Chapter 6

15 2 0
                                        

Akmang papasok sana nang classroom si Arqui ng muli siyang higitin ni Solar sa braso dahilan para makaiwas siya sa pagbagsak ng timbang puno ng tubig. Ngunit sa kasamaang palad, isa sa mga kaklase ni Arqui ang hindi nakaiwas dahilan para mabasa ito mula ulo hanggang paa.

Halos mapasinghap naman sa pagkabigla ang mga estudyanteng nakasaksi sa nangyari. Naestatwa naman sa labas ng pinto ang dalawa. Nagkatinginan na lamang sila pagkuwa'y napailing habang nakayuko ang babaeng basang-basa.

"Anong nangyari diyan?!", pasigaw na tanong Mr. Rosales. Isa sa mga terror teachers ng Grade 12. " Sinong gumawa niyan?!", ulit na tanong nito sa dalawa.

"Hindi rin po namin alam, Sir. Basta pagbukas namin ng pinto bigla nalang pong bumuhos yung tubig.", ani Solar na nakakapit pa rin sa braso ni Arqui. "Buti nga po hindi nabuhusan si Arqui. Ang kaso, mukhang may di nakaligtas.", sabay tingin sa babaeng nakayuko pa rin.

Galit at padabog na binuksan ni Mr. Rosales ang kabilang pinto ng classroom. Nagsiayos naman ng upo ang mga estudyante. "Sino ang naglagay ng timbang may tubig sa taas ng pinto? Sagot!!!", pasigaw nitong tanong ngunit nanatiling tahimik at walang imik ang mga kaklase ni Arqui. "Walang aamin sa inyo?", ulit nito.

Halos napuno naman ng bulungan ang buong classroom. Walang may gustong umamin.

"Walang aamin sa inyo?! Pwes, sige. Tutal ayaw niyong umamin, lahat kayo maglilinis sa field sa loob ng first period niyo. Naintindihan niyo?", aniya. Kaya naman lalong nagkaingay ang mga estudyante. Ilan sa kanila ay umaangal, ang ilan naman ay walang pakialam. "At ikaw naman Sanchez. Samahan mo si Sulli sa locker para makapagpalit siya ng damit.", ani Mr. Rosales kay Arqui. Agad naman niyang sinunod ang sinabi nito.

Dahil basang-basa ang damit ay bumabakat na ang underware na suot nito kaya naman hinubad na lamang ni Arqui ang suot niyang jacket at agad na ibinalot sa nakayuko pa ring si Sulli.

"Tara, sa locker na tayo.", aniya dito habang inaalalayan niya ito sa paglalakad. Halos lahat naman ng madaanan nilang estudyante ay nakatingin sa kanilang tatlo.

"Wala talagang magawang matino ang mga kaklase niyo noh?", singhal ni Solar kay Sulli. "Huy?! Okay ka lang? Napasukan ba ng tubig yang tenga mo?", balik tanong nito ng hindi umimik si Sulli. "Oo, okay lang ako! Salamat!", ani Solar habang kinakausap ang sariling kamay.

Tahimik lang silang tatlo hanggang sa makarating sa locker room. Agad namang tumakbo si Sulli sa sarili nitong locker para kunin ang PE Uniform nito. Pagkuwan ay nagdiretso sa CR para magpalit.

"Pipi ba yun?", untag ni Solar na nakasandal sa isa sa mga locker.

"Wag ka naman masyadong harsh sa kanya. Kita mo naman yung nangyare.", ani Arqui habang hinihintay na matapos sa pagbibihis si Sulli.

"Swerte siya, meron siyang pampalit. Kung ikaw yan, maghapon kang basa."

"Bakit? Di mo ko papahiramin ng damit?"

"Baka kakasya sayo? Tingnan mo nga katawan ko sa katawan mo. Braso at hita mo pa lang baka bumigay na yung damit ko.", pang-aasar ni Solar sa kanya.

"Ang sama mo! Di naman ako ganun kataba ah! Katamtaman lang kaya laki ng katawan ko.", maktol niya.

Nag-aasaran silang dalawa nang bumukas ang pinto ng CR kaya naman parehas silang napatingin dito. Lumabas si Sulli na gulo ang nakalugay na buhok habng nakatungong bitbit ang basa niyang uniform. Nagkatinginan na lamang ang dalawa.

Nagdiretso si Sulli sa locker nito at isa-isang inilagay ang basa niyang damit sa isang brown ecobag. Nakasunod naman dito ang dalawa at pinapanood ang malumanay na pag-aayos ni Sulli.

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon