy ang peg niya. Pati sa classroom ay hindi na din siya tinanggap ng mga professors niya, dahil ang dahilan ng mga ito, she's no longer a student of Ever Greene Academy.

Inexplain naman sa kanya ng Adviser at Principal niya ang nangyari. Aniya ng mga ito, tumawag sa kanila ang Mama niya para sabihin na kailangan niyang lumipat agad ng school. And that was a week ago. Ibig sabihin, planado na ang lahat. Planado na ng Mama niya ang lahat. At sinugurado nito na hindi siya makakaangal.

Hindi sinabi ng mga ito ang dahilan kung bakit kinailangan niyang lumipat ng school. Sa huling pagkakatanda naman niya, magaganda naman ang mga grades niya. Wala siyang bagsak o back subjects simula ng magtransfer siya EGA. She's even a member of EGA Dance Troupe and a Volleyball Varsity Player. And yes, she's a transferred student. Nagtransfer siya sa EGA when she was in Grade 10, at ngayon Grade 12 na siya.

"Ma! Isang taon nalang! 9 months to be exact! Gagraduate na ko! Bakit ngayon niyo pa naisipan 'to? Kakasimula pa lang ng school year itatransfer niyo na ko agad? Ma, naman!", reklamo niya pa rin sa ina habang paikot-ikot sa loob ng kwarto niya.

"Arqui.", buntong hininga ng mama niya. "Do you trust me?", tanong nito sa kanya.

"Of course. I trust you! Pero sa pagkakataong 'to, hindi ko alam.", pagpapakatotoo niyang sagot sa ina.

"Arqui, ginagawa ko 'to para sayo. Para sa inyo. Ok?! Sa tingin mo ba ilalagay kita sa sitwasyon na hindi mabuti para sayo? Just trust me, anak. Para din 'to sa inyo.", rinig niya sa kabilang linya ang pagbuntong hininga ng ina. At sa pagkakataong 'yon, mukhang wala na talagang siyang magagawa.

"Pano si Arquin? Si Arquil?", tanong niyang muli na ang tinutukoy ay ang dalawa niyang nakababatang kapatid.

"Naayos na din ang mga papers nila for transfer. Inayos na din ni Tita Celine mo ang lahat ng kailangan niyo para sa lilipatan niyong school to make sure na hindi kayo mahihirapan. Iisang curriculum lang naman ang meron sa lahat ng school for Elementary, Junior High at Senior High kaya hindi kayo mahihirapang humabol.", mahabang paliwanag ng ina. Her Aunt Celine is a teacher.

"Alam ba 'to ni Papa?", Arqui asked. Pero ilang segundo na ay hindi pa rin sumasagot ang Mama niya. "Ma? Andyan ka pa ba?"

"Oo, andito pa ko. At oo, alam ng Papa. Nag-usap na kami tungkol dito."

"And, pumayag siya? Akala ko ba gusto niya na dito kami tumira kay Lola habang nanjan kayo sa Dubai?", takang tanong niya sa kanyang ina.

Sa pagkakatanda niya kasi, kaya napilitan silang lumipat sa bahay ng lola niya na nanay ng Papa nila ay dahil ayaw nitong maiwan silang magkakapatid sa bahay nila na ang kasama lang ay ang Aunt Celine niya. Mas mababantayan nga naman sila kung dito sila mananatili sa poder ng kanyang Lola.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon