Chapter 4

15 2 0
                                    


"Arquisha Shanaiah!!!"

Sigaw ng babae.

Mariin itong nakatingin sa kanya habang nakapamaywang na naglalakad palapit sa kanya.

Nahawi naman ang mga estudyanteng nasa gitna ng hallway. Halos lahat ay nakatingin dito. Sa kanila.

Tumigil ito sa tapat niya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Well, well, well! At tama nga ang tsismis! Look who's back?", anito sa kanya.

Nagtataka namang nakamasid sa kanila ang apat habang palipat-lipat ng tingin sa dalawa.

"Yes. And for good.", sagot ni Arqui.

"Ah?! Magkakilala kayong dalawa?", singit ni Zander na halatang naguguluhan.

"Of course!", sagot ng babae. "She is my dearest bestfriend.", nakangiting sagot niya sa tanong ni Zander.

"BESTFRIEND!!??", gulat na tanong ni Xander, Blue at Trace.

"Yow! Yow! Yow! So, look who's finally back!? Ang nag-iisang Arquisha Shanaiah Sanchez! The one and only!", nakangiting bati ng bagong dating na si Zeus.

"Mukha ka pa ring monggi, Zacharias!", pang-aasar ni Arqui.

"Wait! Wait!", pigil ni Trace sa usapan nila. "Magkakakilala kayo?", turo niya sa tatlo. "Paano?"

"Where best of friends, for you info.", ani Solar na nakangiti ng matamis sa kanila. "At ikaw babae! Madami kang dapat ipaliwanag! Alam mo bang kanina pa ko naghihintay sa text at tawag mo?! I've been waiting for your text for like, what? Two hours?! Di mo manlang sinabi na papasok ka na ngayon! Akala ko bukas or next week ka pa magpapakita since ayaw mo pa namang pumasok!", sermon ng kaibigang si Solar kay Arquisha.

"Ganda naman ng bungad mo kay Quish! Tama na 'yan! Ang importante, she's back!", awat ni Zeus kay Solar. "And you!", turo niya kay Arqui. "Stop calling me Zacharias. That's creepy!".

Nakangiti lang si Arqui habang pinagmamasdan ang dalawang kaibigan na nag-aasaran sa harap niya. They are her bestfriends. Mga bata palang sila ay magkakaibigan na sila. Ito rin ang mga naging sandigan at kakampi niya nung mga panahong madalas siyang mabully. In good times and in bad times, lagi niyang kasama ang mga ito. Kaya naman laking pasasalamat niya na hindi nagbago ang pakikitungo ng mga ito sa kanya kahit pa nagdesisyon siyang lumipat ng school noon.

Si Solar Samara Quizon lang ang nag-iisa niyang kaibigang babae. The closest. Madami naman siyang kaibigang babae noon pero dahil nga sa pambubully sa kanya dati ay unti-unting lumayo ang mga ito sa takot na madamay sa pambubully sa kanya. Si Solar lang ang nag-iisang malakas ang loob na ipagtanggol siya. Matapang at palabang babae si Solar. Minsan nga ay nagmumukhang ito ang nambubully dahil kahit lalaki ay pinapatulan nito. Sikat din naman siya sa Academy dahil miyembro ito ng Dance Troupe ng Academy.

While Zeus Zacharias Lopez is one of her guy bestfriend. Like Solar, isa din ito sa mga madalas magtanggol sa kanya. Madalas pa nga itong mapaaway dati dahil sa kanya. Zeus is like a big brother to him. Very protective and caring. The kind of big brother that she always wanted to have. Lagi niya itong tinatawag na Zacharias kapag gusto niya itong asarin. Ayaw na ayaw kasi nito na tinatawag siya sa second name niya. Zacharias kasi ang pangalan ng namatay na nitong Lolo. Sikat sa Academy si Zeus dahil member ito ng soccer team ng SOMA.

"And oh, by the way, highway! May isang nilalang pa pala na mas excited na makita ka Quish!", nakangising sabi ni Zeus habang nakatingin sa kanya. Quish ang pet name ni Zeus sa kanya and he finds it cute.

"Ah, right! Gusto ko na ngang pilipitin ang leeg ng isang 'yon! Super paranoid! Kanina pa siya nagpapanic dahil hindi ka nagpaparamdam. Inisip pa nga niya na baka nakidnap ka na or what. What a lunatic.", reklamo ni Solar.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon