Habang nakatayo sa backstage ay hindi maiwasan ni Arqui na hindi kabahan.Ito ang unang beses na lumabas sya at humarap sa madaming tao pagkatapos ng halos dalawang linggo niyang pagkukulong sa kanyang kwarto.
Bakas sa mukha niya ang pagod. Ang eyebags niyang halos hindi na matakpan kahit ng concealer at makeup.
Ang mga mata niyang kahit nakangiti siya ay mababatid pa din na may pinagdaraanan siya. Na hindi siya masaya.
Wasted!
Best word to described her tonight.
Sumilip siya sa kurtina ng backstage. Inilibot niya ang mata sa kabuuan ng Event Hall kung saan gaganapin ang Battle of the Bands. Kung saan siya magpeperform mamaya as a special guest. Isa kasi siya sa mga naging dahilan kung bakit naging successful ang event na iyon.
"Hey!", bati sa kanya ni Zach. Ang Lead Vocalist ng bandang Seven Seconds, ang organizer sa gabing iyon. "You okay?", tanong nito sa kanya na sinuklian niya lang ng tipid na ngiti. "Relax! It'll be fine. Just enjoy!", anito sa kanya sabay tapik sa balikat niya.
"Thanks!", pasasalamat niya rito.
"See you sa stage. Ganbatte!", nakangiti nitong sabi sa kanya, kapagkuwan ay pumunta na ito sa stage.
"You can do this, Arqui! Malakas ka!" bulong niya sa sarili.
Muli siyang sumilip sa may kurtina. Madami ng tao. Nakita rin niya sa kanang bahagi ng stage ang mga kaibigan niya kaya mas lalo siyang kinabahan.
For almost two weeks, ngayon lang siya ulit magpapakita sa mga ito. At sa ganitong pagkakataon pa. Siguradong magugulat ang mga ito. Sa loob kasi ng dalawang linggo niyang pagtatago ay ni hindi niya kinontak ang kahit na sino sa mga kaibigan niya.
Napahinga nalang siya malalim. 'Okay! Showtime!'
"Good evening ladies and gentleman!", bungad na bati ni Zach. "Thank you for coming! So, for tonight we have a special guest. And she will be my partner for tonight. Actually, she's also one of the reasons kung bakit naging successful ang event na ito. May we call on, Miss Arquisha Sanchez.", nang marinig niya ang pangalan niya ay agad siyang pumunta sa stage. Nagpalakpakan naman ang mga tao.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa mga tao.
Maging sa mga kaibigan niya. Bakas naman sa mukha ng mga ito ang pagkabigla.
"We will going to perform some of the songs na nirequest ng ilan sa ating mga masisipag na commentators sa aming facebook page.", natatawang sabi ni Zach. "Let's enjoy the night people!", aniya kapagkuwan ay kinuha ang acoustic guitar.
"Hello everyone!", bati ni Arqui sa mga tao. "Naranasan niyo na bang mainlove? Eh ang masaktan? Sino dito yung may jowa? Yung may ka-M.U? Yung chinat, pinahulog tapos di naman jinowa?", nagtawanan ang mga tao sa mga tanong niya.
"Sabi nila kapag mahal mo, gagawin mo ang lahat para sa kanya.
Hahamakin mo ang lahat wag lang siyang mawala.
Huwag lang siyang lumayo.
Gagawin mong posible ang imposible para sa taong mahal mo.
Magbabago ka para sa kanya. Para sa inyong dalawa.
Ibibigay ang lahat ng kailangan niya.
Uunawin ang lahat-lahat sa kanya.
Ipaglalaban ang pagmamahal mo para sa kanya.Pero paano kung ikaw nalang pala 'yung nagmamahal?
Ikaw nalang pala ang kayang gawin ang lahat para sa inyong dalawa?
Ikaw nalang ang kayang gawing posible ang imposible?
Ikaw nalang ang kayang ibigay ang lahat?
Ikaw nalang ang umuunawa?
Ikaw nalang 'yung lumalaban?Magmamahal ka pa ba?"
Hindi magkamayaw ang tao sa pagsigaw at pagpalakpak.
"Relate ako! Pakshet!", sigaw ng isa.
"Kung ganon, para sa inyo ito!", mapakla niyang ngiti.
"1, 2, 3!", aniya ng drummer habang nagbibigay ng beat.
NP: Kung Di Rin Lang Ikaw - December Avenue
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi nalang
Pipilitin pang umasa para sa'ting dalawaLalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Umpisa pa lang ng kanta ay may mga sumasabay na.
Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikawKung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?Hanggang sa mapadako ang tingin ni Arqui sa entrance ng event hall.
There she saw the man she wants to see tonight.
Looking intently at her. The man who she cares so much. The man who she loves so much.
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas ng hindi na masaktan
Kung hindi ikaw ay sino pa ba
Ang luluha sa umaga para sa'ting dalawaBumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong ibang sinisigaw?Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?Gustong umiyak ni Arqui ng mga sandaling 'yon! Gusto niyang ipakita sa lahat kung gaano siya nasasaktan. Kung gaano siya nahihirapan.
Pero pinigil niya ang sarili na mapaiyak. Ayaw niyang sirain ang gabing ito. She doesn't want to spoil the night.
Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit na ikawShe looked intently at him.
At napansin nya na...'Yung mga titig niyang kayang palambutin ang mga tuhod niya noon, wala na.
'Yung mga matang para siyang tutunawin sa tuwing titingnan siya, naglaho na.
At ang mga matang kayang iparamdam sayo na mahal ka niya at ikaw lang sapat na sa kanya, hindi na niya makita.
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muliAnd there. Right at that moment.
She came to realize that there's no LOVE in his eyes anymore.
He doesn't love her anymore.
Wala na 'yung sparks.
Wala na...
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka
(Haaaa)Hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pa niya sinusupil habang malungkot na nakatitig sa taong hindi na niya mahahawakan pa.
Sa taong pinaglaanan niya ng puso niya.
Sa taong hindi niya inakala na mamahalin niya ng totoo.
Sa taong akala niya, makakasama niya hanggang dulo.
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka
Kung 'di rin tayo sa huliAawatin ba ang puso kong ibigin ka...
"Goodbye, Chase. You'll always be my one that got away!"
--
End of Prologue...

BINABASA MO ANG
The One That Got Away
RomanceSabi nila kapag mahal mo, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Hahamakin mo ang lahat wag lang siyang mawala. Huwag lang siyang lumayo. Gagawin mong posible ang imposible para sa taong mahal mo. Magbabago ka para sa kanya. Para sa inyong dalawa. Ibi...